19

618 18 3
                                    

NAKAPANGALUMBABA si MK habang nakatingin sa entrance ng Manila City Hall. Thirty minutes nalang at mag-a-alas tres na ngunit hindi pa niya nakikita kahit na anino man lang ni Haru. Ayaw niyang isipin na hindi ito darating ngunit hindi niya iyon mapigilang pumasok sa utak niya. Namamawis na ang kamay niya dahil sa nerbiyos ngunit wala siyang magawa ng mga oras na iyon kundi ang tahimik lang na maghintay.

Sinulyapan niya si Wind na tahimik lang na nakaupo sa pwesto nito. Kanina pa ito abala sa pakikipag-text sa kung sino at minsan ay pangiti-ngiti pa ito na parang timang. Nang maramdaman marahil nito na nakatingin siya dito ay nag-angat ito ng tingin at nginitian siya.

"Nervous?"

"Eh... medyo," alanganin ang ngiting sagot niya. "You think darating siya?"

She saw mischief glint Wind's eyes. "Why? Wala kang tiwala sa kanya?"

"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang..."

"Kaya lang, may agam-agam ka pa rin sa puso mo," tuluyan na nitong ibinaba ang pinagkakaabalahan nitong cellphone sa mesa at hinarap siya. "You're not sure if he still loves you. Iyon ba ang kinakatakot mo?"

Tumango siya. "I mean, let's face it. Two years kaming hindi nagkita. Tapos ito ang isasalubong natin sa kanya. Paano kung si Yasmin na ang mahal niya at wala na siyang pakialam sa 'kin? Paano kung wala siyang balak na puntahan ako dito?"

"Well, worst case scenario is you'll be married to me," Wind chuckled. Paano pa ito nakakatawa sa sitwasyong iyon? "Come on, it's not that bad to be my wife. Kayang-kaya kitang buhayin. As for your love, madali lang iyon. You liked me before, right? Pwede ng starting point 'yan. I'm sure it will work out somehow."

Napabuntong-hininga siya at muling ibinaling ang tingin sa labas entrance ng City Hall. Msuyong pinisil ni Wind ang ilong niya. "Don't worry. He'll definitely come."

Napatayo siya sa upuan nang makita niyang umibis sa itim na kotse si Haru. Medyo malayo ang kinaroroonan nila sa City Hall ngunit kahit sa ganoong distansya, halata pa rin ang kagwapuhan ng binata. Naka-walking shorts lang ito at simpleng gray shirt ngunit stand out pa rin ang kagwapuhan nito sa mga ordinaryong nilalang na nakapalibot dito. His impeccable good looks were beyond comparison. Her longing for him welled up when she finally saw his face in personal after two years. She couldn't wait to hug him again, to tell him how her day had been, to make him comfort her, and... to tell him how much she loved him.

Tatakbo na sana siya papunta sa City Hall nang pigilan siya ni Wind. Sinenyasan siya nitong umupo saka nito muling dinampot ang cellphone at nagpipindot. Muli niyang nilingon si Haru at nakita niyang kinuha nito ang cellphone nito dahil mukhang may tumatawag dito. Nang magsalita si Wind ay saka niya lang na-realize na ito ang tumawag kay Haru.

"Yo!" bati ni Wind sa lalaki. "Yes, you got the right place. Pero mahahanap mo ba kung nasaan kami? Hmm, I think you still have five minutes left and then game over. I'll be the one marrying MK. I'm so great talaga."

Wind turned on the loud speaker that was why she heard Haru cursed on the other line. Tatawa-tawa lang si Wind habang siya naman ay hindi na alam kung paano niya pipigilan ang sarili niyang umiyak nang marinig niya uli ang boses ng lalaki. Damn! She missed him so much! Tinitigan niya ang cell phone na inilapag ni Wind sa table nila.

"Damn you, Wind! You can't marry MK because she's supposed to marry me! At hindi ako papayag na maagaw mo siya sa 'kin! I'm not the same coward Haru who'll run away just because I couldn't stand being just her friend. Wala akong pakialam kung maghintay ako ng isa pang dekada para sa kanya. All I want now is to see her and hold her in my arms once again. I love her! So stop meddling with us."

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora