CHAPTER 13: RYN'S PLAN

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makarating ako sa bahay agad na sumalubong sa akin Yung mayordoma naming sumbongera. Naglagot sign pa muna sya sa akin bago ako hinila papasok sa bahay

"Madam nandito na Po Yung pasaway nyong anak" Kung Hindi lang magagalit si mommy matagal ko ng pinatulan tong matandang toh eh. Nanakabwisit sya!!!

"Oh! Bakit ka pa umuwi? Umalis ka kanina diba?"

"Sabihin nyo lang Kung ayaw nyo ko dito at aalis talaga ako" nakairap kong saad. Tingin ko Wala ng Pag asa makakausap ko ba sila ng masinsinan Kung ganyan sya?

"At talagang sumasagot ka pa huh?! Ganyan ba ang natututunan mo sa mga walang kwentang mga kaibigan mo ha? Maging bastos? Matigas ang ulo at basag ulo??"

"Mom Tama na!!!" Sigaw ko

"Ayan. Tapos sinisigawan mo pa ko. Iyang kaibigan mo Hell ba yun? Oo ayun. Ganyan ba ang tinuturo n--"

"Tama na. Tama na. Tama na!!!" Sigaw ko at galit na tumingin Kay mom na gulat na nakatingin sa akin

"Wag mong babastusin ang mga kaibigan ko sa harapan ko mom! Dahil Hindi nila deserve yang pinagsasabi nyo sa kanila! At lalong Lalo ng wag mong pagsasabihan ng masama si Hell"

"Pipiliin mo pa talaga yang mga kaibigan mo kaysa ako na pamilya mo?!"

"Oo mom. Oo na mas pipiliin ko pa sila kaysa sa iyo. At bakit nagtataka ka pa mom? Hindi bat dapat Alam mo na ang sagot nun? Mas pipiliin ko sila dahil sila ang laging nandyan para sa akin. Si Hell? Yung kaibigan Kong sinasabihan mo ng Kung ano-ano? Mas maituturing ko pa syang pamilya kaysa sa iyo!" Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa Mata ko

"Dahil sya ang naging pamilya ko. Simula ng magkakilala kami sya ang gumawa at nagparamdam sa akin ng mga gawain na dapat ay ikaw ang gumagawa at ikaw dapat and nagpaparamdam sa akin! Ang Pag aalaga at pagmamahal ng isang ina na matagal ko ng hinahanap ay sa kanya ko naranasan mom! Sa kanya at Hindi sayo! Mas naging ina pa si Hell para sa akin kaysa sa iyo! Si Hell pamilya ang Turing nya sa akin! Ramdam ko Yun pero sayo? Ikaw na tunay Kong pamilya? Kahit kailan Hindi ko naramdaman na tinuring mo Kong anak! Kahit kailan Hindi ko naramdaman na Mahal mo ko!" Tuluyan ng bumaksak ang mga luha ko. Marahas ko itong pinupunasan pero para itong gripo na Hindi matigil sa pagpatak ng luha galing sa mga Mata ko

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon