Part 20

740 44 15
                                    

They've decided to have a dinner date at the nearby retaurant to celebrate their monthsary.

At sa kabutihang palad din naman ay nabalik na din kay Lei ang kanyang cellphone. Mabuti na lang at yung Bartender dun sa Bar na napuntahan niya ang nakakuha at nag magandang loob na ibalik sakanya.

Nang matapos ang kanila dinner date ay agad na din silang nag ayos ng gamit dahil napag desisyunan na nilang bumalik na ng Manila.

Habang nasa byahe ay tumunog ang cellphone ni Tim, hudyat na meron nagtext dito.

"Love, paki-check kung sino nagtext"

Agad namang kinuha ni Lei ang cellphone. Alam din naman ni Lei ang password ng nobyo kaya nabuksan agad niya ito. Ganun pa man na alam niya ang password ng boyfriend ay hindi niya ugaling pakielaman ito ng walang pasabi.

"Mr. Torralba. Yung boss mo. Basahin ko na ba?"

Tumango naman ang nobyo

"Good evening, Tim. I just want to inform you that we'll be collaborating with the Allegiant Company. Please be at my office tomorrow 8 in the morning. We will discuss to you the details."

"Tinanggap talaga nila? Sinabi ko ng hindi pa kaya ng company yung demand nung International project na yun kahit pa sabihing makikipag collaborate kami with other company. It's too risky. Limited time, makukulangan rin sa manpower. Balak ata nilang gawing robot ang mga empleyado."

Hinawakan nito ang kamay ng nobyo.

"Wag mo muna i-stress sarili mo, Love. Hintayin mo muna makausap bukas yung boss mo."

Tumango lamang ito at binalik na ang atensyon sa kalsada.

---------

Dumating sila sa condo ni Tim ng mga 3am. Dun na din nagpaumaga si Lei. Nakatulog naman na sila ng may mga ilang oras din.

Wala pang pasok hanggang bukas si Lei dahil monthsary nila nag file muna siya ng leave to celebrate. Nagli-leave siya everytime na hindi napapatapat sa restday niya ang monthsary nila.

Ngayon ay nagluluto si Tim ng Pancakes eggs and bacon.

Lumabas na din ng kwarto si Lei.

"Hey love, ako na diyan. Maligo ka na."

Lumapit ito sa nobyo at akmang kukunin ang hawak nitong sandok. Ngunit inilayo ni Tim ang kamay.

"Good morning love. Maupo ka na muna ako na po dito. Maaga pa naman po."

Akmang uupo na si Lei ngunit tinawag ito ng nobyo.

"Ooops, wait may nakalimutan ka.."

"Ha?" Nagtataka namang tanong ni Lei.

Ngumuso naman si Tim at kitang kita ang makapal nitong labi.

"Haha bahala ka dyan. Mag aayos lang ako ng kakainan" hindi nito pinansin ang ginawa ng nobyo at saka tumalikod habang natatawa tawa.

"Hays wala akong good morning kiss."
Nagkunwari naman itong nakasimangot.

Pinatay na niya ang stove dahil tapos na din siya magluto. At umayos na siya ng upo sa hapag kainan.

Sumulyap naman sakanya si Lei na ngayon ay kumukuha na ng water and fresh milk sa ref. Napangiti ito, nang makita ang mukha ng nobyo na parang batang nagmamaktol. Ngunit pinanindigan niyang hindi ito halikan upang asarin

Nang maupo siya ay hindi siya pinapansin ng nobyo.

"Hey love.." bati niya rito

No response...

REUNION (Complete)On viuen les histories. Descobreix ara