Part 13

693 30 4
                                    

"Love, dito na ako sa supermarket. Dito ko na tatagpuin si Mikayla."

Kausap ni Lei ang nobyo sa cellphone. magbabakasyon ngayong araw si Lei kasama ang college friends. Lima silang puro babae at ayos lang naman ito kay Tim dahil matagal na din silang di nagkikita. At napagusapan din nilang hindi din healthy sa relasyon na laging silang dalawa lang ang magkasama at magkausap lalo pa at matagal tagal na din ang relasyon nila. Sa loob ng tatlong araw ay icecelebrate na nila ang kanilang 6th monthsary.

"Yes love, magiingat po kami. Ikaw din po mag iingat. Yes.. yes.. I will update you po. Hahahaha. I will miss you too my gummy bear! Hahah. Mahal din kita. Bye love" at nagpaalam na ito.

Naging smooth sailing ang relasyon ng dalawa. May mga kaunting tampuhan paminsan pero napapagusapan din bago matapos ang araw.

Bigla uling tumunog ang cellphone ni Lei.

Mikayla is calling...

"Hello, oh, nasa parking ka na? Sige nandito ako sa Liquor section. Okay okay, seeyou. Babye"

We'll be going to La Union and tonight na ang byahe namin. As of now, bibili lang kami ng mga snacks and drinks para incase magutom sa byahe. Good thing, may kasama din kaming driver, isasama kasi ni Trina ang kakambal niyang si Inno para ipagdrive kami. We all know how to drive naman pero napagkasunduan naming need namin ng driver so we can focus sa isat isa during our byahe. Dahil we need to catch up na sobra.

"Niiiiiiiiiiiiiiic!"

Sigaw ni Mikayla sabay yakap.

"Oh my gosh! I miss youuuuu!"

Nagyakapan silang dalawa at nagkuwentuhan habang namimili ng mga babaunin para sakanilang byahe. May higit tatlong taon din simula nung huling magkita sila.

"Girl! In all fairness sa jowa ah. Ang yummy. Kita ko mga posts mo sa IG mo"

"Yummy talaga? Hahaa sira. tumigil ka nga."

Natatawa tawang sagot ni Lei sa kaibigan.

"Wusus! If I know enjoy na enjoy mo ang malalamig na gabi sa piling niya"
Panunukso ng kanyang kaibigan.

"Stop it Kayla! Yun ba tingin mo sakin?"

Seryosong sagot nito kay Mikayla. Alam niyang nagbibiro lang ito ngunit medyo na-off siya sa mga sinabi nito.

Nuon ay may mga pagkakataon din naman silang nagkukwentuhan sa mga ganung klaseng bagay ngunit madalang lang at ginagawa man naming katatawanan ay hindi naman namin ginagawang biro sa bawat isa saming magkakaibigan.

"Sorry na Girl. Wag ka magalit. Hahaha. Naninibago lang ako na may boyfriend ka na. Kasi nung college tayo para bang takot na takot dumiskarte ang mga lalaki sayo sa sobrang taray at tapang mo"

"Sira. Tahimik lang talaga ako." Sagot nito sa kaibigan.

"Ano? Kamusta naman ang first kiss niyo? Hahaha grabe di ko ma-imagine. Hindi talaga ako sanay na may jowa ka."

"Wag mo ng isipin okay? Siya ang first ko pero di pa kami nagki-kiss"

"What? Ang labo. Siya ang 1st kiss mo pero di pa kayo ng nagki-kiss? Anong ibig sabihin nun?"

Yes. Timothy is Nicolei's first kiss. Nangyari yun nung time na nagaaral pa lang sila pero ngayon na magkarelasyon na sila ay di pa talaga nila nagagawa uli yun.

"Basta di pa kami nagki-kiss bilang couple"

"Is that for real? Nakakaloka ka girl!!!"

"Ano pa bang kulang dito sa dala natin?"

Pag iba ni Lei sa usapan. Hindi naman na nangulit pa si Mikayla.

Totoong hindi pa sila nagki kiss ni Tim kahit na may ilang buwan narin silang magkarelasyon. Hindi naman sa ayaw nilang dalawa or nagkakahiyaan pa. Siguro satingin niya ay wala pa lang yung tamang moment para dun.

Naisp niya ay hindi naman masusukat ang pagmamahal niyo sa isa't isa based sa kung gaano kayo kadalas mag-kiss, na the more you kiss each other eh the more you love the person na. There are other ways to prove or show how much you love a person. And ayaw niyang mawala yung magic ng Kiss basta basta, yung excitement, the thrill, the kilig and all..

For Nicolei its really the effort of Tim to be with her. Its his act of serving her. He really treats her so well and nice. Prinsesang prinsesa siya nito kumbaga.

It's not that she doesn't want it naman din, it's just that she doesn't feel the need to do it from time to time. And she thinks Tim knows it also, they understand each other eh. No need to say a word, matic na. She thinks Tim is just really waiting also for the right time to do it.

It may not be applicable to others but its not impossible to happen. Kaniya kaniyang paniniwala, kaniya kaniyang pananaw.

She really appreciates how sweet, kind, gentle and loving he is to her. May time pa nuon na after an event with her workmates ay sinundo siya ng nobyo at nun pag uwi ay talaga dumaing siya dito dahil sobrang sakit ng paa niya, hindi na siya sanay mag suot ng may sobrang taas na heels na sapatos kung di lang talaga kailangan. At halos 8hrs din kasi siyang nakatayo habang suot yun.

Ang ginawa ng nobyo ay binuhat na siya mula sa sasakyan at pagdating sa unit ay ibinaba na siya diretso sa kama niya. Ikinuha siya ng maisusuot na pantulog at sinabihang dun na siya magpalit ng damit sa kama niya para di na tumayo pa. Lumabas ito saglit ng magbihis siya at ng pumasok ay may dala ng lalagyan ng maligamgam na tubig at face towel. Nakaupo lang si Lei sa kama at nagulat ito. Ang sabi lang ng nobyo ay "Love wag ka ng gumalaw, lilinisan na kita"

Pinunasan niya ang mukha nito upang matanggal ang make up at pinunasan din ang kanyang mga braso at hita hanggang sa kanyang paa. Ang kanyang nobyo din ang nagtanggal ng mga nakakabit na pin nito sa buhok at sinuklay ito. Nang matapos siya punasan nito ay minasahe naman nito ang kanyang mga binti at paa. Ginagawa niya ito habang kinakamusta ang naging event ng girlfriend.

Nang mga oras na iyon ay gusto lang maiyak ni Lei dahil sa inaakto ng nobyo. Niyakap niya ito ng medyo naluluha luha pa. Sinabi niya na hindi na nito kailangan pang gawin ang lahat ng iyon ngunit nagpasalamat siya dito ng sobra. Ang sinagot ng kanyang nobyo ay.. "I am doing this because I love you and I am giving you the kind of love that you deserve. At salamat din dahil hindi ko magagawa to at hindi ako magiging ganto kasaya kung hindi mo ko binigyan ng chance nuon. And I am grateful for that, na binigyan mo ko ng chance kahit nasaktan kita nung umpisa.."

----------

Holaaaaaaa! :)

Finally! I've been wanting to update talaga last week pa, pero wala talagang lumalabas tuwing susubukan ko and everytime na magta-type naman ako may magagawa ako pero bigla naman makakatulugan ko. Hahaha! Sorry guysh. Bawi ako. Hehehe

Eto naaaaaa. Sana magustuhan niyo. :)

I just wanna say Thank you all so much from the bottom of my sparkling heart! 1k reads na tayo. :) Thank you for all your support and good words towards my story. I WUV U 💖

ADIOS~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now