Chapter 31: Awarding Ceremonies

370 13 2
                                    



"Manalo, matalo. Okay lang at least tayo na, officially." Bulong ni Brent kaya kinurot ko naman siya. Halatang pinaghandaan ng lahat ang mga evening gown nila. Mapapansin din naman ang formal wear ni Zion kasi siya lang ang naka-puting suit na may mahabang manggas na lumalagpas sa mga kamay niya. Ang partner niya ang nakawhite tube na ball gown.

Ako naman ay naka midnight blue na mermaid style gown kung saan fit ang pangtaas at palawak ang laylayin nito kung saan may mga fur pa. Para akong bituin na naglalakad sa ulap ng gabi sa aking gown dahil may mga makikinang na sequins pa ito. Si Brent din naman ay naka-midnight blue na suit at silver na long sleeves na panloob. May silver chains na nakakabit sa kanyang butones. Nakabrush up ang buhok nito na sobrang linis tingnan.

"Manalo, matalo. Okay lang nanalo naman ako tonight dahil sinagot mo ko." Bulong niya kaya kinurot ko naman siya ng mahina.

"Sana manalo pa din tayo para sa section natin." Bulong ko sa kanya. Sobrang todo ang suporta ng Class D ngayon taliwas sa usual na halos walang pakealam ang section na ito sa foundation week.

"So the contestants will now wear headsets para hindi marinig ang sagot ng mga mauunang contestants." Wika ng host at biglang may nagsuot sa amin ng mga headsets. May tugtog ito na sobrang lakas at hindi mo talaga maririnig ang nasa paligid ng auditorium.

Nauna ang Class A. Pinasali nila ang kaklase namin na modelo sa ibang bansa. Morena beauty ito at nakasuot siya ng red na slim fit gown na pinapakita ang kurba nito. Ang partner niya rin ay naka-red na suit pero imbis na coat ay naka-vest lamang ito. Nang matapos siya ay sumunod ang Class B. Ang gown niya ay maiksi sa harap at may mahabang train sa likod na kulay black. Nakablack din ang partner nito. Sumulyap sa akin ang babaeng contestant at ngumisi pa.

There's something strange about this girl.

Sumunod ang Class C na naka-black din na mermaid style gown na pa-off shoulder. Ang partner niya ang naka-black din at mahaba ang likuran ng coat nito. Sa totoo lang lahat ay magaganda ang itsura ng mga gown na halatang pinagawa pa. Pati ang mga lalaki ay magaganda at kakaiba ang mga suit nila.

May nagtanggal nang headset namin ni Brent at narinig namin ang maiingay na sigawan ng mga tao.

"Next up, Class D." Sabi ng host at naglakad naman kami papunta sa center ng stage sa harapan.

"Goodevening, Steve and judges." Bati ko at ngumiti din.

"Goodevening! So the question is..." Wika nito at binuksan ang hawak na envelope.

"What was the greatest gift you have received from your father?" Pagtatapos nito. Bahagyang nangatog ang labi ko at onti onting humuhupa ang ngiti nito. Hinawakan naman ni Brent ng mahigpit ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

Kinuha niya ang mic para maunang sumagot. Greatest gift? Ni wala nga akong natanggap na regalo sa tatay ko na kakaiba bukod sa mga laruan noong bata pa ako.

"For me, it is my sisters." Sagot ni Brent at natawa naman ang audience pati ang host. Napatingin ako sa gawi ng mga judge at nakita ang principal namin na seryosong nakatingin sa amin. o sa akin?

"The sisters I have now showed me the greatest example of how women should be treated. They are the ones who were with me throughout difficult times and also the good times. I wouldn't exchange anything and anyone for my sisters. They showed me what love really is. They showed me what a family was and I would always thank my father for having them." Pagtatapos ni Brent. Gift? Isa lang naiisip ko na nabigay ng tatay ko. Nagpalakpakan ang mga audience at nagcheer pa ang section namin lalo.

"Aww very heart warming. How about you, Ms Montenegre?" Tanong ng judge at inabot ang mic sa akin. Nangangatog ang kamay ko nang abutin ko ang mic. Nagpalakpakan ang mga nasa paligid at makikita ang flash ng mga camera.

Diaries Of Miss PerfectWhere stories live. Discover now