14

307 10 1
                                    

"OKAY, what happened?"

Hindi pinansin ni Haru si Wind. Nanatili lang siyang nakatalukbong ng kumot. Mukhang naihatid na nito si MK kaya siya naman ngayon ang hinaharap nito. Masama pa rin ang loob niya sa kakatapos lang na pangyayari sa pagitan nila ni MK. Inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ni MK. Alam niyang mali ang ginawa niya dahil high school palang sila ay sinaksak nito sa utak niya na ang magiging first kiss nito ay ang true love nito. But he couldn't help but do it. He was hurt. Talaga bang kahit kailan ay hindi siya nagustuhan ni MK?

Gaya ng sinabi niya kanina, he wanted to confirm something. Gusto niyang kumpirmahin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kay MK. He didn't want to be just her friend anymore. Subalit ang hindi niya inaasahan ay ang naramdaman niya nang halikan niya ang dalaga. He knew in his heart that it was wrong yet everything felt so right that very moment. At alam niya na ang sagot sa katanungang kanina pang bumabagabag sa isip niya. He loved MK since time immemorial. Period. Bakit ba ngayon niya lang naamin iyon ng lubos sa sarili niya?

"What are you doing?" untag sa kanya ni Wind.

"Playing dead."

"Tigilan mo ako sa kapilosopohan mo, Haru. Kung dati pinapalampas ko lang 'yang ugali mo, ngayon hindi na. May pinaiyak kang babae, Haru. Kaya umayos ka," pinilit nitong alisin ang kumot na nakatakip sa mukha niya. Sa huli ay siya na ang sumuko. Umupo siya at sumandal sa sa headrest ng kama. "Anong ginawa mo kay MK?"

"I kissed her."

"Why?"

"Seryoso ka bang itatanong mo sa 'kin 'yan?" asar na binalingan niya ito. "Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hinahalikan ng lalaki ang babae?"

Natigil ang pag-uusap nila nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang mga kapitbahay nilang sina Ace, Shin, Blizzard, at Spade. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa dahil nagtatagisan sila ng tingin ni Wind.

"Anong meron?" tanong ni Ace. "Bakit may narinig akong halikan chorvah bago kami pumasok?"

"Haru kissed MK," kwento ni Wind.

"Uy, binata na si Haru!" kantiyaw sa kanya ni Ace.

"Magpakain ka," segunda ni Spade.

"But I guess, it didn't turn well," nilingon niya ang nagsalitang si Shin. "Hindi kasi compatible ang mga zodiac signs niyo ngayong araw."

"At naniwala ka naman sa horoscopes na 'yan?" asar na tanong niya.

"Kaya ka minamalas," naiiling na sambit ni Shin. "Hindi ka kasi marunong maniwala at sumunod."

"Ewan ko sa inyo. Bakit ba kayo nandito? Hindi ko naman sinabi sa inyong nasa ospital ako, ah?" asar na tanong niya. "Umalis na nga kayo."

"Kita mo 'tong taong 'to. Siya na nga ang dinadalaw, siya pa ang galit. Wala kang utang na loob," pumalatak si Ace. "Kaya ka naba-basted, eh. Bukod kasi sa kulang ka sa pogi points, masama pa ugali mo."

Gusto niya ng sugurin si Ace. Kung wala lang talaga siyang swero, binugbog niya na ito.

"Si Wind ang nagsabi samin," sagot ni Blizzard sa tanong niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay lang ako."

"Good," tumalikod na si Blizzard at naglakad palabas. "I'm just making sure you're still alive. Aalis na ako. Marami pang negosyo ang naghihintay sa 'kin."

Nang makaalis si Blizzard ay muling bumaling sa kanya ang tingin ng mga ito. Magtatalukbong sana uli siya ng kumot dahil ayaw niyang nasasalang sa hot seat subalit bigla nalang inagaw sa kanya ni Ace ang kumot niya kaya wala na siyang ibang choice kundi ang harapin ang mga ito.

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now