Love Bus Story written by: Micah Ursua

87 6 0
                                    

Sabi nila 'Life is full of unexpected surprises'. There are many opportunities when one can secretly wish for something exciting to happen – something out of the ordinary. Hindi mo inaasahan na bigla siyang darating at magpapabago sa buhay mo.

Gaya na lamang noong una natin pagkikita. Hindi natin pareho inasahan na sa Bus ang simula ng love story natin dalawa, sino nga ba ang mag-aakala na sa pang publikong lugar pa kita unang makikita at maki-kilala

Sino nga rin ba mag a- akala na 'yong taong papawi pala ng kalungkutan at mag bu-buo ng pag katao ko ay maki-kita ko lang pala sa hindi inaasahang Lugar, Oras at pangyayari

Natatandaan mo pa ba 'yong araw na una nating pagkikita. Hindi tayo pareho nakasakay sa iisang Bus pero akalain mo binigyan pa din tayo ng pag kakataon na magkita at makilala ang isa't isa.
Malungkot ako noong panahong iyon, nasa tabi ako ng bintana ng bus habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin. Huminto ang Bus, nag ka tapat ang Bus na sinasakyan natin dalawa. Noong  una hindi pa kita napansin dahil na din siguro sa lalim ng iniisip ko. HanggangHanggang sa mapatingin ako sa gawi mo, ngumiti ka sa akin na para bang matagal na tayong mag kakilala.
Nagulat pa ako sa huli mong ginawa,
Kaway ka lang ng kaway na parang tanga kaya medyo na wirduhan ako sa'yo noon.

Kahit paano ay na pa ngiti mo ako sa ginawa mong iyon.
You made my day happy
At kahit paano ay naibsan ang kalungkutan ko noong araw na iyon
Hanggang sa umandar na ulit 'yong bus na kung saan naka sakay ka, hindi ko alam pero may bahagi ng isip ko na panghihinayang .Hindi ko man lang natanong ang pangalan mo.After few minutes huminto ulit ang bus ( Red Light ) nagulat ako ng makita kitang muli. hindihindi ko alam pero natuwa ako ng makita kita ulit. PeroPero sa oras na iyon malapit na malapit na tayo sa isat isa.   May inabot ka na Papel sa'kin bago umalis ang Bus na sinasakyan  mo
"The truth is we don't know what is going to happen tomorrow, Life is like a crazy ride.
Kailangan mo lang kumapit ng mahigpit at ituloy ang daloy ng buhay, pero bago 'yan ngumiti ka na para bang wala kang problema "
--- Lance G.

Napa-isip ako bigla pag-katapos kong mabasa 'yong sinulat mo sa papel, kahit paano binigyan mo ako ng motivation kahit hindi tayo magkakilala, sayang nga lang kasi Hindi mo kinompleto 'yong pangalan na isinulat mo sa papel.  Paano kita makikita ulit?  Mag-kikita pa nga ba tayo ulit?

Simula noong araw na iyon hindi na kita nakalimutan, sinubukan ko na  i search ka sa social media.

Baka sakaling makita kita doon, lahat na yata ng apilyedong nag uumpisa sa G ay ginamit ko na bilang apilyedo mo. Pero nabigo akong makita ka, halos mawalan na nga ako ng pag-asa noon Buwan na ang lumipas pero hindi na kita nakita pa. HindiHindi ako palatandain sa hitsura ng ibang nakaka salamuha ko pero ewan ko nga ba at nanatiling malinaw sa utak ko ang itsura mo, parati kong dala ang papel na ibinigay mo sa'kin hindi ko na rin alam kung ilang beses ko na nga bang nabasa 'yon, ginagawa kong motivation yung sinabi mo sa tuwing down ako. HanggangHanggang dumating 'yong araw na pinagtagpo tayo muli.
Galing ako noon sa Ospital, pauwi na ako at punuan ang Bus, ilang minuto akong nakatayo bago ako naka-hanap na mauupuan, ganoon na lang ang kaba at gulat ko ng makita kita, Tibok ng puso ko ang tanging naririnig ko sa mga oras na iyon habang papalapit sa kina-uupuan mo. NakaNaka headset ka at nakapikit, hindi ko lang alam kung gising ka nga ba o naka pikit lang. Hanggang sa maka-upo na ako sa tabi mo, para ngang hindi mo naramdaman na may umupo sa tabi mo.

Ang lapit lapit na natin sa isa't isa, kumbaga sa kanta ni Yeng Constantino pwede ko din ba kantahin sa oras na iyon ang Linyang." Manong driver, huwag mo ng ibalik ang sukli ko, drive lang po ng drive huwag mong hihinto kahit s'an mapadpad kahit lumipad pa tayo, minsan lang madama ang ganito"

Ilang minuto na akong naka-upo at katabi ka pero hindi pa din mawala wala ang bilis ng tibok ng puso ko, halos hindi ako maka-hinga ng maayos dahil sa saya at kaba na dinudulot nito Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pakiramdam na naramdaman ko noon pero ang tanging alam ko lang ay masaya ako ng makita kita ulit. Malapit na 'yong bahay namin pero hindi pa din ako pinag bibigyan ng pagkakataong maka-usap ka.Gusto ko tanungin sa iyo kung naaalala mo pa nga ba ako pero hindi ko magawa, dahil ayokong istorbuhin ka Baka nga kasi natutulog ka talaga,muli akong nakaramdam ng lungkot at pang hihinayang tulad sa una nating pagkikita. DahilDahil sayang na naman ang pagkakataon na makilala kita,tumayo na ako at pumunta sa harap

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon