6

333 11 4
                                    

HINDI magkamayaw ang tilian ng mga taong nanunuod sa laban nila Haru para sa semi-finals. Ang bawat isa ay hindi mapuknat ang tingin sa court. Maging sina MK at Wind ay tutok na tutok sa laban. Tumili at malakas siyang pumalakpak nang maka-shoot si Haru ng bola.

"Go, Ruel! Go! Go! Go!" sigaw niya subalit kumunot ang noo niya nang masapawan ng ibang mga babae ang sigaw niya.

"You're the best, Haru!"

"The only one who can beat you is you!"

"Haru! Papakasalan kita sa lahat ng simbahan pagkatapos ng game na 'to!"

"Haru, why you so pogi?!"

Babatuhin niya sana ng bottled water ang mga babaeng sumapaw sa sigaw niya kung hindi lang siya pinigilan ni Wind.

"Hey, chill out," natatawang awat nito sa kanya. "Hindi sila lalaban sa 'yo. Plus, mukhang 'yung sigaw mo lang naman ang narinig ni Haru."

Iminuwestra nito ang court at nang sundan niya ng tingin ang tinuturo nito ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Haru. Nag-thumbs up siya rito. Gumanti naman ang binata ng kaway. Narinig niya ang pagwawala ng mga babae sa tabi at likod niya.

"Oh, my gosh! Kinawayan ako ni Haru Jimenez! I'm gonna die na!" sabi ng isang babae sa gilid niya.

"Hoy, ako ang kinawayan niya! 'Wag nga kayong feeling!" sabi ng babaeng nakaupo sa likod niya.

Itutuloy niya na sana ang matagal niya ng balak na batuhin ang mga ito ng bottled water nang marinig niyang magsigawan ang mga tao. Dali-dali siyang bumaling sa court at napasigaw na rin siya nang makita niyang si Haru ang may hawak ng bola. Hinaharangan ito ng rookie player ng kalabang team. Hindi niya maitatangging magaling rin ang rookie na iyon na si Keigo. But no one could stop Haru Jimenez in hard court. Nagwala ang madla nang masilayan nanaman ng mga ito ang bilis at ang special basketball style ni Haru, ang street basketball at formless shots.

Haru tactically threw the ball and it went on hoop. Nakakabingi na ang pag-tse-cheer ng mga tao. Pati siya ay halos mamaos na rin kakasigaw. Time's up. Haru's team won. Nagtatalon siya sa tuwa at hindi siya matigil sa pagsigaw at pagpalakpak. She unconsciously hugged Wind because of too much excitement. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya at sabay silang nagbunyi sa pagkapanalo ni Haru.

MK accidentally met Haru's eyes. Nakatingin ito sa kanila ni Wind at wala siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha nito. Feeling niya, galit ang lalaki. But she couldn't be too sure because his face was void with emotion. Nararamdaman niya lang na hindi maganda ang mood nito. He just continuously stared at her at maya-maya ay nag-iwas ito ng tingin at lumapit sa mga ka-team mate nito. Matapos makipag-high five ay lumabas na ito sa court.

Somehow, deep in her, she couldn't help but feel guilty while watching Haru walk away. Teka---bakit naman siya magu-guilty? Wala naman siyang ginagawang masama. Gayunpaman, bumitiw na rin siya sa pagkakayakap kay Wind.

"Puntahan natin siya sa locker room," suhestiyon ni Wind. "Let's congratulate him."

Tumango siya at sumunod siya kay Wind na naunang maglakad paalis sa bleachers. May mga sinasabi si Wind pero hindi na maintindihan ni MK ang mga ito. Abala kasi ang isip niya sa decipher kung bakit siya nagu-guilty samantalang wala naman siyang ginawang dapat niyang ika-guilty. At bakit feeling niya masama ang loob ni Haru sa kanya? They were good just a while ago. Kumaway pa nga ito sa kanya ngunit bakit biglang nagsungit nanaman ito?

"MK, are you still with me?" untag ni Wind kay MK. Iyon ang nagpabalik sa diwa ng dalaga sa kasalukuyan. Wala sa sariling nag-angat siya ng tingin. Ang nakangiting mukha ni Wind ang sumalubong sa kanya. "Okay ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah."

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now