15

305 7 2
                                    

SA Coffee Corner napadpad si MK nang lumabas siya ng bahay. Ibinaling niya nalang sa pagkain ng cakes ang kaguluhang nararamdaman at naiisip niya. Sa ngayon, kailangan niya munang mag-recharge dahil baka mabaliw na siya ng tuluyan. Nag-text sa kanya si Wind kagabi at niyaya siya nitong mag-dinner sila. Sa loob rin ng ilang araw na missing-in-action si Haru sa buhay niya ay nagtapat si Wind na gusto siya nito at sinabi nitong liligawan siya nito. She said okay. Wala namang masama doon dahil bukod sa gusto niya rin ang lalaki ay pareho naman silang single. Kaya dapat lang na umayos na siya. She didn't want to look like a living zombie tonight. Ang kaso, ang pasaway na Haru na iyon, hindi pinapatahimik ang utak niya. Nang biglang muling pumasok si Haru sa isip niya ay natagpuan niya nalang ang sarili niyang nakatulala sa kawalan.

Natigil lang siya sa pakikipag-komperensya sa subconscious mind niya nang maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nang balingan niya kung sino iyon ay natigilan siya nang makita niya si Haru. May benda pa ring nakakabit sa ulo nito ngunit hindi man lang iyon nakaepekto sa gandang-lalaki nito. Fresh na fresh ang itsura nito samantalang siya ay malapit ng magmukhang bangungot. Wala na rin kasi siyang magawang matino simula nang mangyari ang insidenteng iyon sa ospital. Ni hindi niya pa nga rin naasikaso ang negosyong balak niyang itayo dahil masyadong na-focus ang atensyon niya sa mga emosyong hindi niya ma-handle ng maayos.

"Can we talk?" Nakatitig ito sa kanya na tila ba umaasa itong papayag siya. "Kahit sandali lang."

Naramdaman niya nanaman ang nakakalokang tibok ng puso niyang may kakayahang hindi paganahin ng matino ang utak niya kaya imbes na kausapin si Haru ay wala sa sariling tumayo siya at dire-diretsong naglakad palabas ng café. Hindi niya alintana ang pagtawag sa kanya ni Haru. Basta dire-diretso lang siyang naglalakad.

"MK, wait! Don't go there! Delikado!" narinig ni MK na tawag sa kanya ni Haru.

"Heh! 'Wag kang lalapit!"

Palingon-lingon siya sa lalaki kaya napapunta siya sa gilid ng kalsada at hindi niya napansin ang mga nakatambak na gagamitin sa pagpapagawa ng bahay sa bakanteng lote kaya dire-diretso siyang nag-dive sa bundok ng buhangin. Napatili siya at nang magmulat siya ng mga mata ay nag-uunahan na ang mga construction workers sa paglapit sa kanya. Tinulungan siyang makatayo ng mga ito. Marahas na pinapagpag niya ang mga buhangin na sumabit sa kanya nang makalapit sa kanya si Haru.

Nagulat siya nang bigla nalang siya nitong pangkuin at binuhat siya nito hanggang makarating sila sa bahay niya. Malapit lang iyon doon kaya hindi rin sila natagalan. Iniupo siya nito sa sofa niya. He started inspecting her to see if she was hurt.

"Okay ka lang ba?" tanong nito.

"Okay lang ako. Sige, makakaalis ka na," tatayo sana siya para iwasan sana uli si Haru ngunit hindi niya iyon nagawa dahil kinapitan siya ng lalaki sa balikat para hindi siya makatayo sa bangko. Ngayon tuloy ay bihag na siya nito at wala siyang ibang magawa kundi ang tinangalain nalang ito. "Bakit ba?"

Gamit ang isang kamay ay may kung ano itong dinukot sa bulsa nito. It was the coupon she gave him the last time they saw each other. Pumilas ito ng isa doon at ibinigay sa kanya. Ang "do whatever you want" coupon ang ibinigay nito sa kanya.

"You gave these to me, right?" kalmadong sabi nito. Ngunit nakikita niya sa mga mata nito ang frustration. "Sinabi mo sa 'kin na pilasin ko lang ang isa sa mga coupons na ito at ibigay sa 'yo. And then, you'll grant what's written here."

Marahan siyang napatango. "What do you want me to do?"

"Stay by my side. Stop running away from me and don't ever think of avoiding me ever again. Wala akong gagawing masama sa 'yo," mataman siya nitong tinitigan. He somewhat looked hurt ngunit hindi siya sigurado dahil dagli rin iyong nawala at napalitan ng mga damdaming hindi niya mapangalanan. "Listen, alam kong galit ka sa 'kin dahil sa ginawa ko noong huli tayong nagkita. But I want you to know that I'm not sorry for kissing you. You can hit me all you want but I still won't apologize. Ayoko lang patuloy na magpanggap na parang wala akong nararamdaman para sa 'yo. I want to confirm if I'm ready to take the risk of letting you know how much I love you. Oo, mahal kita. Noon pa. Don't look so shocked. Hindi mo lang napapansin kasi manhid ka.

MK's Kiss Thief (COMPLETED)Where stories live. Discover now