Part 16

597 37 5
                                    

Timothy was trying to wake her up. But she was unconcious and she was slowly slipping from Timothy's grip. Agad naman itong naagapan ni Tim at binuhat na din ang nobya.

Magkahalong pag aalala at galit ang nararamdaman ni Tim. Hindi na niya sinubukan pang hanapin ang mga kaibigan ni Nic. Naiinis ito dahil kung hindi siya dumating ay malamang napahamak na ang nobya at kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyari.

Wala na siyang pakielam kung pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan niya.

May lumapit bigla sakanyang lalaki at pinigilan siya sa paglalakad. It's Inno.

"Hey dude, who are you? where do you to think you're going? Bakit buhat buhat mo ang kaibigan ko?"

Agad namang may naglalapitang mga babae at nagpunta sa likod ni Inno. It's Nicolei's friends. Hindi nila agad nakilala na ito ang nobyo ni Nicolei.

"I don't know what you guys did, but seeing my girlfriend at this state makes me wanna punch you in your face! So, if you'll excuse me. I need to take care of my girl" Walang emosyong salita ni Tim.


Agad namang nagsitabi ang mga ito.


-

Nang makarating sila sa kwarto ay inihiga niya si Lei sa kama at pinilit itong gisingin. Di niya malaman kung bakit wala itong malay. Dahil kapag naman ito ay nalalasing, kahit papano ay nakakausap parin naman ito. Naisip niya na baka may kung anong droga ang hinalo ng estranghero sa inumin ng kanyang nobya. Kinabahan siya.

"Love, wake up. Please.." medyo tinatapik niya ang pisngi ng nobya. Ngunit walang epekto.

Naisip niya uling buhatin ang nobya at pumasok sa banyo. Ibinukas ni Tim ang shower, iniyakap niya sakanyang balikat ang kamay ng nobya at nakaalalay naman siya sa bewang nito.

Malamig ang tulo ng tubig, nakakaramdam siya ng ginaw ngunit hindi niya ito ininda.

"Hmmmmmmm" ungol ng nobya.

"Love, I'm here. It's Tim."

Bahagyang umuungol ang nobya. Di na niya matagalan ang pwesto nila dahil di naman nakatayo ng ayos ang nobya at dumadausdos lang ito sa pagkakahawak niya. Naisip niya munang ibaba ang nobya sa sahig at ipinaupo saka siya nagmadaling kunin ang monoblock na nasa veranda mg kwarto.

Dito ay ipinaupo niya ang nobya at lumuhod ito sa harap nito upang maging magkapantay sila.

"Tim..." mahina sabi ni Lei at unti unti na itong nagmulat ng mata.

"Love... yeah, it's me... what happened to you.. Love, you're making me worry.. hey... " hawak ni tim ang mukha ng nobya.

"Love, am I not enough?"

"Ha? What are you talking about love? Saan nagmumula yan?

"Mahal mo ba talaga ako?"

Umiiyak na sabi ni Lei.

Isinara naman ni Tim ang shower ng masiguradong gising na nga ang nobya.

"Hey love, you're drunk."

"Kiss me" sabi ni Lei.

"What? Lasing ka love.. hey.." hawak parin nito ang mukha ng nobya.

"You don't want to kiss me?" Seryosong mukhang ni Lei, habang tumutulo ang luha. Inilayo naman ni Lei ang mukha mula sa pagkakahawak ng nobyo.

Alam ni Tim na dala ng kalasingan kaya ganto ang nobya ngunit ayaw niya samantalahin ang gantong sitwasyon nito para lang umabante sa nobya.

"Hindi ganun Lei, you're drunk right now. And you know that I respect you so much. So I am not gonna do it just because you're drunk."

"Baka may iba ka naman talagang gustong hinahalikan."

Hindi nagugustuhan ni Tim ang tinatakbo ng paguusap nila ni Lei. She's being irrational because of too much alcohol.

"You're drunk, Lei. Paguusapan natin to bukas pag maayos ka na" Seryosong sagot sa nobya.

"Maghiwalay na lang tayo"

Nagulat si Tim. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng nobya. Hindi niya malaman kung saan nagmumula ito.

"Just because I don't want to kiss you right now? Ganun kababaw Lei?

pinunasan ni Lei ang mga luha at tumingin sa ceiling ng banyo.

"Ayoko na" sambit nito.

Nasasaktan si Timothy sa mga sinasabi ng nobya. Alam niyang lasing ito pero di siya makapaniwala na gugustuhin nitong makipaghiwalay sa gantong sitwasyon. Galit at frustration ang nararamdaman niya.

Tumayo siya at bahagyang yumuko upang magtama ang kanilang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at hinalikan. Halik na mapusok at madiin. Hindi siya makapaniwala na sa ganitong paraan mauuwi ang unang halik nila bilang magkarelasyon.

Umiiyak si Lei.

At ngayon ay tumutulo na din ang luha ni Tim.

Humiwalay sa pagkakahalik si Tim. At inihawak ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang sabay tumingala sa itaas para pigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

"I love you so much, I hope you know that." Sambit ni Tim.

Tuluyan ng humagulgol si Lei.

Nanatili sila sa ganung posisyon. Walang nagsasalita. Paghagulgol at paghikbi ang tanging nangingibabaw na tunog.

Maya maya ay inuubo na si Lei.

Napatingin dito si Tim.

"Lalabas na ko. Mag shower ka na ng ayos, baka magkasakit ka pa"

Akmang tatayo si Lei, ngunit ramdam parin nito ang hilo kaya't muntik na siyang madulas mabuti ay agad nahawakan ni Tim ang kanyang likod at braso.

Niyakap niya bigla ang nobyo. At muli ay umiyak na naman ito.

Hindi umimik si Tim. Binuksan uli ni Tim ang shower, ikinalas niya ang pagkakayakap ng nobya sakanya at pinatalikod niya ito sakanya. Ipinahawak niya ito sa monoblock sa harapan nito upang makuha nito ang kanyang balanse.

Lumayo siya saglit sa nobya at kinuha ang shampoo at ang sabon.

Nakatalikod parin ang nobya sakanya. Nilagyan niya ng shampoo ito. Tahimik lang silang dalawa. Di niya makita kung umiiyak parin ba ito ngunit wala na siyang hikbi na naririnig. Tanging pagpatak lamang ng tubig ang bumabalot na tunog sa loob ng banyo.

Nang matapos ay binanlawan niya ang buhok nito.

Sunod ay kinuha niya ang sabon at sinimulan nitong sabunan ang leeg ng nobya. Matapos ay iniharap na niya ito sakanya. Kamuntik na naman itong matumba kaya agad niya itong pinahawak sa kanyang balikat.

Magkatinginan lang sila mata sa mata.


----------

Wait naman tekaaaaa. Hahahahaha

Lord pahingi nga po ng isang Timothy Reyes. Hahahaha. I hope ma-pull off ko ng ayos tong mga susunod na chapters.

Hanggang dito muna guysss. Taympers muna si Author. 💖

Adios~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now