Part 11

698 30 0
                                    

Nang magising si Nicolei, agad itong nakaramdam ng sakit ng ulo.

Agad naman itong nilapitan ni Timothy.

"Baby good morning. Here, I know masakit ulo mo." Inabutan niya ito ng gamot at inalalayan ito para umupo.

"Oh my gosh. Sobrang nalasing ako? Grabe yung sakit ng ulo ko.." Sabi nito at hinihilot ang kanyang sentido.

Ininom na nito ang gamot at binalik ang kamay niya sa paghilot sakanyang ulo.

Binaba naman ni Tim ang kamay ng nobya at siya na ang humilot sa ulo nito.

"Hahaha. Hindi ka na sanay uminom. Look at you ang cute cute mo ngayon. Hahahaa lalo na kagabi" natatawang sabi ni Tim.

"Bakit? Ano ba ginawa ko kagabi?" Naipaisip ito at pumikit, pilit inaalala ang mga nangyari.

Nang biglang manlaki ang mata nito. At tumawa naman ng malakas si Timothy ng makita niya ang reaksyon ni Nic.

"Okay lang baby ko. Wag ka mahiya. Hahahaha

Napatakip na lang ng mukha si Nicolei.

"Naisip ko panaginip lang yung kaartehan ko, pero totoo pala"

"I like it when you are like that" nakangiting sabi ni Tim habang patuloy parin sa pagmamasahe sa ulo ni Nic.

"Ang malasing or maging maarte?" Mataray na sagot ni Nicolei.

"No, I like it when you are clingy and needy. Gustong gusto kitang inaalagaan alam mo ba yun?"

Nahiya bigla si Nicolei at tumingin ito sa kamay niya.

"I love you."

"Oo na, oo na." Nahihiyang sagot ni Nicolei.

"Hahaha. Why are you so shy, Love?"

Tuwang tuwa na sabi ni Tim na tila ba gustong gusto pang pinapakilig ang girlfriend.

"Wala. Hindi. Hindi lang ako sanay"

Totoo nga naman. Dahil matagal na nga naman itong independent. Eventhough she likes being taking cared of, still the feeling of actually doing it to her is a whole new thing.

"Masanay ka na love" nakangiti nitong sagot bago inayang kumain. "Stand up na. Kain na tayo. Ipinagluto kita"

"Okay, wait. Mag inform lang ako kay Boss na mag half day ako. Anong oras na kasi, di mo ko ginising."

"Hahaa, sinadya ko talaga. Ang sarap ng tulog mo ayaw kitang istorbohin. Wag ka na pumasok ngayon, love. Ipahinga mo na lang. Pati kakagaling mo lang din ng lagnat nung isang linggo"

"Nakakahiya sakanila pero, okay. Wala din ako sa mood mag work. Hahaha"

------

"Love ibinili na kita ng mga gamot if incase may masakit sayo. Kinumpleto ko na sakit sa ulo, sa ngipin, sa tyan pati sa puso."

"Ha? Sa puso?" Nagtatakang tanong ni Nicolei.

"Ako, ako gamot mo pag sumakit puso mo" nakangiting sagot ni Tim

"Hoy!" Sita ng dalaga.

Di makapaniwalang reaksyon ni Nicolei. Sa loob loob niya, sobrang korni ng boyfriend nito pero di parin niya mapigilang matawa.

"Hahaha. Kidding aside love, binilhan na kita. Napansin ko kulang na yung mga gamot mo dun"

"Kaya nga, di ko na narefill, siguro kasi ngayon na lang uli ako nagkasakit after a very long time."

"I'll be having a photoshoot pala mamaya. May nagpa schedule for her upcoming birthday."

"Oh, I see. What time? Can I come with you?"

"Sure. mga 1pm mag start na mag set up sa studio"

"Okay. Pwede ako tumulong sayo?"

"Baka mapagod ka or mabinat? May assistants naman ako, sila na mag set up dun love"

"Hindi no, kahit taga abot lang ng tubig mo or taga bili ng food pag nagutom ka. I'm sure matagal yun. Please?"

"Isasama kita pero di taga bili ng food okay. Hahaha. Bibili na tayo ng food before magpunta dun para no need for you to buy. Dala ka na lang laptop mo or anything na pwede pag libangan baka kasi matagalan. Mainip ka"

Napayakap ito sa nobyo at tuwang tuwa na parang bata.  Excited na ito para mamaya.

"Thank you, love. Excited na kong mapanuod kang ginagawa yung passion mo."

---------

Malapit na ang dalawa studio kung saan gagawin ang photoshoot.

"Love, can you please check at the back yung isang bag kung nandun yung isang lens"

Sabi ni Timothy habang nagdadrive.

"Which one? Gray or black bag?"

"The gray one." Matipid nitong sagot at dumiretso na sa parking ng building.

"Love, isa lang ang lens dito"

"Urgghh. I knew it. I forgot dun sa study table sa kwarto mo love. Balik tayo, wait."

Akmang magrereverse na ito ngunit pinigilan ni Nic.

"Ako na kukuha Love. 15mins to 1pm na oh. Mag taxi na lang ako."

Nag isip si Tim, "Do you have your license with you?" Tanong nito sa nobya.

Good thing at dala nito. Kinuha ni Tim ang kanyang mga gamit at umakyat na sa studio. Si Nic na ang nagmaneho ng sasakyan ni Tim pabalik sa kanyang condo.

------

30 mins. drive lang ang studio from Nic's condo. Kaya di naman din ito gaano natagalan.

Tinawagan niya ang kanyang nobyo para ipaalam na nakabalik na siya ng building.

"Hello love. Parking na ako."

"Sige love. Come inside, sorry di na kita mapuntahan dyan. Magsisimula na kami. Diretso ka na lang ha."

"Okay. No worries."

Nang pumasok si Nic ay nagulat ito sa ichura ng set up ng studio. No, hindi sa studio. Sa ichura ng kinukuhanan ng kanyang nobyo. Halos di niya mahigit ang kanyang hininga dahil hindi ito ang ini-expect niyang madadatnan dito. Ang buong akala niya ay debutante ang client nito.

Hindi naman nabanggit ni Tim kung ilang taon ang kliyente niya ngunit sa nakikita ni Nicolei ay hindi ito 18 yrs old lamang.

------

Wazup guyss! 👋

Nakatulugan ko na ang pag type kagabi. I'm so inspired to do my update simula kahapon. Hahaha pero di talaga kinaya ng mata ko. Tumitibok na sa sobrang pagod. 🤣

But here you gooooo!

Hope you liked it! :)

~Adios

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now