Part 27

580 37 8
                                    

It's been 5 months since the last time na magkita at magusap sila ni Tim. A week after they broke up ay tuluyan na din nagpaalam ang ama ni Lei.

Everything went by so fast since that day. She was not even sure if her decision was right or wrong but one thing is for sure... He loves him. He loves Tim.

Simula ng magkasakit ang ama niya, nagsimula din siyang makaramdam ng iba sa sarili niya. Her demons are slowly eating her up. Bigla niyang naramdamang di siya karapat dapat sa taong mahal niya dahil pakiramdam niya ay biglang nawasak ang pagkatao niya because of what happened to her family.

Lahat ng oras, panahon, pagmamahal ay hindi niya na maibigay ng buo kay Tim. At para sakanya ay hindi deserve ni Tim ang mahalin ng hindi buo. Yung lahat ng lakas ng loob niya sa pagmamahal unti unting nauubos. Nawalan siya ng kumpyansa sa sarili, naging duwag siya..

Paano kung dumating yung time na gusto na talaga ni Tim ang ikasal sila at magkapamilya. She can't give herself totally in their relationship. And that's unfair.. Tim doesn't deserve that kind of relationship.

Naalala niya ang huli nilang pag uusap ni Tim ng ihatid siya nito sa bahay nila pagkatapos ilibing ang kanyang ama.

Nasa kwarto sila at niyakap siya ni Tim.

"I know you are strong.. Yung Dad mo, he's in a better place right now. Watching over you, Omi and Andrei, Always.. and please know that I will always be here pag kailangan mo ko.. I may not accept what happened between us.. pero hindi ako galit sayo. I am beyond grateful and sobrang blessed ako dahil naiparamdam mo sakin ang pagmamahal mo."

Puro hikbi ang isinagot ni Lei kay Tim. ngunit niyakap niya rin ito pabalik.

"Shhhh. God has a better plan. Okay? Alagaan mo ang mga kapatid mo, lalong lalo si Omi. Pero wag mong pababayaan ang sarili mo." At hinalikan niya si Lei sa noo.

"Hindi ko man matanggap, pero naiintindihan ko. Sobrang nasasaktan ako knowing na mawawala ka sakin at walang kasiguraduhan kung babalik pa. Alam kong hindi mo to ginusto pero alam kong eto ang kailangan mo."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap rito.. hinaplos ang mukha nito.

"Mahal kita.." at tumulo na din ang luha ni Tim "hinding hindi ka mawawala sa puso at pagkatao ko.. pero kailangan na kitang palayain mahal ko.. dahil alam kong yun ang kailangan mo." Sabi ni Tim kay lei.

Hinawakan ni Lei ang kanang kamay ni Tim at idinikit sa kanyang pisngi.. bago ay hinalikan ito habang patuloy umaagos ang luha nito..

"Mahal kita.." sambit ni Lei.

"Alam ko.." at bahagyang ngumiti si Tim.

Tumingkayad si Lei at hinalikan ang mga labi ni Tim.

Nanginginig pareho ang kanilang mga labi dahil sa pigil na hikbi.

Bahagyang yumuko si Tim upang hawakan ang bewang ni Lei.. ang mga kamay naman ni Lei ay kanyang ipinuwesto sa batok ni Tim..

Mabagal ang bawat halik na wari mo'y ninanamnam ang bawat isa...

Para bang ayaw na nilang matapos ang mga bawat sandali..

"Mahal kita.." sabi ni Tim in between their kisses

Tumango naman si Lei ng paulit ulit.

Hindi na nila magawang kumalas sa halik ng isa't isa .

Ang mabagal na halik ay unti unting lumalalim..

Ang mga kamay ni Lei ay dahan dahang gumagapang papunta sa buhok ni Tim..

Mas inilapit naman ni Tim ang kanyang sarili rito at mula sa bewang ay unti unting bumababa ang haplos ng kamay nito papunta sa balakang ni Lei.

They are kissing passionately... while crying..

Alam nila sa sarili nila ang posibilidad na ito na ang huli..

Dahan dahang napapaupo si Tim sa gilid ng kama habang nakatayo parin si Lei sa harap niya..

Maya maya pa ay unti unti bumababa ang mga halik ni Tim mula sa labi ni Lei papunta sa baba at sa kanang bahagi ng leeg nito. Bahagya naman tumingala si Lei at tuloy tuloy parin ang pagbuhos ng kanilang mga luha..

Bahagyang yumuko si Lei upang halikan muli ang labi ni Tim na agad din naman nitong tinugunan.

Ipinuwesto niya ang kanyang sarili sa kandungan ni Tim at umupo siya kaharap ito.

Inihagod ni Tim ang kanyang mga kamay sa kabuuan ng likod ni Lei.. at mariin na hinalikan ang pisngi nito pababa muli sa leeg.. at pagkatapos ay sa dibdib

Ngunit sa kalagitnaan nito ay bigla silang napatigil..

Napayakap sila ng mahigpit sa isa't isa.. habang umiiyak..

at dahan dahang umupo si Lei sa tabi ni Tim..

"Love..." sambit ni Tim habang nakatingin kay Lei at pinupunusan ang  kanyang sariling luha..

"I know... I know.." at mapait na ngumiti si Lei kay Tim

Biglang huminga ng malalim si Tim at tsaka tumayo.. hinalikan nito si Lei sa noo at tsaka tumalikod at naglakad palabas ng kwarto..

-------------

Hello! Kaya pa? Kaya yan. 😊
Sa mga nainis kay Lei. Gusto kong malaman niyo na ako din. Inis sa kanya. Hahaha. Very wrong si ate gerl e! Pero... pero.. naiinitindihan ko siya.

May mga bagay talaga na ang hirap lalo na kapag sarili mo na ang kalaban mo sa sitwasyon.. Tao lang tayo, hindi sa lahat ng oras kaya nating maging matapang.. Hindi sa lahat ng oras kaya natin lumaban.

Pag nag decide tayo, lagi naman natin iniisip is kung ano ang makakabuti. May it be in love, family, work, friends or generally in life.

Hope you've got something good from all the dilemmas and pain.

Btw, few chapters left. Thank you so so so much for your support to my story. ❤💖

Adios~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now