Chapter 48: A Day of Mourning

329 7 0
                                    




Isang araw ito nang pagluluksa sa mga estudyante ng Academia. Madaming mga estudyante na parang natatakot na kumilos sa labas ng mga bahay at school nila.

Wala namang nagawa ang mga tropang pochi kundi maiyak nalang at matulala sa klase.

Patingin tingin sila sa upuan ni Vi at Brent na ngayo'y bakante na lamang.

Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong insidente sa isang bakanteng warehouse kung saan kinawawa ang mga inosenteng si Vi at Brent dahil sa poot ang galit ng isang taksil na guwardiya.

"I can't believe that they're not around anymore." Sabi ni Hillary na parang naluluha pa. Nilapit naman siya ni Zion at inakbayan.

"This is crazy! Everything is!" Sigaw ni Joshua na namamaga ang mga mata. Simula noong nalaman nila na ang balitang nakidnap si Vi ay hindi na makatulog si Joshua at iyak lamang ito ng iyak. Sobrang sakit ang naramdaman niya sapagkat bestfriend lamang niya ang napapahamak.

"Sana panaginip lang eh noh." Sabi naman ni Angel na tulala ngayon habang nakatingin sa libro niya na hindi manlang niya mabasa.

"Dapat binilisan ko nalang kasi pagmamaneho ko eh. Hindi ko naman alam na..." Biglang sinuntok ni James ang pader.

"Pare, hindi mo kasalanan." Sabi ni Marty at pinapakalma si James.

Tapos na ang klase nila kaya napagdesisyunan nilang tumambay nalang sa classroom muna. Naglabasan na din ang mga kaklase nila kaya sila nalang ang tao.

"If it wasn't for that stupid game!" Sigaw ni Hillary at sinipa ang upuang katabi niya.

"It's not the game's fault!" Sigaw naman ni Alex at napatayo na din kaya tumayo din si Hillary.

"Stop it! Tingin niyo ba matutuwa si Vi at Brent na makitang nagaaway ang mga kaibigan nila at nagsisisihan pa!" Sigaw ni Kevin sakanila at tinulak naman si Hillary at Alex na nagkakasalubong na.

"It's nobody's fault. Calm down. Wala na tapos na may magagawa pa ba tayo! Mayroon ba! May madudulot pa ba iyang pagaaway niyo! Wala na diba tapos na diba! Kaya manahimik na kayo!" Sigaw ni Joshua at padabog na tumayo. Nagwalk out ito sa classroom kaya tumayo bigla si Angel at hinabol si Joshua.

"Josh! Josh!" Sigaw nito at agarang hinatak si Joshua nang maabutan niya.

"Huwag naman kayo magaway away. Isa lang magagawa natin." Sabi ni Angel at kumalma naman kaagad si Joshua.

"Ang bisitahin sila. Iyon nalang." Sulpot naman ni Kevin bigla. Napahinga nalang ng malalim si Joshua. Nilapitan naman siya ng mga kaibigan niya.

"Sorry." Sabi ni Hillary.

"Sorry din." Sabi naman ni Alex at nagyakapan silang lahat.

"Tara bisitahin nalang natin. Wala naman tayong magagawa na eh." Sabi ni Joshua na may halong pait sa boses niya.

"Mayroon, Joshua. Ipakita na matatag tayo at nakangiti pa din." Sabi ni Angel at tumango sa kanya si Joshua. Naglakad na sila papunta sa kanya-kanyang mga sasakyan.

Nang makarating sila ng ospital ay hinanap agad nila kung saan ang kwarto ni Brent.

Pinihit nila ang pintuan at nakitang nakahiga sa hospital bed si Brent. Nakapikit ito at parang walang buhay na ang katawan nito. Nakita namin si Vi na natutulog sa upuan sa tabi ng kama habang hawak hawak ang kamay ni Brent.

"Vi." Bati ni Joshua sakanya nang magising ito dahil sa tunog ng pintuan. Napatayo siya sa gulat at hinawakan niya ang dibdib niya. Simula noong insidente ay mas lalong naging alerto si Vi sa bawat kilos sa paligid niya. Araw araw din siyang nakabantay kay Brent na in comatose state pa.

Diaries Of Miss PerfectWo Geschichten leben. Entdecke jetzt