Part 1

3.9K 68 6
                                    

Hi! Feel free to read my other published story; Raspberry and ASH&SAGE. Thank you. 💖

------

Nicolei

Eto ang unang pagkakataon na makikita ko siya matapos ang gabing yun. Mixed emotions. Kinakabahan, natatakot, naeexcite, nahihiya at the same time proud. Proud kasi alam ko namang okay na ko. Oo, okay na ako. Naka-move on na pero..

"Good to see you again, Nic" bati sakin sabay beso ng Valedictorian namin nung high school, si Katrina.

Kakarating ko lang sa venue ng reunion namin. Sa rooftop ng isang kilalang hotel dito sa Makati. Yes, today is our reunion. Intimate lang ang reunion nato kasi ang invited lang is yung section namin hindi ang buong batch.

"Oh my gosh! I've missed you so much, Kat!" At niyakap ko naman siya ng mahigpit. Na-miss ko 'tong babaeng 'to.

"Nandun na sila Ry, halos kakarating lang din."

"Talaga? Sobrang dami na ba nila sa loob? Late na ba ko?" Magiliw kong tanong sakanya. Hahaha

"Madami na sila pero sakto lang ang dating mo, don't worry sobrang excited lang siguro sila makita ang isa't isa kaya maaga ang mga baliw. Hahahaa. O siya maiwan muna kita, dumiretso ka na sa loob at may ibibilin lang ako sa organizers.." pagpapaalam ni Katrina.

"Yeah sure" at bineso ko uli siya at bahagyang pinisil ang kamay niya at ngumiti.

At tuluyan na nga kong dumiretso sa loob at hinanap kung saan banda pumwesto sila Ry at ang iba..

Luminga linga ako.. And there, nakita ko si Ry kasama ang iba pa namin kaklase sila Macy, Koleen, Andrew, Priscilla, Rob at si Timothy..

Namataan ko din sila Kevin, Jared, Mackenzie sa may pool table na naglalaro.

Una kong nadaanan sila Kevin at binati sila isa isa.

"WOAH! TOTOO BA TONG NAKIKITA KO? ANN NICOLEI SANDOVAL IS IN THE HOUSE!!!!" napatawa ako sa welcome spiel ni Kevin tsaka lumapit at tinanggap ang nakaabang niyang mga braso para yumakap.

"Aba! Nic ang lagay ba e si Kevin lang ang namiss mo?" Natatawang tanong ni Mackenzie.

Napatawa ako at lumapit din kay Mckenzie para bumati at yumakap saglit.

At napalingon ako kay Jared na nakangiti lang sa likod ni Mackenzie na para bang nagaabang din.

"Tampo agad Mac? Eto na Mac oh?" Natatawa kong sabi. At tsaka bumitaw sa yakap.

"Iba pala pag sa personal ko na nakita. Grabe napaka hot mo ngayon Nic. Yung mga IG stories mo ng after workout hindi makatarungan compare sa personal mo makita" bwisit. Nahiya tuloy ako bigla.

"Whatever, Mac hahaha" tumatawa kong sabi sakanya..

"Sobra siya oh, ganyan ka na ba talaga ngayon? Di na ma-reach?" Sabat naman ni Kevin

"Hahaha. Ikaw Kevin tumigil ka din diyan. If I know, patay na patay ka pa rin kay Georgina.." banat ko kay Kev.

"Opx" sagot naman ni Mac

"Opx. Nacorner ba kita? Hahahaha" pangaasar ko sakanya.

"Wala ka parin kupas.. Hinding hindi ako mananalo sayo.." sagot ni Kevin habang tumatawa.

Lumapit ako kay Jared. Jared is one of my closest friends. I guess? Dahil sa loob ng sampung taon na dumaan, sakanya lang ako hindi nawalan ng communication at all. Though alam ko naman personal numbers nilang lahat except sa isa. But Jared is different, he still beeps me from time to time but we don't see each other that much. As far as I can remember, the last time we've met mga 2 years ago pa. Nagkataon na sa isang area kami so we decided to meet. Wala catching up, kape, tsaa the usual.

REUNION (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora