Part 7

836 41 1
                                    

Nicolei

Nagising ako ng mga bandang alas nuebe, nakatulog na pala ako sa lap ni Tim.

Kasalukuyan siyang tulog habang nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa ulo ko at nakahawak naman ang kanang kamay niya sa isa kong kamay. Halos di nagbago ang posisyon naming dalawa. Medyo nangalay yung leeg ko.

Dahan dahan ako tumayo, di naman siya nagising. Kumuha ako ng ballpen at papel.

Muli ay bumalik ako sa tabi niya. Nagsimula akong magsulat habang nakatitig sa kanyang mukha.

Nandito ka ngayon sa piling ko
Di ako makapaniwala
Di maipalawanag ang nadarama

May ibang galak na naipipinta sa aking diwa
Nuon ang pighating dulot mo ay pinalitan na ngayon ng naguumapaw na saya

Tama ba?
Totoo nga ba?
Ang sinabi mong ako'y mahal mo nga?

Ang dating luha at pangungulila
Ngayon ay ngiti at sigla ang pinadarama.

Mahal mo daw ako?
Mahal mo nga ako.
Mahal din kita nuon pa, sana alam mo

Marami man dumating at nagbago
Isa lang ang ako ay sigurado
Ang pagmamahal na meron ako para sayo
Ay kailanma'y hindi magbabago,
Mahal ko.

June 15 2019

Maya maya pa ay nagmulat siya ng mata.
Matamis na ngiti ang ibinungad ko sakanya.

Agad naman niyang hinawakan ang mukha ko

"Baby, how are you feeling?"

"Feeling better, ang galing ng tagapag alaga ko eh" masaya kong sagot sakanya

"Sus. Love, nambola pa. Teka, nagugutom ka ba? Kain ka muna kailangan mo na uli uminom ng gamot para magtuloy tuloy ang pag galing mo"

Niyakap ko siya bigla.

"Thank you, I really don't know how to express how grateful I am dahil sayo." Naiiyak na akong nagsasalita habang nakayakap parin sakanya. Niyakap niya din ako habang hinihimas likod ko "Siguro sobrang nakulitan na sakin si God nuon kasi gabi gabi ako umiiyak at nagsusumbong sakanya dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pinagdasal kita ng paulit ulit pero sabi ko (bakit hindi na lang po ba kami ang para sa isa't isa? Masama po ba kong babae nung past life ko kaya ayaw niyong ibigay si Tim sakin?) Pero ngayon, eto ka. Pinagbigyan ako ni God, binigay ka na niya sakin finally, eto ka ngayon sa harap ko kayakap ko at mahal ako. 7 months na simula nung magkita ulit tayong dalawa, 7 months na simula nung umamin ka, 7 months na simula nung sinabi mong maghihintay ka."

Tumigil ako sa pagsasalita at humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya. Ngunit patuloy parin ang pagbasak ng aking mga luha

Iniabot ko sakanya ang papel na naglalaman ng tulang sinulat ko kanina.

Binasa niya ito at pagkatapos ay tumingin siya sakin medyo nanlaki mata niya kahit na may mga luha pa ito.

"Okay lang ba sayo na June 15 ang date ng magiging Anniversaries natin?" Tanong ko sakanya.

Niyakayap niya ako ng mabilis at kumawala din agad at biglang hinalikan ng madiin ang noo ko.

"Love, sinasagot mo na ba ko?"

"Kailangan ko pa bang sumagot ng oo? Hahahaha Hindi ko nga alam kung pano ko sasabihin eh kaya sinulat ko na lang"

"Love..." niyakap niya uli ako.

"Hmmm?"

"Sobra mo kong pinasaya"

"Talaga, Love?" Sabi ko sakanya.

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now