1

651 13 2
                                    

"SURPRISE!" malakas na sigaw ni Moira Kassandra o MK for short nang buksan ni Haru ang pinto ng bahay ng binata at iniabot dito ang bitbit niyang box ng J. Co. "I'm back!"

"MK," walang ganang bati ng lalaki sa kanya. "What are you doing here?"

"Grabe, best friend ba talaga kita?" naiiling na sambit ni MK. "Kung magsalita ka, parang hindi mo man lang ako na-miss, ah! Isang taon din kaya tayong hindi nagkita."

Siniko niya ang lalaki at dumiretso si MK sa loob ng bahay. Umupo siya sa sofa nito at ipinatong ang paa sa center table sa sala nito. "Wala pa ring nagbabago sa bahay mo, ah? It's still plain and boring."

"Tantanan mo ang bahay ko," sinara ni Haru ang pinto at humihikab na tumabi ito sa kanya pagkatapos ilagay ang kahon ng donuts sa center table. "Kailan ka pa pala dumating?"

"Noong isang araw lang. Hindi lang ako nakapunta agad dito kasi ayaw pa akong pagalain nila Mama. Na-miss daw kasi nila ako," natawa siya. She worked as a runway model in Paris. Halos limang taon rin siyang nanatili doon. "Kumusta? Hindi ka sumasagot sa mga emails na pinapadala ko sa 'yo, ah."

"It's not worth answering, anyway," his lazy, sleepy eyes focused on her. "So? Gaano ka naman katagal na mag-ii-stay dito sa Pilipinas? Kailan ka babalik sa Paris?"

Asar na tinitigan niya ito. "Kararating ko lang, mukhang atat na atat ka nang paalisin ako agad."

"Nagtatanong lang ako," depensa ng binata.

"Whatever," inirapan niya si Haru. "I'm staying for good."

Nakataas ang kilay na binalingan siya nito. Now she got his attention. "Why?"

"Wala, eh. Nagsasawa na ako. I'm tired of living in a world where I need to be perfect all of time because everyone is watching me, waiting for me to commit a mistake. I also want to have a normal life. 'Yung walang kokondena sa 'kin kung hindi man ako mag-ayos kapag lumalabas ng bahay o kung may tinga ako sa ngipin," MK shrugged. "Magtatayo nalang ako ng sarili kong business since marami na rin naman akong ipon."

"That's it?"

"Pretty much."

"You can't fool me," mahinang pinitik nito ang ilong niya. "May iba ka pang dahilan kaya bigla-bigla ka nalang umuwi dito."

Natahimik si MK. Maya-maya ay napabuntong-hininga siya at iniwas ang tingin sa lalaki. "I met a guy in Paris. I thought he was the one for me but I was wrong. Ang walang hiyang 'yon! May pamilya na pala siya, ang lakas ng loob niyang ligawan ako!"

"At sinagot mo naman?"

"What? He told me I'm beautiful. Hindi ako bato para hindi makabog sa papuri niya," depensa ni Moira.

"I didn't know you were that deprived when it comes to praises," sarkastikong komento ni Haru. Hindi niya tuloy mapigilang maasar sa tono ng boses nito. "Wala bang ibang nagsasabi sa 'yo na maganda ka? Dapat sinabi mo nalang sa 'kin. I can tell you you're beautiful every second just to satisfy your ego."

Hindi niya napigilan ang sarili niya. Umangkas ang kamay niya at binatukan niya ang lalaki. "Best friend ba talaga kita, ha? Kino-comfort mo dapat ako! Pero anong ginagawa mo? You're making me feel worse!"

"Oh, bakit ako ang pinagbubutunan mo? Hindi ako 'yung lalaking nanloko sa 'yo."

"Heh! Nakakainis ka na talaga!" hinampas uli ni MK si Haru sa balikat. "Bakit ang sama na ng ugali mo?! Oo nga pala, totoo bang dine-date mo ang isa sa mga kasamahan kong model na si Yasmin?"

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now