Chapter 40: College Entrance Exams

382 11 0
                                    



"Beau, ready ka na ba sa exams mamaya?" Tanong sa akin ni Brent at tumango naman ako sakanya bilang sagot kahit kinakabahan pa din ako.

Isang buwan na makalipas simula noong nagregister kami Brent para sa college entrance exams ni Brent. Naging abala kami sa trainings namin dahil next week na gaganapin ang inter-school competitions.

"Uy!!! Mga Castro! Saang building exam niyo?" Salubong sa amin ni Joshua. Lagi na din kaming tinatawag nila Joshua na Mr. and Mrs. Castro.

"College of Arts building ako." Sabi ko habang tinitingnan ang registration form ko.

"Sa College of Business building naman ako." Sagot naman ni Brent. Hiwa-hiwalay kasi ang college entrance exams. Siguro para na din makaiwas sa cheating.

"Sa Law building ako." Sabi naman ni Joshua na nakapout. Sige una na ako sa Law building. Sabi nito at kumaway na siya bago tuluyang umalis.

"Sasamahan lang kita papunta sa building niyo tapos pupunta na ako sa building ko ha." Sabi niya pero umiling ako.

"Dumeretso ka na sa building niyo malayo pa iyon sa CAS Building. Kaya ko na to." Sabi ko sa kanya pero nanahimik naman ito.

"Sige na go na!!" Sabi ko sakanya at tinulak na siya.

"Sure ka ah?" Tanong nito at tumango naman ako.

"Oo nga. Bye!!! See you later!!!" Sabi ko sa kanya at kinawayan na siya bago tuluyang umalis.

Naglakad na ako papunta sa CAS Building at makikita kong nagkalat ang mga entrance exam takers sa paligid.

Ang iba ay may hawak pa na envelope. May mga may hawak naman ng reviewers na mukhang nagccram pa. Pagdating ko ng CAS Building ay ginala ko ang mga mata ko para makita kung may pamilyar ba na mukha pero wala akong matanaw.

Tiningnan ko sa form ko kung saang room ako naka-assign. CAS 101. Hinanap ko ang pila na may nakalagay na CAS 101 na signboard at nang makita ko na ang pila nito ay naglakad na ako patungo roon.

May mga ilang pamilyar na mukha na alam kong sa AVU din nagaaral.

"Vi!" Sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan at hinanap ko agad kung saan galing ang boses na ito. Nakita ko naman si Marty na papalapit sa akin.

"Uy!" Bati ko sa kanya.

"CAS 101 din building mo?" Tanong nito at agad akong tumango.

"Ikaw din?" Tanong ko naman sakanya at ngumiti pa ito ng malawak.

"Oo. Nice! Buti nalang may kakilala ako kundi parang lalapain na ako sa dami ng tao." Sabi niya at natawa naman ako. Si Marty talaga parang bata na sobrang friendly at bait na minsan kailangan ng aruga.

"Para ka talagang bata." Pangaasar ko sakanya at natawa naman kami. May lalaki naman na tumapik sa braso niya.

"Valle! CAS building ka din?" Tanong nito.

"Oo pre sa 101." Sabi naman ni Marty na nakangiti pa.

"Ay sayang sa 204 ako eh." Sabi naman ng lalaki bago mapatingin sa akin. Medyo may bakas ng takot sa mga mata niya nang makita ako pero ngumiti naman siya.

"Secretary Vi." Bati nito sa akin kaya nginitian ko lang siya. Kumaway naman siya sa amin at umalis na.

"Sino yun?" Tanong ko kay Marty.

"Ah basketball team! Alam mo nagtataka pa din ako kung bakit madaming takot sayo eh bait mo naman." Sabi ni Marty. Napakunot naman ang noo ko. Madami palang takot sa akin? Bakit naman sila matatakot sakin? Napailing lang ako sa sinabi ni Marty at naputol din ang pagiisip ko nang may magsalita sa harapan.

Diaries Of Miss PerfectWhere stories live. Discover now