When Things Fade by Lourienelle Tunac Bua

45 2 0
                                    

Umihip ng malakas ang malamig na simoy ng hangin, kadahilanan kung kaya't ang aking nakalugay na mahabang buhok ay nakikisabay na din sa pagsayaw ng mga dahon ng mga punong nakapalibot sa unibersidad namin.

Papalapit palang ako sa bukana ng aming unibersidad, rinig na rinig na dito ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga studyanteng nagkukumpulan sa gitna. Nang dahil sa kuriosidad ko, napatigil din ako doon, at saka pinagsiksikan ang sarili hanggang makarating sa gitna ng kumpulan.

Kitang-kita ko roon kung papaano lumuhod ang lalake sa tapat ng isang dalaga habang may naka-korteng puso sa gilid nilang dalawa, may mga nakakalat na bulaklak sa paligid nito habang kumakanta ang mga estudyante na nakapalibot rito.

Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Ibinulsa ko ang aking kamay sa bulsa ng aking pantalon at saka yumuki upang hindi ako mapansin ng mga tao rito. Ngumiti ako ng mapait at magpapatuloy na sanang muli sa paglalakad nang marinig ko ang mga katagang na tiyak kong sobrang masasaktan at madudurog ang lalakeng nakaluhod kanina.

Kaya imbes na tumalikod ay tinitigan ko na lamang sila. Nang mag-angat tingin sa akin ang lalake, kitang kita sa mga mata nito ang sakit na namumuo sa kanya ngayon. Baliktad man, nguni't ginawa ko ang dapat na gawain ng isang matalik na kaibigan.

Hinila ko siya papalayo at saka nagtungo sa malawak na espasyo ng lugar na ito. Dinig rin mula rito ang pag-tunog ng bell sa loob, ang alarma upang malaman ng mga estudyante na magsisimula na ang kanilang mga klase.

Umupo ako sa ilalim ng puno at gayun din siya.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata at ramdam ko ang lalakeng kasama ko na umulon sa aking balikat.

Nang iminulat ko ang mga ito, kitang kita ko ang kanyang mga mata na walang emosyon nguni't lumuluha.

"Bakit hindi mo ako sinabihan?" Pagbabasag ko ng katahimikang namumuo ngayon sa pagitan naming dalawa.

"Akala ko kasi magagawa ko ang isang bagay kahit hindi kita kasama." Sagot naman niya sa akin at saka itinuwid ang kanyang pagkakaupo. Ipinalis niya ang kanyang mga luha at saka tumingin sa akin habang nakangiti.

"Hay nako, Vid. Binata ka na talaga. Alam mo ang swerte na sana nung babae, kaso nga lang, hindi ka niya tinanggap."

"Swerte? Eh, bakit niya ako inayawan?"

Nagkibit-balikat ako at saka marahang tumawa.

---------------

Aamin na ako sakanya. Aamin na talaga ako.

Sumisilay sa aking mukha ang ngiti nang makita ko si David na nasa espasyo na aming pinuntahan kahapon.

Hahakbang na sana ako nang makita ko ang babaeng gustong-gusto niya. Si Joanne.

Nagtago ako sa likuran ng puno at saka nakinig sa kanilang pinaguusapan.

"Joanne. Talaga bang hindi mo ako mahal?"

"Mahal na mahal kita David. Pero kasi---"

Nagulat at lumaki ang aking mga mata kasabay ng pagtakip ko sa aking bibig habang dumadaloy ang maiinit na likido na nagmula sa aking mga mata nang makita ko kung paano hapitin ni David ang kanyang bewang at kung papaano nito inangkin ang labi ni Joanne.

Bakit siya pa? Gayung andito naman ako. Bakit siya? Hindi mo ba talaga ako makitang andito lang ako? Bakit naghanap ka pa?

Bago ako bumagsak sa aking pagkakatayo ay may sumalong mga braso sa akin, at nang masalo niya ako ay saka tinakpan ng kanyang palad ang luhaan kong mga mata at saka niya sinalpakan ng headset ang magkabila kong mga tenga.

Mixtape of Lullabies Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora