16

294 7 0
                                    

BANGAG. Iyon lang ang naiisip ni MK na akmang description sa itsura niya ngayon. Nakatulugan niya ang pag-iyak kanina nang maghiwalay sila ni Haru at kung hindi pa nag-iingay ang doorbell niya ay hindi pa sana siya magigising. She felt so exaushted after crying non-stop. Sinulyapan niya ang wall clock sa sala niya at noon niya lang nalaman na alas siyete na pala ng gabi. Sino naman kaya ang naghahanap sa kaniya ng ganitong oras at ano ang kailangan nito sa kanya?

Pupungas-pungas na binuksan niya ang pinto ng bahay niya at ang nakangiting mukha ni Wind ang nabungaran niya. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Wind. Ngunit ang ngiti nito ay naging ngiwi nang mapagmasdan nito ang itsura niya. She just shrugged and went back on the sofa where she fell asleep.

Oo nga pala. May date dapat sila ni Wind. Nakalimutan niya na iyon dahil sa mga nangyari sa pagitan nila ni Haru kanina. Nang maalala niya si Haru ay naramdaman niya nanaman ang pag-iinit ng mga mata niya. Ano ba 'yan! Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nauubos ang luha niya kahit halos ilang oras na siyang umiyak kanina. Kapag na-dehydrate siya, idedemanda niya talaga si Haru na siyang puno't dulo ng kalungkutan niya ngayon. Badtrip.

"So? What's wrong? You don't look fine to me," tanong ni Wind nang makaupo na ito sa kaibayo niyang silya. "Sa tingin ko, postponed na ang date natin ngayon. 'Mind sharing what happened to compensate me for being stood up?"

She fought her urge to cry. Ayaw niyang umiyak sa harap ni Wind. Or rather, she didn't want to cry in front of anyone for that matter. Hindi niya gustong laging umiyak dahil ayaw niyang maging habit niya iyon. She didn't want to be that weak. She bit her lower lip to calm herself before answering Wind's query. "Haru happened."

"What about Haru?" nakakunot-noong follow-up question nito. "May ginawa ba siyang masama sa 'yo?"

Marahan siyang umiling at napayuko. "Wala siyang kasalanan sa 'kin. Actually, ako pa nga ang nakapanakit sa kanya." Hindi nagsalita si Wind kaya nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "He confessed to me, you know. That guy... paano niya nagawang itago sa loob ng mahabang panahon na gusto niya ako? How can he be so good at hiding what he truly feels? Maraming beses ko na siyang nasaktan ng hindi sinasadya pero hindi pa rin siya nagsasalita."

"Maybe because he wanted you to notice it yourself," narinig ni MK na bumuntong-hininga si Wind. "O kaya naman, natatakot lang siyang sabihin sa 'yo ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang mailang ka at masira ang pagkakaibigan niyong dalawa."

"I know. Kasalanan ko kasi hindi ko man lang napansin na nasasaktan ko na pala siya."

"Hinding-hindi sasabihin ni Haru na nasasaktan siya dahil hindi mo napapansin ang damdamin niya para sa 'yo. To that idiot, sapat nang makasama ka niya kaya hindi siya aamin na may gusto siya sa 'yo. Actually, hindi koi ne-expect na magtatapat talaga siya ng damdamin niya para sa 'yo. I think I underestimated him. Haru might be a complete idiot when it comes to the matters of the heart, but there's one thing I can assure you... that idiot treasures you more than anything in this world. He says the dumbest things just to hide his feelings but whenever he looks at you, his cover blows up. Sa tuwing minamasdan ka niya ng hindi mo alam, 'I like MK' expression is written all over his stupid face."

"But then again, I was too thick to notice it."

"Ngayong alam mo na... anong balak mong gawin?" nanantiyang tanong nito sa kanya. "Like confessing you like him too or rejecting him?"

"It doesn't really matter now," sumandal siya sa sofa at tumingin sa kalsada upang pigilan ang nagbabantang luha niya. But it was no use. Her tears started to well up once again and she couldn't do anything to stop it. Lalo na at parang video na nagre-replay sa utak niya ang mga mga alaala nila ni Haru na magkasama simula pa noon hanggang sa mga nangyari kaninang tanghali nang maghiwalay sila. It didn't sound fair. Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Napahikbi siya. "That guy doesn't want to be with me anymore."

Sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan nila ni Wind. Tanging ang mga impit na hikbi niya nalang ang pumuno sa sala ng bahay niya. Hindi niya alam kung gaano sila katagal dalawa ni Wind sa ganoong sitwasyon. Marahas na pinunasan niya ang mga luhang naglalandas sa mga mata niya ngunit wala rin iyong silbi dahil hindi matigil sa pag-agos ang luha niya.

Naramdaman niya ang pag-upo ni Wind sa tabi niya. Kasunod niyon ay ang masuyong pagpunas nito sa luha niya gamit ang panyo nito. She turned to him and gave him an apologetic smile. Hindi nagsalita si Wind. He just gave her his amiable smile and understanding look that made her like him the first time she met him. Well, minus the part where her heart was beating in a joyful manner during that time.

Weird. Kailan pa nagbago ang nararamdaman niya? Bakit hindi niya man lang iyon namalayan? Maybe her heart really did a turn back. Dahil nang mga oras na iyon, na-realize niya na hindi na si Wind ang nagmamay-ari ng puso niya. Na may iba ng itinatangi ang puso niyang hindi man lang siya inabisuhan at nagpasya ng mag-isa na mahalin ang lalaking ni sa panaginip ay hindi niya man lang na-imagine na magiging Prince Charming niya.

And it was no other than Haru, her very own kiss thief.

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now