Part 21

578 32 3
                                    

Nabahala naman si Tim at agad niyang tinawagan ang nobya.

Sumagot naman ito.

"Love, what happened?"

"Love.. *sobs* Love, si Dad.. *sinugod sa ospital.. *sobs*.."

"Shhhh. Love, Calm down, magiging okay si tito. Where are you now? Are you driving?"

"*sobs* yes" sagot ni Lei na may kasamang hikbi

"Okay calm down. I only have 15mins. Break right now so I can't talk to you longer. But please don't cut the line, not until you get to the hospital. Okay? I am worried, Love. Once we're done, diretso ako dyan. Send me the details pag dating mo dun. Ha? Okay? Take care my baby. Everything will be okay. I love you." Nagaalalang bilin ni Tim.

Tanging pag hikbi lang ang naisagot ni Lei sa kabilang linya.

Hindi magawang itanong ni Tim kung ano nangyari dahil alam nitong lalong mag bibreakdown ang nobya. At nababahala siya na madistract ito at baka kung anong masama ang mangyari habang nagda drive. Pero base sa sabi nitong nasa ospital ang ama, ay kahit papano alam na niyang may hindi magandang nangyari sa ama nito.

Kasalukuyang nasa meeting parin si Tim ngunit wala na ang atensyon niya sa usapan.

Maya maya pa ay naputol ang tawag. Napansin ni Tim, akmang mag eexcuse na sana siya ng biglang magtext din agad si Lei.

Dito na ako Love

Boss: Yes, Mr. Reyes? Is there anything that you want to add?

Tim: Um, no just.. just continue.

Bahagyang napayapa naman siya sa text ng nobya.

Hapon na ng matapos ang meeting ni Tim. Pagkatapos na pagkatapos ay tumawag na siya agad sa nobya ngunit di ito sumasagot.

Nakalimang subok ito ngunit ring lang ng ring.

Tinry niyang imessage at tawagan ito sa messenger, IG at viber ngunit hindi din ito online.

Ano na ba ang nangyayari?

Hindi din naisend ng nobya ang details ng pupuntahan nitong ospital. Nakaramdam ng pagkabahala si Tim. Hindi niya alam kung sino ang pwede niyang tawagan o itext para malaman kung nasan ang nobya.

Naalala niya, friend nga pala nito ang kapatid ni Lei sa facebook. Sinubukan niyang ichat ito at nagbabakasakaling sumagot ito kahit alam niyang hindi ito masyadong ma-social media na tao.

Andrei. Hey, I'll just ask if kasama mo ang Ate Lei mo?

Hindi niya binanggit o tinanong kung saang ospital dahil baka hindi pa ito aware sa nangyari sakanyang ama. Ayaw naman niya itong mag alala bigla.

Naglakad na siya papuntang parking. Kung hindi man sumagot si Andrei sa kanyang message ay wala siyang choice kundi pumunta sa Resort nila Lei para alamin ang detalye o kahit numero ng mga magulang ng nobya.

Bakit nga ba kasi ni hindi man lang niya natanong o nakuha ang number ng mga magulang nito o kahit man lang ng kapatid. Kahit pa sabihing hindi pa siya pormal na naipapakilala sa mga magulang nito bilang nobyo ay dapat inalam niya parin para sa mga emergency na pagkakataon gaya nito.

Pumasok na siya sa sasakyan at chineck kung may reply ba si Andrei, ngunit wala. Kahit seen man lang ay wala din.

Napahampas na lamang siya ng kamay sa manibela ng dahil sa inis sa sarili. Pinaandar na niya ang sasakyan.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya. Si Andrei. Kasama nga nito si Lei at sinabi na agad nito ang address ng ospital.

--------

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now