Part 4

1K 40 7
                                    

Nicolei

"Hello there, My Sunshine! ☀️ Hope you had a satisfying rest and sleep. Excited to see you today! Text me immediately once you got this. Good morning!"

Aga agang magpakilig netong isang to. At ang aga magising ha.

"Ang aga naman pong mang-bola. But for the record, yes I had a very satisfying rest and sleep. Ikaw din ba? Well, anyway, this is me saying, good morning at gising na ako. "

Natatawa kong reply.

Wala pang isang minuto, tumatawag na siya. Video call.

"Hey, good morning." Bati niya.

"Morning" sagot ko habang kinukusot ang mata ko at humihikab.

"Mukhang antok pa ang baby ko ah."

Napatigil ako sa pag kusot ng mata ko.

"Baby ka dyan." Sabay taas ng kanan kong kilay

"Hahaha. Pikon agad. Wala kang magagawa dahil yun ang gusto kong itawag sayo. Baby kita eh."

"Ang korni."

"Ano ba ang gusto mo?"

"You can call me Lei, okay. At hindi pa tayo kaya tumigil ka sa kakatawag ng baby dyan. Bigwasan kita eh."

"Hahaha, napaka-taray mo talaga kahit kelan. Haha. Kaya mahal na mahal kita eh, ikaw lang ang gumaganyan sakin. Pero baby talaga ang itatawag ko sayo dahil magiging tayo din naman soon." Sagot niya sakin.

Saya din nitong isang to eh. Pero di ako kinikilig, hindi talaga. Promise. Hindi... Konti lang. 🙄

"Whatever" inirapan ko siya.

"Cute mo Hahaha. Eat first, it's already 9, sunduin kita ng 12 sabay na tayo mag lunch. Okay?"

"Okay"

"Good, I love you. See you later."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niyang 'I love you'

"Hahahaha ang cute mo talaga. Sige na, end this call na baka di ko mapigilan sarili ko at puntahan na kita agad ngayon dyan."

"Bye" then I ended the call

Nararamdaman ko naman namamanhid ang pisngi ko sa kilig. Kaasar. Ayoko ng nakikita niya kong kinikilig dahil inaasar niya ko. Kaasar talaga.

But on the second thought, nag echo bigla yung sinabi niyang 'Baby kita eh' at 'I love you'.

Napangiti ako.

Had my quick morning work out. 15 mins lang. I ate my breakfast at naligo narin afterwards.

-

"Baby, message me when you're done."

Ayan na naman sa baby.

"I'm done"

"Okay, I am just waiting here at the lobby."

"What?! 11 pa lang ah. Di ba 12 ang usapan?"

"Hahaha. Puso mo baby, kalma ka lang. It's fine. Haha. If you're okay na, baba ka na. Miss na kita."

"Dahil dyan. Hindi na ako bababa."

"What? Hahaha. Sige na, alam kong tapos ka na. Tara na, bago ko pa isa isahin ang unit dito sa building ng condo mo. Hahaha"

"Okay, okay. Whatever"

-

Timothy

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now