Part 10

685 30 2
                                    

Kasalukuyang nagkakatuwaan sila Nic, Debi at Kai.

"Grabe yung tawa ko dun kliyente. Napakayabang sabay mali naman pala yung nakuha niyang info. Hahaha" tumatawang kwento ni Kai.

"Nic.. I'm sorry kanina" biglang salita ni Debi.

"It's alright Debs! I understand. I know you, gusto mo lang is kung ano ang best for me. Don't worry" She hugged Debi on the side as an assurance that she is really okay and nothing to worry about.

Debi just smiled at her in return.

"Pano pala naging kayo?" Seryosong tanong ni Kai.

Ikinuwento ni Nic ang nangyati including the part where Tim had an encounter with her ex.

"Let's just give him the benefit of the doubt" sagot ni Kai ng matapos sa pag kukwento si Nic.

Nicolei, on the other hand can't argue anymore on them. Inisip na lang niya na naninibago lang ang mga kaibigan nito kaya siguro ganun. Pero sigurado ito na once na makilala nila si Tim ay panigurado makakasundo nilang dalawa ito.

"Medyo tinatamaan na ko guys. Let's call it a night" sabi ni Nicolei sakanyang mga kasama.

Alam naman ng mga ito na hindi talaga malakas uminom si Nicolei pero sobra silang masaya pag kasama ito dahil laging ito ang bangka sa kanilang tatlo.

"Oh, siya ihahatid ko na kayo." Alok ni Tim sa dalawang babae.

"G!" Sagot ni Debi

"Ah, eh susunduin daw ako ni Tim. Una na kayo guys. Hintayin ko na lang siya."

"Ganun ba. Edi hintayin na namin siya makarating bago kami umalis" sabi ni Kai.

She get her cellphone and texted Tim.

Hi love, still awake? We are about to go home na. If di mo na kaya to come here. Wag mo na pilitin. Makikisabay na lang po ako kala Debi.

It's already 11:30pm. Alam ni Nicolei na sa gantong oras ay tulog na si Tim. But still, she texted him dahil iyon ang bilin nito.

Timothy:

Baby, I'm already here na. Come outside.

She replied.

Nicolei:

Naku love, I'm sorry. kanina ka pa ba dyan?

Timothy:

No it's alright. Just come outside. I miss you.

Agad namang nagsabi si Nicolei sakanyang mga kasama at sinabing nasa labas na ang kanyang sundo.

"Ang bilis ha? Andyan na agad? Totoo ba yan?" Di makapaniwalang sabi ni Debi.

"Oo, mukhang kanina pa nga eh. Tara na labas na tayo" pag aya nito sa dalawa.

Nang makalabas ay agad niyang nakita ang sasakyan ni Timothy sa kabilang bahagi ng kalsada. She was about to walk across the pedestrian lane when Timothy immediately went out of his car and walk fastly towards her.

Agad siya nitong nilapitan at kinuha ang kanyang bag at inakbayan ito.

"Hey, are you drunk? Do you want something to eat?" Nalambing at medyo nagaalalang tanong ni Timothy kay Nicolei.

Nakatingin lamang ang dalawang kaibigan ni Nicolei sa kanila.

"I'm fine, Love. Let's go? Ah... wait! I want you to meet pala.. my workmate/bestfriends ko. Hahahaah. Debi, Kai this is Tim.. Tim this Debi and this is Kai"

Nakipag shake hands naman ang mga ito kay Tim. At bahagya naman tinanguan ni Tim si Kai matapos magbitaw ang kanilang kamay.

"Guys! Thank you for tonight. See you tomorrow! Ingat kayo sa byahe."

Bineso naman ni Lei ang mga kaibigan at tuluyan na silang umalis.

Nakaakbay parin si Tim kay Lei bilang pagalalay dito dahil alam nitong may tama na ang kasintahan.

Pagkaupo ni Lei ay kinabitan na ito ni Tim ng seatbelt.

"Love, nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain muna bago umuwi?"

"I'm fine Baby... Hehe, do you have water? Penge ako please?"

"Yeah sure" agad nitong iniabot ang kanyang tumbler

Bahagyang ibinaba ni Tim ang inuupuan ni Lei matapos itong uminom ng tubig upang mas maging komportable ito. At kinuha ang isang unan mula sa likod ng sasakyan at iniligay sa harap ni Lei upang mayakap nito dahil may unan naman ng nakakabit sa upuan sa may bandang batok.

"Love, sorry kung nalasing ako. Wag ka magagalit sakin"

"Hey, I am not mad. Just tell me your whereabouts so that I can come to pick you up. Especially kapag mapapainom ka. Okay? Di mo kailangan magpahatid sa iba. Nandito ako."

"Ang sweet naman ng love ko. Kiss mo nga ako."

Hinalikan nito ang kasintahan sa noo.

"Ay halik sa lola"

Napatawa si Tim sa inaasal ng girlfriend nito dahil parang bata ito pag nalalasing.

He leaned again and hinalikan niya uli ito sa pisngi naman.

"Ay halik mag bestfriend"

Tumawa ito sa sinabi ng girlfriend.

"Aba, hinahamon mo ba ko love? Ang lakas ng loob ah, dahil ba lasing ka?"

"Sus. Wala ka pala eh." Mayabang na sagot ni Nicolei kay Tim

Lumapit si Tim at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Nicolei at iniharap ito sakanya.

Natigilan naman si Lei at bahagyang nagulat.

Dahan dahan nitong nilalapit ang kanyang mukha sa kanyang girlfriend ramdam na nila ang hininga ng bawat isa. Amoy na din ni Timothy ang alak sa sistema ng nobya ng biglang....

Biglang may kumatok sa bintana ng kotse.

Napatigil naman silang dalawa sa kaharutan na gagawin sana nila. Nanlaki bigla ang mata ni Nicolei sa gulat at dahil baka nakita sila ng nasa labas. Napansin naman ito ni Tim at lumayo ito sa kasintahan na medyo natatawa.

"Don't worry baby. Tinted ang sasakyan ko, di tayo nakita ng kaibigan mo"

Natatawa naman nitong ibinaba ang bintana.

Si Debi.

"Ah, naiwan ni Nic yung phone niya. Here." She handed it to her pero si Tim na ang kumuha nito sakanya dahil parang wala sa wisyo parin si Nicolei.

"Thank you. Be safe. Ingat kayo ni Kai." Sabi ni Timothy kay Debi.

"Yeah, kayo rin."

Iniangat na uli niya ang bintana at tumingin sakanyang nobya.

Naniningkit na ang mata nito sa pagkalasing at halatang antok na din.

Napangiti ito at hinalikan ang kasintahan sa noo.

"Sleep now, Love. Dream of me"

---------

Update again. Hello guysssss!

Thank you so much sa support. 😊

Another thing, as much as possible I want the characters to be sincere and real.

Minsan nahihirapan ako magisip ng content kaya ang tagal. Hahaha. Isabay mo pa ang work. Nevertheless, eto na Update na sunod sunod. Hehe I started 6pm today dun sa 3 updates.

I will try to update pa kung di ako makakatulog while typing. Hahahaha

Sana magustuhan niyoooooo. :)

~Adios

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now