Part 23

612 32 5
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas simula ng dumating ang problema sa pamilya nila Nicolei. Kinailangan niyang mag resign sa work niya upang maituon niya ang kanyang atensyon at oras sa  kanilang negosyo at pati narin maalagaan niya ang kanyang ama at mga kapatid.

Simula din ng araw na pinaalis ni Lei ang kanyang ina ay hindi pa ito bumabalik. Kung ano ang nangyari dito ay hindi niya na din alam. Minsan ay gusto niya itong tawagan o hanapin ngunit naaalala niya ang maling ginawa nito kaya't mas minabuti niyang huwag na lang.

So far, ayos naman ang nagiging takbo ng negosyo sa pamumuno niya. Kahit papano ay gamay naman nito ang pasikot sikot rito. Dahil nakapag trabaho naman siya rito saglit pagka graduate.

Sobrang nahihirapan lang siya pagkasyahin ang oras sa loob ng isang araw. Lalo na at puro meeting ang sumisimula at tumatapos sa araw niya. Ang kapatid naman niyang si Andrei ay pagkagaling sa school ay dumidiretso sa ospital kasama ang nobya upang magbantay sa ama.

Si Naomi naman ay sinasama niya lagi sa opisina dahil ayaw niyang maiwan ito magisa sa bahay kasama ang mga kasambahay at gusto niya rin itong nakikita habang nagtatrabaho dahil dito siya humuhugot ng inspirasyon at lakas ng loob. Nag hire na lang siya ng yaya para mag asikaso rito kapag may ka meeting siya pero kung wala ay nasa kandungan niya ito habang gumagawa ng mga reports or presentation for the business.

Tumutuloy din sila sa ospital pag katapos ng trabaho ngunit saglit lang, maswerte na kung abutin ng isang oras. Basta makita lang nila ang ama ay sapat na iyon.

Si Tim na ang madalas pumupunta sakanya. Ngayon ay mas nabawasan na ang kanilang oras para sa isa't isa. Dahil sa may bagong project nga ang company nila Tim ay nirequire siyang maglaan ng walong oras kada araw sa trabaho. Kaya't twing biyernes na lang ng gabi ay pupunta na siya kila Lei sa Batangas at dun na siya mag spend ng weekend kasama ito at para magsimba kada linggo. Si Tim na din ang nagaalaga sa naiwang condo ni Lei dahil hindi na nito nabibista ito. Kung minsan ay duon na din tumutuloy si Tim.

"Hello. malapit ka na love?" Tanong ni Lei sa nobyo na kausap ngayon sa telepono.

Yes, love. Is there anything you want? Or may ipapabili ka ba? Gising pa ba si Omi?

"Ah, wala naman love. No love, tulog na. Medyo inaantok na din kasi ako. If incase hindi ako makasagot si Ate Neri na ang magasikaso sayo pagdating mo ha."

Yup, alright love. No worries. I love you.

"Ingat ka. I love you"

Pag dating ni Tim ay tulog na nga ang magkapatid.

"Ate Neri, kumain na ba sila Lei?" Tanong nito sa kasambahay.

"Naku, si Bebe Omi lang ang kumain sir, mukhang di na nakakain si Mam Lei."

"Ganun ba?" Nag alala naman si Tim sa nobya

"Opo sir, kayo po ba sir? Kumain na, ipapainit ko lang yung ulam na ibinilin ni Mam Lei kanina."

"Tapos na ko ate, thank you. Um, nung mga nakaraang gabi ba nakakakain naman ba siya ng ayos?"

"Naku sir, pansin ko si Bebe Omi lang, pinapakain niya tapos ay lilinisan niya tsaka padededehin at patutulugin."

"Sige ate. Salamat."

"Walang anuman po, sir"

Umakyat na ito sa kwarto ng nobya. Dun na din nakalagay sa kwarto ni Lei ang crib ni Omi upang may nahihigaan ito ng ayos kapag babantayan ito.

Tinignan niya ang nobya. Malaki na ang ipinayat nito. Siguro nga ay dahil sa trabaho at hindi na din ito nakakakain sa tamang oras.

Tumabi siya rito at hinalikan sa noo.

Naalimpungatan naman si Lei at nagsalita ngunit di na ito tumayo.

"Hi love, kanina ka pa? Kumain ka na?" Inaantok na tanong ni Lei.

"Kakadating ko lang love, di ka pa daw kumakain sabi ni Ate Neri, gusto mo ba kumain tayo?"

"Hmmm, pa hug muna sa love ko"

"Sure, yun lang pala eh" ngumiti ito sa nobya at tumabi ito rito saka niyakap.

Niyakap niya ito ng mahigpit at saka pinaulanan ng halik sa buong mukha nito pati sa leeg.

"Hahaha, love nakikiliti na ko dyan. Tama na, okay na, busog na ko." Bahagyang lumayo ito sa nobyo para makita ang mukha nito.

"Anong busog  ikaw ha, hindi ka na daw kumakain ng dinner. Look, ang laki na ng pinayat mo."

"Hindi ba bagay sakin ang payat love? Ayaw mo na sakin?" Naglalambing na tanong nito sa nobyo.

"Hindi sa ganun love, pero sa dami ng inaasikaso mo baka bumagsak ang katawan mo kung mag skip ka pa ng meals mo. So, tayo na at kakain tayo."

"Hindi ka pa ba antok love? Almost 11 na oh."

"Nope! kaya pa basta kakain ka. Kakain na din uli ako. Sasabayan kita."

"Wag na love. Tomorrow na."

"Ay. Wag na makulit. Tara na kahit kaunti lang kumain ka please. Para makapag usap na din tayo. Masolo man lang kita, matagal tagal na din tayong di nakakapag date." Pag lalambing nito sa nobya.

Tumatawa ngayon si Lei "Kaunting pilit pa love, dali! Ahahaha" pangungulit nito sa nobyo.

Nag pout ito at wari mo'y iiyak na sumagot sa nobya "Sige na love. Pleeeaaaase"

Tinatawanan siya ngayon ni Lei.

"Aba tawa tawa na lang tayo love ah." Pinapaulanan na naman niya ng halik ang nobya sa mukha nito at sa leeg dahil alam nitong nakikiliti ito pag ginaganto niya ang nobya.

"Hahaha. Tama na tama na love. Napakaharot. Tara na" tumatawang sagot ni Lei.

"Akala ko ayaw parin eh. Hahaha. Bubuhatin na talaga kita"

"Sus"

Tumayo na sila at inakbayan ang nobya bago naglakad na sila papunta sa dining area.

--------

Habang kumakain napagkwentuhan nilang malapit na ang 2nd birthday ni Omi.

"So, anong plan? Invite mo ba Mommy niyo?" Tanong ni Tim sa nobya.

"Di pa ko handa makita siya love. Siguro mag dinner na lang tayo. Kasama sila ate Neri, tsaka di pa ganun maintindihan din ni Omi kung magpapaparty."

"I see. Saan dito na lang or lalabas nalang tayo?"

"Labas na lang para di na mahirapan magluto sila Ate Neri."

"Kamusta naman daw si tito?"

Napansin ni Lei na inaantok na ang nobyo.

"Ayun, wala paring progress. Oh, love inaantok ka na.."

Humikab ito at sinabing "Okay lang, patapos naman na tayo.. Bukas pala love date tayo, kahit watch lang tayo movie and then dinner after, iwan muna natin si Omi kay Yaya Des, tapos kahit after lunch na tayo umalis.. hindi din tayo magpapagabi ng sobra, promise!" With matching taas pa ng kanang kamay nito.

"Okay. Hahaha. Love, okay lang naman no need to say promise promise. Pero dadaan muna ko sa office at kay daddy bago tayo mag date"

"Yes ma'am!" At nag salute pa ito.

Bahagyang tinapik naman ni Lei ang mukha nito at natawa.

"Baliw ka talaga. Hahaha" sabi nito sa nobyo..

"Baliw sayo" saka ngumiti.


-----------------

So since maulan, eto medyo nasesenti ako. Di ko din alam kung bakit. Hahahaha. Gusto ko lang ibuhos lahat sa pagsusulat ngayon.

Anyways. Enjoyyyyy! 💖❤💖❤

Adios~





REUNION (Complete)Where stories live. Discover now