5

338 14 1
                                    

NAPANGITI si MK nang maamoy niya ang mabangong aroma ng kapeng in-order niya. Kasalukuyan siyang nasa Coffee Corner, ang isa sa mga establishment na pagmamay-ari ng mga residente doon. Balak niya ring magtayo ng sarili niyang negosyo. Dapat may kinalaman sa kursong tinapos niya ang business na papasukin niya ngunit nitong mga nakaraang buwan ay nagkaroon siya ng interes sa photography kaya related doon ang gusto niyang negosyong i-venture. Kaya studio-type photo printing shop nalang ang gusto niya. She had always been fascinated with pictures at inaral niya ang lahat ng tungkol doon dati. Nagsabi na rin siya sa may-ari ng subdivision na si Blizzard at na-aprubahan na nito ang proposal niya. Two weeks had passed since she moved there.

"Hi," bati ni Wind at nakiupo ito sa table niya.

Awtomatiko siyang napangiti nang magtama ang mga mata nila. Ang weird. Bakit kapag si Wind ang kaharap niya ay masyadong kalmado ang puso niya? Taliwas sa nararamdaman niya sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ni Haru. Weird talaga.

Tinigilan niya na rin ang pagpapa-cute kay Wind. Sinunod niya ang pinayo sa kanya ni Haru.

"Hi din."

"Mukhang good mood ka ngayon, ah," komento nito. "Did something good happen?"

"Wala naman," humigop si MK sa kape niya bago muling magsalita. "Their coffee is great."

"I agree. Kahit kasi loka-loka 'yang si Ree, magaling 'yan gumawa ng kape."

"Hmm."

"Oo nga pala," untag nito sa kanya maya-maya. "Ngayon diba ang laban nina Haru? Manunuod ka ba?"

"Of course," she smiled. "Matagal-tagal ko na ring hindi napapanuod maglaro si Haru. I want to know if his skills had been tainted."

"He's still good."

"He's always good."

"Mukhang proud na proud ka sa kanya, ah," Wind leaned on the chair as he stare at her intently.

"Naman! Ako kaya ang number one fan niya!" she started attacking the cake in front of her.

"'Want to watch the game with me?" maang na napaangat siya ng tingin. "Well...?"

"Sure," pagpayag ni MK. Eeee! Ito na mismo ang nangyaya sa kanya ngayon at wala siyang ibang ginawa para akitin ito. Mukhang effective talaga ang sinabi ni Haru na maghintay lang siya at kusang darating ang grasya. Hihi!

"Susunduin nalang kita mamaya."

"Okay."

"HARU! Haru!" tili ni MK. Iniistorbo niya nanaman ang lalaki at nasa bahay nanaman siya ni Haru. Ito lang naman kasi talaga ang takbuhan niya at ito lang rin ang pinagsasabihan niya ng lahat-lahat. Naabutan niya itong nakadapa sa sofa.

"O, bakit? May sunog ba?" patamad na sagot nito.

"Niyaya ako ni Wind mag-date! Magkasama kaming manunuod mamaya ng game mo!"

"'Ah."

"Iyon lang ang kaya mong sabihin?" napailing nalang siya. "Oh, wells, asa pa ba ako? Eh, alam ko namang wala akong mahihita sa 'yo. Bakit nga pala nandito ka pa? Diba dapat kasama mo na ngayon ang team mo?"

"I still have one hour to spare."

"Gusto mong kumain muna? Ipagluluto kita ng stamina meal."

"Hindi. 'Wag na 'wag mong gagalawin ang kahit anong bagay sa kusina ko," bumangon ito. "If you want to eat, I'll be the one who will do the cooking."

Napasimangot siya. Alam niya na kasi ang nasa isip nito. Sa tuwing nag-a-attempt kasi siyang magpaka-cooking master ay disaster ang kinahihinatnan ng lahat ng lutuin niya. Kaya nga wala siyang mga gamit sa kusina dahil lagi siyang sa labas kumakain. Sumunod nalang siya dito nang pumasok ito sa kusina at padabog siyang umupo sa isa sa mga bangkong nandoon. Nilingon siya nito at nang makita nitong nagsisintir siya ay bumuntong-hininga ito at iniabot sa kanya ang chopping board, sibuyas at kutsilyong plastic na hindi ganoon katalim.

"Siguro naman, marunong kang maghiwa ng sibuyas diba? Hiwain mo 'yan."

"Yes, bossing!" nakangiting sagot niya at sinimulan niya na ang pakikipagkomperensya niya sa sibuyas. Ilang sandali pa lang ang nakakalipas ay naramdaman niya na ang paghapdi ng mga mata niya at ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. "Ayoko na! Ang sakit na ng mata ko."

Haru turned to her; amusement was visible in his eyes. "Ah, perfect! Namamaga ang mga mata mo. Tama 'yan para walang magkagusto sa 'yo mamaya sa game. Imposible na ring magkagusto sa 'yo si Windrod," nakakaloko ang ngisi nito.

Noon niya lang na-realize, plinano nito ang lahat!

"You jerk! I'm gonna kill you!"

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now