Biggest Regret by Levi Monaghan

103 6 0
                                    

Mabilis ang naging pagtipa ko sa keyboard habang inaanalisa ang mga ideya sa aking isipan. Tumigil ako pansamantala at sumandal sa aking swivel chair. Aksidenteng napalingon ako sa maliit na salamin sa aking mesa dahilan upang matigilan ako. Dahan-dahang umangat ang aking isang kamay, hanggang sa nahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg. Napangiti ako, kasabay ng pagragasa ng mga ala-ala ng kahapon.

"Matthew... Aalis daw kayo?"

"Oo Erika. Kailangan ko kasing magpa-opera para makakita na ako. Para makita na kita."

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang? Wag ka na lang umalis, Matthew..."

"Sshhh. Wag ka nang umiyak Erika. Babalik din naman ako. At ikaw ang una kong babalikan. Tahan na. Eto, sayo na 'tong kwintas ko. Hintayin mo ako ha? Magpapakasal pa tayo."

"P-Promise?"

"Promise. Di pa kasi tayo pwedeng magpakasal ngayon kase eight ka palang at ten years old naman ako. Masyado pa tayong bata. Basta hintayin mo ako. Babalikan kita, promise iyan."

"Erika, pang ilang manliligaw mo na ba ang binasted mo! Girl baka naman tumanda kang dalaga diyan sa pagiging pihikan mo."

Napakurap ako at napabalik sa kasalukuyan nang biglang magsalita si Grace, kaibigan at katrabaho ko.

"Shut up Grace! May hinihintay pa ako. Nakatakda na akong ikasal sa kaniya." Nangingiti kong saad.

Hindi ko maiwasang kiligin sa tuwing naalala ko ang mukha niya. Ang mga mata niyang namumungay at kaysarap titigan, ang matangos niyang ilong, ang natural na mapupula niyang labi. Maging ang maliit na nunal na nasa gilid ng kanyang labi. Lahat iyon ay malinaw pa sa ala-ala ko.

"Oh right! Yung kababata mo? Eh fifteen years na ang lumipas Erika. Wake up! Baka kasal na iyon sa States."

Inis kong binato ng ballpen si Grace. Hindi ko maiwasan ang maapektuhan. Alam kong hindi imposible iyon. Pero nangako siya...

"H-Hindi naman siguro. Nangako siya..."

"Erika you're both too young back then. Years have passed. Madami nang nagbago."

Napabuntong-hininga ako. Nangako siya, at iyon ang panghahawakan ko.

Days passed by and I still haven't heard any news from him. Nakakapanlumo ngunit and pangako niya ang pinanghahawakan ko.

"Erika, my son is finally here. Matthew is back!"

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Tito George. He's back? For real?

"T-Talaga po Tito? Nasaan po siya?" Taranta kong tanong dahilan para humalakhak si Tito.

Nahihiya kong kinagat ang aking ibabang labi. Gosh, Erika! Hindi halatang masyado kang sabik!

"Nasa bahay siya hija. You can visit him. I'm sure he'll get surprised."

Mabilis akong tumango at di na napigilan pa ang malawak na pagngiti.

"Opo Tito! Sige, pupuntahan ko na po siya."

Patakbo kong tinungo ang parking lot ng aming kompanya at mabilis na pumasok sa aking sasakyan. I sighed heavily as I drive. Nanginginig ang aking kalamnan. I missed him so much and I'm hoping na gano'n rin siya sa akin.

"Erika, compose yourself!" I whispered to myself.

Bumuga ako ng malalim na hininga nang marating ang bahay nila. Napapikit ako at nakangiting nagmulat nang rumagasa na naman ang mga ala-ala. Marahan akong naglakad papasok. Sinalubong ako ng isang katulong na matipid ko lamang na tinanguan.

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon