Now That You're Gone by Mary France Buban

50 1 0
                                    

Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao kailangan mong ipaglaban, na kahit anumang mangyari 'wag mo siyang susukuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao kailangan mong ipaglaban, na kahit anumang mangyari 'wag mo siyang susukuan. Ang sabi pa nga nila kung mahal mo ang isang tao hindi ka mangangahas na saktan siya... ang iwanan siya. Paano kung tadhana na mismo ang nagsabing 'di kami para sa isa't isa? Paano kung pareho kaming sumuko? Paano ba ipaglalaban ang isang pag-ibig kung pareho nang bumitaw?

"Condolence, Gerald." "Salamat pare," nakayuko kong sabi sa matalik kong kaibigan.

"Hindi siya magiging masaya sa kanyang paroroonan hanggang nakikita kang ganyan." Tinapik-tapik niya pa ang balikat ko habang sinasambit niya ang mga katagang iyan. Ngumiti ako ng mapait sa kanya. "Pinipilit ko namang maging okay pero pare ang daya niya... ang daya-daya niya! Bakit kung kailan ikakasal na kami saka pa siya nawala? Bakit hindi siya lumaban? Bakit hinayaan niya akong mag-isa ngayon? Bakit hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit anong gawin ko hindi na siya babalik?" Tiningnan ko siyang muli at kasalukuyan siyang nakahimlay sa kabaong. Suot-suot niya ang puting bestida na dapat sana iyon ang gagamitin niya sa araw ng aming kasal. Nakangiti ang mga labi, mahimbing siyang natutulog habang naka-cross ang kanyang mga daliri. Kahit anong gawin kong pakiusap hindi na siya babangon... hindi na maibabalik ang babaeng pinakamamahal ko. Mas Lalo pang lumala ang hagulhol ko habang pina-flash sa white screen ang mga litrato na sandaling kasama namin si Lyca Mea.

Naalala ko pa nang kami'y bata pa parang kapit-tuko kaming dalawa. Walang araw na hindi kami magkasama. Magkapit bahay kaming dalawa kaya madalas kaming magkita sa tubig-batis bago kainin ng buwan ang araw. Pareho kaming gumagawa ng papel na bangka kasabay noon papatangayin namin sa rumaragasang tubig. Ang saya-saya niya nun! Walang katumbas na salapi kapag siya'y ngumiti. Lahat ng problema ko pansamantala kong nakakalimutan. "Pangako ko sa 'yo tanging ikaw at ikaw lang ang pag-aalalayan ng aking pag-ibig. Kapag malaki na ako pakakasalan kita." Bigla akong nataranta nang nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mga mata. "Oh? Bakit ka umiiyak?" Hindi siya sumagot sa tanong ko, nagpatuloy lang siya sa pag-iyak kaya kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Mayamaya pa nababanaag ko na sa kanyang mukha na medyo nahihirapan na siyang huminga. Tila hinahabol niya ito habang nakalagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga oras na iyon. Gusto kong magsisigaw ng tulong ngunit parang naubusan ng salitang lumalabas mula sa bibig ko. Namalayan ko na lang nakahandusay na siya sa damuhan at wala naman akong nagawa kundi ang umiyak at pagmasdan lang siyang nahihirapan. Mabuti na lang napadaan doon ang mga magulang ni Lyca at kaagad siyang kinarga. "Anong ginagawa mo sa kanya? Di ba sinabihan na kitang 'wag na 'wag lang makikipaglaro sa anak ko dahil mahina ang puso niya? Gusto mo ba siyang mawala agad?" Napailing na lang ako sa sinabi ng ina ni Lyca pero ang mga salitang iyon ang nagpatanto sa akin na kailangan ko na siyang layuan at kalimutan, na kailangan ko na ring kalimutan at itapon ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ang hirap magmahal ng isang taong mawawala rin naman at mahirap kalabanin ang kamatayan.

Mixtape of Lullabies Where stories live. Discover now