The One That Got Away by John Lloyd Angcog

310 11 3
                                    

"Summer after high school when we first met."

"Good morning, so kayo na pala ang magiging mga tauhan natin dito sa bagong bukas nating branch?" anang manager ng trabahong papasukan ko ngayong bakasyon. Mabuti na lamang at may pagkakakitaan ako ngayong buong bakasyon at hindi puro cellphone ang inaatupag ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong coffee shop at tumama ang paningin ko sa isang lalaking nagbabasa ng libro. Nakabibighani ang kaniyang mga ngiti at ang kulay asul nitong mga mata na talagang nakabibighani. He's wearing a round specs which highlights his pointed nose.

"Right, Jormy?" Nabalik ako sa huwisyo nang tawagin ng manager ang aking pangalan.

"P-po?" wika ko na medyo napapahiya. Tumingin sa akin ang lalaki saka bahagyang natawa. "Pasensiya na," dagdag ko pa.

Hindi na nagsalita pa ang mga tauhan sa cafe na iyon pagkatapos dahil nagsimula na kami sa aming mga trabaho.

Mula noo'y araw-araw na sa cafe na iyon ang binatang nakita ko. Nakaupo, nagbabasa ng libro, o di kaya nama'y nakadukdok sa lamesa. Sa t'wing magtatama ang aming paningin ay parang may malakas na boltaheng gumagapang sa buong katawan ko dahilan para mapaiwas ako agad ng aking paningin.

"And on my eighteenth birthday, we got that same tattoo."

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang tattoo studio dahil nais kong magpalagay ng tattoo sa aking kamay. Ipalalagay ko ang pangalang "Fernando" sa pormang alibata dahil iyon ang pangalan niya. Aaminin ko, mukhang nahuhulog na ako sa kaniya. Magaan siyang kausap kaya hindi na kataka-taka kung mamalayan ko na lamang na may nararamdaman na pala ako.

"Oh, you're here? Happy 18th birthday by the way. Aren't you going to celebrate your birthday?" wika ni Fernando kaya nagulat ako. Hindi ko inaakalang narito siya at nagpapa-tattoo rin.

"Oo, magpapalagay ako sa kamay. And to answer your follow-up question, no, I won't celebrate it," sagot ko saka ibinaba ang paningin. Napansin ko ang tattoo sa braso niya kaya marahan kong hinawakan iyon saka sinuri. "Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot. Tinitigan ko pa iyon ngunit hindi ko mabasa dahil tila nakasulat ito sa pang-hapon na paraan.

Iniangat ko ang paningin ko at nakitang nakatitig na si Fernando sa akin dahilan para magsama-sama ang nararamdaman ko. Ilang at saya. Naiilang ako dahil sa ganda ng mga matang nakatitig sa akin. Asul na mata, makapal na kilay, perpektong hugis ng panga, matangos na ilong, at pulang labi, dagdagan pa ng maputing kutis at maayos na gupit ng buhok. Saya dahil nababasa ko sa mga mata niya ang paghanga sa akin. Hindi ako umaasa ngunit parang may iba sa tingin niya. May malalim na kahulugan. May pagmamahal.

"Pangalan iyan ng babaeng gusto kong pakasalan," sagot niya kaya naibaba ko agad ang paningin ko. Mukhang may sabit. May girlfriend na yata si Fernando.

"Jormy? Ikaw na," sabi ng assistant kaya pumasok na ako sa studio. Kabado ma'y pinagpatuloy ko ang aking nais.

Kinuha ng tattoo artist ang aking braso saka sinuri kung mabuto ba o hindi.

"Anong ipalalagay mo?" tanong niya sa akin.

"Fernando, pakisulat ho ang pangalang iyan sa pormang alibata," sagot ko kaya napangiti siya.

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiting iyon pero tila masaya ito. Parang may nangyaring maganda.

"Used to steal your parent's liquor and climb to the roof."

Nagulat ako dahil habang naglilinis ako ay dumating si Fernando at inagaw ang hawak kong basahan. Siya ang nagpupunas ng mga lamesa na dapat ay trabaho ko. Lagot ako sa manager kapag nalaman niyang ipinagagawa ko sa kostumer ang aking trabaho.

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon