Part 19

653 34 6
                                    

A few moments later.

Timothy is now sitting on the bed habang nakapatong naman ang ulo ni Lei sa lap ni Tim habang hinahagod nito ang buhok ng nobya. Nanunuod lamang sila ng Love, Rosie na palabas ngayon sa TV.

"Love, what food do you want? Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Tim sa nobya.

"Hmmmmm. Medyo. I want.. umm, ano ba? Parang gusto ko ng tapsilog, Love" sagot nito sa nobyo.

"Okay, tara."

"Ehh, maliligo muna ako. Wait.. teka.. yung gamit ko pala nasa room pa nila Mikayla. Kunin ko muna.."

Bumangon si Lei mula sa pagkakahiga

"No, just stay here. Ako na ang kukuha. Anong room number?"

"Sama ako love. Hindi na ako nakapagpaalam sakanila last night. Hindi ko na kasi alam kung saan na sila"

"No need." Sagot ni Tim na may bakas ng inis.

Napansin ito ni Lei.. "Why, Love. Is there something wrong? Teka, nasan pala sila kagabi, sila ba ang nagpapunta sayo para sunduin ako? Naku, nakakahiya."nagtatakang tanong ni Lei.

"No they didn't. Pinuntahan kita kasi bigla kang tumawag pero walang nagsasalita and I heard over the line na may boses ng lalaki, I got worried. You seemed, I don't know... I just felt that you needed me. And you're friends.. Don't get offended love, but I am disappointed with them."

"Huh? Why? Ano ba ang.. Bakit? Nasan ba sila? I mean.." Hindi makapagsalita ng ayos si Lei, hindi niya maitanong o mabuo ang sentence niya tungkol sa mga kaibigan niya dahil di din niya alam kung ano ba itatanong niya. Pero nagtataka siya sa mga binitawang salita ng nobyo.

"They're nowhere to be found last night. They're not even aware of what  happened to you prior ng pagdating ko. I mean, I know you're all adults but the fact that they are all together without you. I mean, I don't know.. Maybe I was just overreacting but when I walked acrossed them while carrying you unconciously dun pa lang nila na-realize na it was you. And medyo nag create na din ng commotion. And I'm just... just.. disappointed."

Natahimik lamang si Lei. Di niya alam ang sasabihin. Yumuko lamang ito at sinabing.. "I'm sorry, it was my fault in the first place."

"Shhh. Tama na ang sorry love okay? Basta ako na ang kukuha at mag- stay ka lang muna dito. Wait for me."

Tumango lang naman si Lei at sinabing room 241 ang room ng mga kaibigan niya.

----------

Nakabalik na si Tim sa room nila at agad hinanap ang nobya. Ngunit wala ito sa bed or sa veranda.

"Love?" Pag tawag nito.

"Nasa bathroom, Love. Naligo lang pero. Patapos na." Sagot ni Lei

Maya maya pa ay lumabas na ito ng nakatapis ang twalya.

Napatingin ang nobyo sakanya na ngayon ay nanunuod ng TV. Di maiwasang humanga ni Tim sakanyang nobya. Ang makinis nitong balat, ang itim nitong buhok, maamong mukha, ang mga mata nitong laging parang  nakangiti at ang kanyang mapupulang labi.

Bigla naman siyang natigil sakanyang pagtitig ng magsalita ang nobya.

"Love makisuyo nung bag ko kuha lang ako damit and extra towel for my hair." Nasa tapat lang ito ng CR hindi siya umalis dahil tulo ng tulo ang buhok niya.

Agad namang tumayo si Tim at kinuha ang bag ng nobya na ipinatong niya sa lamesa. Binuksan nito ang bag at agad kinuha ang towel nito at ipinatong sa ulo ng nobya.

"Here" inalalayan niya ito umupo sa sofa at pinunasan niya ang buhok ng nobya.

"Sige na, ako na love, magbihis na ko."
Tumingin lang ito sa nobya ng may pang asar na ngiti.

"What? Anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ng nobya.

Umiling lang ito at nanatiling nakatingin sa nobya habang nakangiti.

Namula si Lei, bigla naman nagets nito  ang ngiti ng nobyo at bahagya niyang tinapik ang pisngi nito. Alam naman niyang nakita na ng kanyang nobyo ang lahat ng parte ng katawan niya kagabi.

"HOY! Timothy Reyes. Yang mga ngiti mong yan ha."

Tumawa ng malakas si Tim.

"Haha. What? Wala naman ako ginawa ah. Ahahah. Sige, Labas lang ako dito sa veranda. Close mo lang tong sliding door and curtain. Hahaha"

"Wusus. Wala wala. Alam ko na yang tingin mo"

Tumatawa parin ito habang palabas ng veranda.

Nang matapos magbihis si Lei ay agad ito sumunod sa veranda kung saan kasalukuyang naglalaro sa cellphone ang nobyo. Niyakap niya ito mula sa likod. At dinungaw niya sa kanang bahagi ang mukha ng nobyo.

Bahagya itong nakatingala dahil sa tangkad ng boyfriend nito.

"Happy 6th months, Love." Nakangiti nitong bungad sa nobyo.

Agad naman itinigil ni Tim ang kanyang paglalaro at nilagay sa bulsa ang cellphone tsaka hinarap ang nobya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng nobya habang nakangiti at nakahawak naman si Lei sa bewang ng nobyo.

"Ang advance love ah, bukas pa. Pero Happy 6 months of love." Hinalikan niya ito ng mabilis sa noo.

Nakangiti lamang sila sa isa't isa. Na wari mo'y may sarili sila mundo.

Yumuko ng bahagya si Tim saka pumikit at hinalikan ang nobya sa labi. Agad din naman nitong tinugunan ni Lei. Malalim ang kanilang bawat halik. Sa mga oras na iyon ay kakaibang saya ang tanging nararamdaman nila.

Huminto si Tim at bahagyang inilayo ang kanya labi upang sabihin na.. "I love you.." ngumiti silang dalawa. Hinalikan ulit nito ng mabilis ang  pisngi ng nobya at sinabing.."I love your smile.. Akin lang yang mga ngiting yan.. pati 'to" sabay halik uli sa labi ng nobya.

Tumango naman si Lei. Habang nakangiti at Wala siyang masabi dahil sa kilig na nararamdaman niya. Malambing naman ang nobyo ngunit mas malambing ito ngayon sakanya. At talagang di na nila maalis ang mga ngiti sakanilang mga labi.

------------

Hi Guys! I know its tuesday today but I have an update. Hehehehe. Unusual sa aking weekend scheduled updates dahil nakapahinga ako buong linggo. Ang sayaaaaa. 😊😊 Ayan puro kaharutan tuloy yung dalawa dahil babad na naman ako sa mga videos ng DonKiss. At napanaginipan ko sila. 😜

Anyways, kung may tanong or mej may magulo ask me haaa? Hindi ko na kasi magawang mag proof read pag nagtuloy tuloy yung pagtatype ko.  Hehe

And thank you thank you so much for your kind comments and syempre your support for reading this story. It really means a lot. Alam niyo bang kayo ang pahinga ko? 😊💖

Take care!😘

Adios~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now