Part 12

717 36 12
                                    

Shocked. Yun ang perfect term ng sitwasyon ni Nicolei ngayon.

Hindi niya inakala na may pagka sexy ang theme ng photoshoot. At ang kliyente ay halos hubad na sa sobrang balat na ipinapakita nito.

Hindi sa ayaw niya sa gantong kaganapan o hindi sa ayaw niyang nakakakita ng ganto. Siguro ay hindi lang siya sanay dahil hindi naman niya ito pangkaraniwan na nae-encounter. Kaya medyo naiilang siya.

Naka two piece ang babae. Maganda siya, makinis at maganda din ang hubog ng katawan. Kung titignan mo ay para talaga siyang isang modelo.

Nagulat uli ito ng makitang may tatlong lalaki na pumulupot sa babae.

I know that this kind of work is associated with Arts. And seeing what they are doing right now is a form of Art. She's keeping it in her mind. Para di siya mainis.

Haaaaays. Nicolei. Naisip niya sakanyang sarili. Siguro ay sadyang di lang siya sanay na makakita na may mga lalaking humahawak sa iba't ibang parte ng katawan ng isang babae.

"Kuya, pahawak naman nito. Kay Timothy itong lens, dun sa photographer. Pag natapos siya pakiabot. Pakisabi lalabas lang ako"

"Okay po mam."

"Okay 5min. break" Sigaw ni Tim.

Napahinto si Nicolei sakanyang paglalakad.

Nakita ito ng kanyang nobyo.

"Hey love. San ka pupunta?"

Napatingin siya dito at ngumiti.

Agad naman siyang nilapitan ng nobyo at hinalikan sa pisngi.

"Ayun na pala yun lens mo. Inabot ko sa isang assitant mo. Cr lang sana ko."

Nahihiyang sagot ni Nicolei.

"Ah, e dito sa kabilang side yung cr. Gusto mo ba samahan kita?"

"No need. Kaya ko na. Sige punta lang akong cr" nagmamadali nito sabi sa nobyo.

At pumunta na nga siya ng cr. Tumingin siya sa salamin at napapikit siya sa sobrang awkward. Di niya maintindihan ang sarili niya. Dahil para siyang tanga na di maintindihan kung bat nakakaramdam siya ng ganto. Sobrang uneasy niya sa situation na meron sa labas.

Huminga siya ng malalim at muli ay lumabas na ng cr.

Ang kaninang awkward na nararamdaman niya ay napalitan ng inis at bahagyang selos?

Ang babaeng halos kita na ang kaluluwa ay nakadikit ngayon sa kanyang nobyo.

Pinapakita ni Tim sa client ang mga nauna nilang shots at ang babae ay mukhang tuwang tuwa sa kinalabasan ng mga kuha nitong litrato. Bahagya nitong hinahawakan ang braso ni Tim at tumatawa na akala mo'y kinikiliti sa sobrang hagikgik.

Naiinis na si Nicolei sa kanyang nakikita. Ngunit kailangan niyang umarte na parang wala lang, dahil ito ay isang trabaho lamang.

Pero di niya maitatanggi na ang mga tingin ng babae sa kanyang nobyo ay may ibang ibig sabihin. At ang mga galawan nito ay halatang inaakit ang kanyang nobyo.

Nakahawak lang si Tim sakanyang camera at sa wari ni Nic ay tinatanong nito ang kliyente kung okay ba sakanya ang mga kuha. Ang kliyenteng babae naman ay halatang lumalapit ng maigi sa kanyang nobyo at napansin niyang idinidikit nito ang maselang parte ng dibdib sa braso ni Tim habang tinitignan ang litrato at nakangiting tumatango.

Lumayo naman si Tim. Nakahalata siguro ito sa ginagawa ng kliyenteng babae.

Napa-roll eyes na lang si Nicolei. Dahil ayaw naman niya ng gulo. Naisip niya na lang kausapin si Tim pagkatapos ng photoshoot.

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now