Chapter 6: Under Investigation

607 11 0
                                    

I stayed the whole night sa mansion na kinatuwa naman ni Lolo. We had tea after dinner and then nanuod kami ng movie sa mini-theatre ng mansion.

"Kamusta ka na, Vi?"

"Vi, what happened?"

"Ano kamusta imbestigasyon?"

Hillary and Angel bombarded me with questions nonstop as soon as I arrived at school.

"Hay. You guys stop. I'm still alive." Sabi ko na natatawa pero nanatili silang seryoso. Tumingin si Hillary kay Angel at tumango ito sakanya. Ano mayroon sa dalawang ito?

"Vi, we're conducting our own investigation. Alam mo naman okay din ang detectives sa company namin." Mariin na sabi ni Angel. Habang inaayos ang salamin niya.

"Bakit, guys? Tell me nga sobrang obvious ba na hindi accident?" Nagtataka pa din ako kasi baka naman may nakalaglag lang ng glass or something from upstairs. Nasa walkway kasi ako at doon matatanaw mula sa mga rooms.

"No, Vi. Malabo. Isipin mo glass siya as in glass na pang-window sa buildings etc. The big ones. Wala namang construction dito sa building natin sa ngayon. Plus, what's more fishy is that...." Hillary trailed off na tila hindi makapaniwala.

"The cctvs were all not working in each hallway." Tinuloy ni Angel. "Vi, sobrang sketchy ng lahat na parang how did the glass got inside Academia sino gumawa eh sa laki ng glass hindi lang isang tao ang makakabuhat nun."

"Plus, the guards didn't notice anything suspicious." Dugtong naman ni Hillary.

Aaminin ko na oo ang fishy nga ng lahat. Sobrang sketchy na pano magiging ganon kalinis ang bagay na napakalaki.

"Beau!!!" Salubong sakin ni Joshua sabay yakap sakin.

"Buti okay ka na. Dumadalaw ako sa house clinic niyo simula nung accident. I can't believe someone would do this. Sa totoo lang, ang bait mo naman sa lahat except for those na aawayin ka." Tuloy tuloy niyang sabi.

"Joshua you're losing your cool." Sabi ko lang kaya agad naman siyang kumalma.

"I'm just happy you're okay. Anyway punta tayo mamaya sa chief inspector. Tingnan natin ang mga gamit na pwede makapaglead sa crime scene baka may familiar sayo." Sabi ni Joshua at tumango naman ako. Good idea. Some of my insights might shed light to the issue.

"Sama kami!" Sabi bigla ni Hillary at tumungo tungo agad si Angel.

"Call!" Sigaw ni Joshua. Bago kumaway at bumalik sa upuan niya ng magring ang bell.

Pumasok naman bigla si Alexander at Marty ng magring ang bell. Tiningnan lang nila ako bago umupo sa upuan nila. Ever since magising ako from my unconscious state hindi ko na natanong kung kamusta ba iyong sumalba sakin noong araw na yon.

"Nasa hospital si Brent. If you're wondering." Napalingon ako kay Hillary na bumulong. I never got to say thank you or at least know kung anong nangyari sakanya.

"St. Galle. If you're wondering lang naman." Dugtong pa ni Hillary at nagpout nalang ako bago binuhos ang atensyon sa teacher namin na papasok. Part of me still doesn't like that guy pero part of me ay kinakain ng kunsensya o di malaman na pakiramdam.

Normal lang daloy ng classes nothing new. Pero nung lunch naman ay...

"Vi, kasama talaga natin sila?" Bulong sakin ni Angel at tumango nalang ako. Pano ba naman may 4 na guard na nakapalibot sa table namin.

"Utos ng Lord nila so hindi ako susundin ng mga yan. Once the Lord has commanded, everyone follows." Sabi ko habang kinakain ang pasta na nasa pinggan. As you can see, i like pasta so much and pizza. Nagusap lang kami about sa mga namiss kong subjects and chismis. Syempre yung subjects si Angel nagtuturo meanwhile si Hillary nagaambag ng kwento sa mga chismis.

Diaries Of Miss PerfectDove le storie prendono vita. Scoprilo ora