10

339 12 0
                                    

MK felt a warm feeling succumb her whole being the moment Haru enveloped her in his arms. Hindi alam ni Moira kung gaano na sila katagal nagyayakapan ni Haru ngunit wala pa rin siyang balak na unang bumitaw. She felt safe in his arms. Unti-unti na ring humuhupa ang takot niya sa mga nangyari kanina. Mabuti nalang at dumating agad si Haru, kung hindi ay baka may masama na talagang nangyari sa kanya. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap dito ngunit agad niya rin itong pinakawalan nang marinig niya ang pagsinghap nito. Nagulat pa siya nang pag-angat niya ng tingin ay napansin niya ang bahid ng dugo mula sa ulo papunta sa pisngi nito.

"Ruel! What happened to you? Dumudugo ang ulo mo!" sa sobrang taranta ni MK ay hindi niya na alam kung paano niya hahawakan ang mukha ni Haru. Hinanap niya ang panyo niya sa bulsa para punasan ang dugo sa mukha ni Haru.

Iniiwas ni Haru ang mukha nito sa kanya. "I'm fine. Nahulog lang ako sa hagdan kanina habang papunta ako dito. Don't mind it. Malayo sa bituka 'yan."

"Oo, malayo nga sa bituka. Pero malapit 'yan sa utak at baka maging dahilan iyan ng komplikasyon," naramdaman niya nanaman ang pag-iinit ng mga mata niya habang pinupunasan niya ang noo nito. "I'm sorry. Kung hindi dahil sa 'kin, hindi ka sana masusugatan."

"It's not your fault," once again, Haru brushed off the tears in her cheeks. "Kasalanan ko dahil hindi ako tumitingin sa nilalakaran ko."

Natigil lang ang drama nilang dalawa ni Haru nang halos magkasabay na dumating sina Chihaya at ang mga security personnel ng hotel. Agad silang dinaluhan ng mga ito.

"Oh, my God, best friend! What happened to you?" natatarantang tanong ni Chihaya. "And who's this mama?"

"I don't know," kunot ang noong binalingan ni MK ang babae. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Tinawagan kita kanina nung hinahabol ako ng lalaking 'yan pero hindi mo ako sinasagot."

Nakita niya ang pagrehistro ng guilt sa mukha nito. "Sorry, best friend. Medyo lasing na kasi ako kaya hindi ko namalayang tumatawag ka pa. But at least, nailigtas ka ni Haru. Kaya magpasalamat nalang tayo."

"Oo nga," sinulyapan niya si Haru na abala sa pagbibigay ng instructions sa mga guards kung ano ang gagawin sa lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya. "Buti nalang dumating siya."

Nang muli siyang balingan ng lalaki at magtama ang mga mata nila ay napansin niya nanaman ang kakaibang tibok ng puso niya. Well, it was not as weird as the last time she felt it. Ngayon kasi ay tila normal nalang para sa kanya ang tibok ng puso niyang iyon sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ni Haru. Nevertheless, she was fine about it. She liked that certain feeling.

"Ruel," untag niya rito. "Thank you for saving me."

"You're welcome."

Nginitian niya ito saka siya tumawag ng ambulansya at ilang sandali pa ay lulan na sila niyon ni Haru. Nag-aalala kasi siya sa pinsalang natamo nito.

"WILL he be okay?" tanong ni MK kay Wind matapos nitong ma-eksamin si Haru.

Si MK nalang ang naiwan doon dahil pinauwi niya na si Chihaya. Alam niyang pagod na rin ang kaibigan niya at hindi kaya ng konsensya ni MK na abalahin ito. Si Haru naman ay tulog pa rin. Ilang minuto na ang nakakalipas matapos tahiin ang sugat nito sa ulo. Nang makarating siya sa ospital at nakita niya doon si Wind ay saka niya lang nalaman na doon pala sa ospital na iyon nagtatrabaho ang lalaki. Ito ang nag-asikaso sa kanila mula nang dumating sila doon at hanggang ngayong nailagay na sa kwarto si Haru. Kinailangan kasing tahiin ang pinsala nito sa ulo kaya lubos pa rin ang pag-aalala niya hanggang ngayon kahit na nakikita niyang payapang natutulog si Haru.

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now