11

334 7 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Haru nang maramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa mga kamay niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at agad iyong natutok sa bagay na nagpapangalay ng braso niya. Nalito pa si Haru nang makita niya si MK na natutulog sa gilid ng kamang kinahihigaan niya. Bakit sa stool natutulog ang babae gayong may sofa naman doon? Nang inilibot ni Haru ang tingin sa paligid ay saka niya lang napagtantong nasa ospital pala siya.

Napakapit si Haru sa ulo niya nang maradmaman niya ang pagkirot. Oo nga pala. Tinahi ang mga pinsala niya kanina at nakatulog siya dahil sa epekto ng anesthesia. Napatingin siya kay MK. Mabuti nalang talaga at natagpuan niya ito agad. Sa loob ng tatlumpong taong pamamalagi ni Haru sa mundo ay noong mga oras na iyon lang siya natakot ng ganoon katindi. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung sakaling may nangyaring masama kay MK.

Haru turned to MK and silently studied her face---from her thick and long eyelashes, cute pointed nose, naturally pinkish pouty lips and angel-like face. Gulo-gulo na ang buhok nito dala marahil ng pagtulog. Nakangiting pinalis ni Haru ang buhok nitong nakatabon sa mukha nito at matamang pinagmasdan ang dalaga. He couldn't help but think that she was the prettiest woman in the world despite her klutzness.

He had been with her ever since they were toddlers. Sa murang edad ay natatak na sa kanya na dapat niyang protektahan si MK. Noong pitong taong gulang kasi ang babae at siya naman ay walong taon, nalaglag si MK sa puno dahil sa pagliligtas sa isang kuting na hindi makababa. Siya dapat ang aakyat, ang kaso ay may phobia siya sa matataas na lugar noon. His heart almost stopped beating the moment MK's body crashed on the ground. Kaya nang makaligtas si MK ay ipinangako niya na sa sarili niyang wala ng kahit ano at kahit sinong makakapanakit dito.

He stayed by her side ever single moment. Ang kaso, nang tumungtong sila ng high school ay nagsimula siyang magkaroon ng damdamin para kay MK. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. For the first time in his life, Haru saw MK as woman and not just a little girl that he needed to protect...

PINIPIGILAN ni Haru ang mapapikit habang hinihintay si MK na bumaba mula sa silid nito. Inaantok na siya dahil halos tatlumpung minuto na siyang nakaupo roon ngunit hindi pa rin bumababa ang babae hanggang ngayon. Unang araw iyon ng pasukan nila. From now on, high school students na sila. At ayaw niyang mahuli sa unang araw ng klase nila kaya inagahan niya ang pagpunta kila MK. Alam niya kasing makupad talaga itong kumilos.

Makakatulog na sana si Haru ng tuluyan kung hindi lang niya narinig ang matinis na boses ni MK. Awtomatikong nagmulat siya ng mata at natigilan siya nang matitigan niya ng husto ang mukha nito. She wasn't wearing her eye glasses. Nakalugay ang tuwid at itim na itim nitong buhok at natatabunan ng full bangs ang may kalaparang noo nito. She was smiling amiably at him. She was so beautiful that he thought his heart would stop beating. Mukhang proud na proud ito sa ayos nito ngayon at excited itong ipagmalaki iyon sa kanya.

"Anong nangyari sa salamin mo?" iyon lang ang tanging na-produce ng utak niya. "May nakikita ka pa ba?"Malabo kasi ang mata nito simula pagkabata kaya lagi itong may suot na salamin.

"Naka-contacts na ako! We're high school students na so I need to change my style. So? How do I look?" abot-tenga ang ngiti ni MK habang umiikot-ikot ito sa harap niya na tila model. "Bagay sa 'kin, diba? Hindi mo na ako malalait ngayon ng basta-basta dahil maganda na ako."

"Natakpan lang 'yung noo mo, naging mayabang ka na," naiiling na sambit ni Haru saka pasimpleng nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung nahalata ba ni MK ang naging reaksyon niya. Gayunpaman, hindi niya rin maiwasang mapatingin uli sa babae. She was pouting and he thought that she was really cute. "'Wag ka ngang mag-tantrums diyan. Tara na, baka ma-late pa tayo."

Tinalikuran niya na ito. Nagulat pa siya nang bigla nalang itong umabrisiyete sa kanya. Wala sa loob na napalingon siya rito. Saktong nagtaas ito ng tingin kaya nagtama ang mga mata nila. His heart started beating abnormally. Kinakapos na rin siya ng hininga at pakiramdam niya ay nag-iinit ang mga pisngi niya.

"O, bakit? Bigla ka nalang diyan nagkulay violet?" natatakang tanong nito. Iyon ang pang-asar nito sa kanya. Moreno kasi ang balat niya na namana niya sa Papa niya. Tuwing namumula siya, ang tingin ng babae roon ay nagkukulay violet siya. "May problema ba?"

"Wala."

"Nagagandahan ka sa 'kin, no?" nakangising tanong ni MK. Humagikhik ito. "Uy! Aminin."

"Whatever, MK."

Haru gently touched MK's face. Isang taon niya rin itong nakita dahil masyado itong naging abala sa career nito, siya naman ay abala rin sa pagba-basketball. Ngayon niya lang na-realize na na-miss niya pala ang babae kahit na puro sakit ng ulo lang naman ang ibinibigay nito sa kanya. His feelings for her were still lingering in his heart. Nasanay nalang siya sa nararamdaman niya tuwing malapit lang ito kaya hindi niya na iyon masyadong iniinda. Hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon noon dahil hindi niya kayang kontrolin. Nevertheless, he started liking those feelings a long time ago.

Naramdaman ni Haru ang paggalaw ni MK kaya awtomatiko niyang binitiwan ang pisngi nito. She stirred to life and her eyes automatically focused on him. Nabibiglang bumangon ito at kitang-kita niya ang pag-ngiwi nito.

"Aray..." sambit ni MK habang inaabot ang paa nito. Marahil ay nagkaroon iyon ng pinsala. Pagkatapos nitong inspeksyunin ang paa nito ay bumaling ito sa kanya at agad siyang nginitian. "You're awake. Kumusta na ang pakiramdam mo? Wait, tatawagin ko 'yung nurse."

Hinawakan niya ang braso nito para pigilan ito sa pag-alis. "Forget it. May pinsala ang paa mo. Hindi ka dapat gumagala."

"Okay lang ako," pinalis ni MK ang kamay niya at kinuha nito ang saklay sa gilid na noon niya lang napansin. "Ako pa! Kaya kalma ka lang diyan. Hmm?"

Hindi pa nakakalabas si MK ng pinto nang bigla iyong bumukas kaya natamaan ang babae at napaupo ito sa semento.

"Aray! Naman!"

"Oops, sorry, little sis," hinging paumanhin ng kapatid ni MK na si Jistef saka nito tinulungan ang babae na makatayo. "Buhay ka pa ba?"

"Kuya naman, eh! Bakit kasi bigla-bigla ka nalang nagbubukas ng pinto?" reklamo ni MK habang inilalagak ito ng kapatid nito sa sofa na nandoon. "Asar!"

"Malay ko bang nasa likod ka pala ng pinto," binalingan siya nito. "Yo, Haru! Buti naman gising ka na. Salamat nga pala sa pagliligtas kay MK, ha? I owe you."

"Kakagising ko lang. No problem," pag-aasure rito ni Haru. Magkasing edad lang sila ni Jistef at masasabi niyang ito talaga ang original niyang kaibigan. Pero dahil lagi nitong kabuntot si MK noong mga bata pa sila ay naging mas malapit sila ng babae.

"Ah. Kasama ko nga pala ang parents mo pero hinanap muna nila 'yung doktor na tumitingin sa 'yo para itanong ang kalagayan mo." Inilapag nito ang ilang paper bags sa maliit na mesa. "Gutom ka na ba? Kumain ka muna. Darating din mamaya sina Mama at Papa kaya asahan mo ng iingay ang kwarto mo."

"Mamaya na ako kakain," binalingan niya si MK. "Okay ka lang?"

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon