Part 25

574 37 8
                                    

It's already 2am at hindi parin makatulog si Nicolei. She keeps on thinking ano ba ang dapat gawin, kahit pa inexplain na ng nobyo na wag na lang pansinin ang mga sinabi nito, she just can't deny the fact na nahihirapan na ito physically and maybe emotionally.

Ngayon ay mahimbing na natutulog si Tim habang nakayakap sakanya at naka patong ang ulo sakanyang kaliwang braso. Payapang payapa ang mukha nito na nasisinagan ng bahagyang liwanag na nagmumula sa bintana. Ang mga mata nitong may mahabang pilik mata, ang kanyang ilong na may perpektong hugis at ang kanyang mga labi.. Bahagya siyang napangiti ng mapagmasdan niya ang labi ng kanyang nobyo.

Gulong gulo ang kanyang isipan. Masaya siya sa piling ng nobyo ngunit nagaalala siya na baka dumating ang panahon na mapagod din ito.. ang mapagod sa sitwasyon nila at mapagod sakanya.

Tumulo ang kanyang luha na agad din naman niyang pinunasan.

-----------

Natapos ang magdamag ng hindi man lang nakatulog si Lei.

Naramdaman na niyang gumalaw ang nobyo na nasakanyang tabi.

"Good morning love!" Bulong nito sakanyang tenga habang yakap siya.

Humarap siya rito at binati rin ito.

"Good morning.." at bahagyang ngumiti.

"What's wrong love? Hindi ba maganda ang tulog mo?" Tanong nito sakanya.

Hindi ito sumagot at sinabing "Love, saan mo gusto pumunta ngayon? Labas tayo?"

"Gusto mo amusement park tayo? Para ma enjoy ni Omi" nakangiting suggestion nito sa nobya.

"Okay lang sakin amusement park, pero love di muna natin isama si Omi. Tayong dalawa muna today.."

"Really? Hmmmmm..." Sagot ni Tim na mukha namang naexcite at nag isip kung saan magandang pumunta.

"Mag relax tayo?" Suggestion ko.

"Good idea love. I know a place, meron silang massage and also I think organic yung offer nilang food.. magugustuhan mo dun. Napuntahan na siya ng officemate ko and mukhang maganda talaga" Nakangiting sabi ni Tim.

"How about you? Gusto mo ba dun?"

"Yeah. Mukhang maganda naman din talaga.. ang alam ko dito lang din sa Batangas ang lugar na yun.. Spa and wellness.. Nalimutan ko lang yung mismong pangalan, teka itatanong ko kay Rob.."

------------

Maya maya pa ay bumaba na sila upang mag almusal.

"Hello little angel! Sorry if I didn't make it to your birthday yesterday, but guess what? I have a gift for you" magiliw na bati ni Tim kay Omi habang nakaupo sila sa sofa

Nakatingin at tumatawa lang si Naomi habang kinakausap ni Tim ito. Nang hawakan ni Naomi ang regalo ay inalog alog niya ito.

Nakangiti naman si Lei na pinagmamasdan ang dalawa.

"Do you want me to open it for you?" Tanong ni Tim sa bata

Tumawa lang naman uli si Naomi sa pagsasalita ni Tim at binigkas ang salitang "Ta..ta..tata.."

"You're welcome! Here.." Iniabot niya ito sa kay Naomi na nakaupo Its a box that has different shapes and comes with different colors.

Hindi maitatangging malapit na ang dalawa sa isa't isa. Halatang napamahal narin si Naomi sakanyang nobyo.

--------

Ngayon ay nasa Raw Spa and Wellness na sila at papunta na sila sa massage room..

"Love, kanina ko pa napapansin medyo tahimik ka? May problema ba? May masakit sayo?" Nagaalalang tanong ni Tim

"Hindi love, pagod lang siguro tsaka medyo antok.." matamlay na sagot ni Lei

Niyakap ni Tim ito patagilid at hinalikan sa noo.

It was a 1hr and 30 mins. Full body massage matapos nun ay nagbabad sila sa jacuzzi at nagkwentuhan ng about sa negosyo at pati narin sa sitwasyon ng ama ni Lei.

Ngayon ay kasalukuyan na silang kumakain.

"Love.. try this.. its really good.. Chicken salad with mangoes"

"Love, okay na ko sa pasta and beef kebab ko." Nakangiti nitong sabi kay Lei.

Hindi talaga gaanong mahilig si Tim sa may mga gulay na pagkain.

Nang makabalik na sila sa room nila ay bigla uling natahimik si Lei.. Hindi na paipagsawalang bahala ni Tim ang kinikilos ng nobya. Alam niyang mayroong bumabagabag dito kaya ganito ito.

"Hey, tell me what is it?" Sabay silang naupo sa kama.

"Can we take a rest for a while?" Salita ni Lei habang nakatingin sakanyang mga kamay.

Napangiti si Tim at sinabing "Love naman eh, nagpapahinga na tayo kaya?"

"No... I mea--"

Hindi na natapos ni Lei ang sasabihin niya dahil sumagot na agad si Tim

"NO" at unti unting nawala ang ngiti ni Tim sakanyang mga labi.

----

Again, thank you for your support and love guys! It really really means a lot to me❤💖❤

Always be kind. Always be proud. 😊

Adios~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now