12

310 11 3
                                    

"SO far, okay naman na po si Mister Jimenez. Kailangan nalang po sigurong hintayin na maghilom ang tahi sa ulo niya. Pagkatapos po, titingnan ko rin po kung magkakaroon ba ng after effects. I suggest na huwag po muna siyang sumali sa basketball practices at manatili muna siya dito sa ospital ng mga ilang araw pa. Nagsagawa rin po kami ng ibang test sa kanya at kapag okay po ang results, saka po siya pwedeng lumabas," paliwanag ni Wind sa mga magulang ni Haru nang pumunta ito sa silid ng binata at inspeksyunin kung kumusta na ang lagay nito.

Nakaupo lang si MK sa isang tabi habang pinapakinggan ang sinasabi ni Wind dahil medyo nananakit pa rin ang noo niyang tinamaan ng pinto. Binigyan na siya ni Wind ng cold compress kaya ngayon ay prente lang siyang nakasandal sa sofa habang hinihintay na mabawasan ang pagmamaga ng noo niya. Paniguradong magkakabukol iyon.

"Thank you, Doc San Diego," kinamayan ni Tito Rommel si Wind. "And thank you for taking care of our son."

"Wala pong problema. Kaibigan ko rin naman po at kapitbahay si Haru," siya naman ang binalingan ni Wind nang matapos itong makipag-usap sa mga magulang ni Haru. "At ikaw, mag-ingat ka na sa susunod, hmm? Umiwas ka rin paminsan-minsan sa disgrasya. Maawa ka sa sarili mo. Masakit pa ba ang bukol mo?"

"It isn't my fault," reklamo niya. "Si Kuya ang may kasalanan kasi bigla-bigla nalang siyang nagbubukas ng pinto."

"Mas okay siguro kung umuwi ka rin muna sa inyo para mas makapagpahinga ka ng maayos at mabantayan ka ng mas maayos. Wala na rin namang problema sa 'yo. Kailangan nalang pagalingin ang mga minor injuries mo. Kaya 'wag ka ng makulit. Okay?"

"Opo," nakangiting sagot niya.

Hindi mapalis ang ngiti ni MK kahit nang makaalis na si Wind. Ang sarap sa pakiramdam na ang crush mo ang nag-aalaga sayo. Bukod kasi mas bumibilis ang paggaling niya ay may libreng kilig feels pa siya. She could stay on that hospital forever if Wind will be her forever doctor.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" narinig ni MK na tanong ni Haru. "Mukha ka nanamang nasasapian."

"Heh! 'Wag kang panira diyan," muling bumalik sa pagkakasandal si MK sa sofa. "'Wag mong sirain ang mood ko."

"You like that young doctor, hija?" singit ni Tita Heruby. "He's quite good looking. Bagay kayo."

"Talaga, Tita?" lalong lumawak ang ngiti niya. "Agree ako diyan!"

"'Ma, huwag mo ng gatungan ang kahibangan niyang si MK," singit ni Haru sa usapan nila ng ginang.

"MK, umuwi muna tayo. Hindi na raw makakapunta sila Mama dito kasi nagkaroon ng biglaang emergency sa ospital at kailangan sila doon. Sinabi ko na sa kanila na okay ka naman at iuuwi nalang kita sa bahay para hindi na sila mag-alala pa. Bumalik ka nalang uli kapag okay na ang paa mo." Tinulungan ni Jistef na makatayo si MK at inalalayan nito ang babae palabas sa kwarto. "Sige, pare. Balik nalang kami next time."

"Bye, Ruel! Get well soon! Dadalhan kita ng pasalubong pagbalik ko. Mwah!" nag-flying kiss pa si MK kay Haru bago sila umalis.

Ano kaya ang magandang ipasalubong kay Haru pagbalik ko?

"YAY! Tapos na!" nakangiting sambit ni MK habang pinagmamasdan ang ginawa niyang thank you gift para kay Haru. Ilang araw na rin siyang nag-iisip ng pwedeng ibigay rito habang nagpapagaling siya ng paa niya. Tatlong araw na ang nakakaraan magmula nang huli niyang makita si Haru at maayos na ang lagay ng paa niya kaya balak niyang puntahan uli ito mamaya.

Personalized coupon ang naisipan niyang gawin. Dahil kasi sa sobrang pagkabagot niya ay nanood nalang siya ng anime na Kimi ni Todoke at nakuha niya ang ideyang iyon sa karakter na si Chizu. Mga massage coupons kasi ang lagi nitong nire-regalo sa kaibigan nitong si Ryu tuwing kaarawan ng huli. Gumawa siya ng sarili niyang version ng coupons at ibibigay niya iyon kay Haru mamaya.

Nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang pagkatok ng kung sino sa kwarto niya. Sa bahay muna siya ng mga magulang niya namamalagi habang hindi pa maayos ang kalagayan niya. "Pasok! Bukas 'yan!"

Sumilip muna si Jistef sa pinto bago ito tuluyang pumasok sa kwarto niya. "Anong ginagawa mo? Hindi ka pupunta sa ospital?" umupo ito sa tabi niya.

"Pupunta. Tinapos ko lang 'to," pinitik-pitik niya pa ang ginawa niyang coupons dahil natutuwa siya. Winagayway niya pa iyon sa tapat ng mukha nito. "Ang genius ko diba?"

"Ano 'to?" binasa nito isa-isa ang nakasulat sa anim na coupons. "Do whatever you want, eat all you can, ask something personal to me, comfort you, watch movie together, thirty minute massage... seryoso ka dito, sis?"

Pinandilatan niya ito ng mata nang ngumiwi ito. "Bakit? Anong problema sa ginawa ko? Unique 'yan!"

"Sus, if I know, nakuha mo lang ang ideyang ito sa pinapanuod mo," idinikit nito sa noo niya ang coupons. "Mamamatay si Haru sa ka-corny-han mo, sis. Kung dinalhan mo nalang siya ng FHM magazine sa hospital, siguradong matutuwa pa 'yon."

"Heh!" kinuha niya ang coupons at maingat na inilagay sa bag niya. "Paminsan-minsan, tigilan niyo naman ang pagiging manyak niyo. Mas okay 'tong ibibigay ko kasi bukod sa may options siya, galing pa sa puso."

"Hay, bahala ka na nga sa buhay mo," umiiling-iling na naglakad ito papunta sa pinto. "Kunsabagay, kahit ano namang ibigay mo kay Haru, buong puso niya paring tinatanggap. Ingat ka nalang sa pagpunta sa ospital. Hindi kita masasamahan kasi may meeting ako."

Nang makalabas ang kuya niya ay nagmamadaling nagbihis si MK. She couldn't wait to give those coupons to Haru.

"HI, Ruel!" matinis ang boses na bati ni MK pagpasok niya sa kwarto ni Haru. "How are you feeling? Kailan ka raw makakalabas?"

"Bukas," humihikab na sagot ni Haru. "Ikaw? Okay na ba ang paa mo?"

"Of course! May healing power kasi ang ngiti ni Wind kaya mas napadali ang paggaling ko. Isn't it amazing?" nakangising sagot niya.

"Ewan ko sa 'yo."

"Oh, by the way," hinalungkat niya ang bag niya at iniabot sa lalaki ang coupons na ginawa niya. "For you! Thank you gift ko."

Nakakunot-noong tinitigan nito ang ibinigay niya. "Ano 'to?"

"Wish coupons 'yan. Kapag may gusto ka sa anim na nakalagay diyan, pilasin mo lang yung stab ng wish tapos ibigay mo sa 'kin. Tutuparin ko ang nakasulat diyan."

Binasa nito ang mga nakasulat sa coupons. "Bakit parang mas may advantage para sa 'yo ang coupons na ito?"

Ngumisi siya. "Of course! Para everybody happy!"

Napailing ito. "Saan mo nanaman napulot ang mga ideyang ito?"

"Diyan lang sa tabi-tabi," umupo siya sa gilid ng kama nito. "So? What do you think?"

"Pwede na rin," mula sa mga coupons ay nag-angat si Haru ng tingin kaya nagtama ang mga mata nila. "Thank you, MK."

Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya subalit hindi niya maialis ang paningin niya sa mga mata ni Haru. Maybe it was because of that strange and unfamiliar expression in his eyes that she coulnd't decipher. He looked pleased for some unknown reason. Maganda ang bukas ng mukha ni Haru kaya lalo siyang nahimok na tumitig rito.

"MK," halos pabulong na sambit ni Haru. "I just need to confirm something. Don't kill me after this."

Before she could react and ask what Haru meant by that, she was muted by Haru deep searing kiss.

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now