Part 18

683 44 9
                                    

Paglabas ni Timothy ng banyo agad niyang tinignan ang kinaroroonan ng nobya, mahimbing na itong natutulog. Agad na din naman niyang tinabihan ito matapos niyang makapagbihis.

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo Lei at dahan dahang hinihimas ang buhok nito.

Nakatitig lamang siya sa nobya habang kung anong pangamba ang pumapasok sakanyang isipan. Sobra siyang nababahala sa kung anong mga pwedeng mangyari kung hindi niya napuntahan agad ang nobya. Hindi niya alam ang gagawin niya oras na may di magandang nangyari rito.

Dahan dahan niyang ipinatong ang ulo ng nobya sakanyang braso. At saka ipinikit ang kanyang mga mata.

-------

Naunang nagising si Lei at agad itong umupo. Nakaramdam siya ng sobrang sakit ng ulo. Agad niyang hinawakan ang kanyang noo at napapikit.

Napansin niyang wala siya sa kwarto nila ng mga kaibigan. Agad siyang napatingin sa kanyang gilid at laking gulat niya ng kanyang makita ang nobyo. Bahagya siyang napabalikwas at gumalaw ang kama, dahilan upang magising si Timothy mula sa pagkakatulog.

Binukas ni Tim ang kanyang mata ngunit agad ding napapikit ng madiin dahil agad siyang nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana.

"LOVE?"

Hindi makapaniwalang salita ni Lei.

Hindi naman umimik si Tim, umayos lang din ito at pumwesto rin ng nakapa upo.

"Love, why are you here? Why am I... um, why am I here?" Nalilitong tanong ni Lei kahit pa masakit parin ang ulo nito.

"You were so drunk last night." Seryosong salita ni Tim

"Yeah, my head hurts."

Tahimik lang uli si Timothy

"Love, ang sakit sakit ng ulo ko." Sabi ni Lei habang nilingon ang table sa gilid ng kama para tignan ang kanyang cellphone ngunit wala ito duon. Agad din niyang kinapa ang kama ngunit wala din.

Nanatili namang seryoso ngunit tahimik parin si Timothy at pinagmamasdan ang nobya.

"Nasaan yung phone ko, Love?"

" I don't know. You don't have it with you last night."

"Oh my gosh."

Iniisip naman ni Lei ang mga nangyari ng bigla niya maalala yung sa bar at ang mga sumunod na pangyayari ay ang sa banyo. Bigla siyang natahimik ng unti unting pumapasok sa isip niya ang mga kaganapan kagabi.

Nakatingin parin sakanya ang kanyang nobyo.

Silence.

Silence..

Silence...

Tumayo si Timothy upang kumuha ng tubig. Nanatili naman si Nicolei sakanyang pwesto. Napayuko ito.

Maya maya pa ng matapos uminom si Timothy ay bumalik ito sa kama at tinabihan ang nobya. Alam niyang kahit papano ay naaalala na nito ang iba sa mga nangyari kagabi.

"Love.. Are you mad at me?" Nakuyukong tanong ni Lei. Dahil magkahalong hiya at pagsisisi ang nararamdaman niya ngayon.

"No. I am not mad at you. Galit ako sa ginawa mo"

"Edi galit ka nga sakin?" Malungkot na sagot ni Lei

"Hindi nga. Sa ginawa mo ako galit hindi sayo" medyo may awtoridad na sagot ni Tim

"E ganun din yun. E sino ba gumawa nung ginawa ko, di ba ako? Edi galit ka nga sakin"

"No. It's totally different Lei. I am mad with what you did but I am not mad at you. Be rational." seryosong sagot ni Tim

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now