Chapter 15: The Kiss

447 11 0
                                    




Pagkababa ko ng kotse ay tumakbo na ako paakyat office ni lolo. Grade 4 palang ako sa Academia de Valle University. Hawak hawak ko ang bag ko at binuksan agad ang office ni lolo na nakangiti pa.

Napansin kong may kausap siya na isa ding lolo.

"Good afternoon po! Hello, lolo!" Bati ko sakanila habang nakangiti. Nagbow lang ako ng onti bago lapitan si lolo para magbless sakanya.

"Beau, meet my dear friend. Bastille Castro." Sabi ni lolo kaya tumingin naman ako sa nasa tapat niya.

"Hello po! Ako po si Maria Victoria Beau Montenegre. Pleasure meeting you po." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman ito sakin.

"Napakabait at ganda naman pala ng apo mo, Victor. Perfect for my grandson." Wika niya at napapout lang ako. Anong perfect for his grandson daw?

"Thank you po." Sabi ko nalang sakanya.

"Mauna na ko, Victor. Paalam, iha." Pagpaalam niya kaya kumaway naman ako.

"Bye po." Sabi ko at tuluyan na siyang umalis.

"Childhood friend ko iyon, Beau." Sabi ni lolo.

"Wow so parang kami ni Joshua kasi bestfriends na kami since baby pa ko?" Tanong ko sakanya.

"Yes, iha. Years after kapag nasa tamang edad ka na, ikakasal ka sa apo niya." Sabi ni lolo na kinagulat ko.

"Kasal? Ayaw ko lolo baka pangit apo nun gusto ko kay Brandon. Crush ko yun lolo eh." Bulong ko kay lolo at natawa naman siya.

"Maiintindihan mo din ang lahat pagtanda mo." Sabi ni lolo.

"Ehh...ayaw ko talaga saka tingnan niyo si daddy, lolo. Ipinagkasundo din ang kasal nila ni mommy pero nagkaroon ng ibang babae. Gabi gabi tuloy umiiyak si mommy. Ayaw ko ng ganon. Ayaw ko maging parang si mommy naiyak ng iyak gabi gabi." Sabi ko na tuloy tuloy.

"Minsan hindi ko alam kung elementary ka palang ba talaga, apo. Minsan para ka nang matanda magsalita." Wika niya. "Pero wala it's final, Beau."

Tumakbo naman ako palabas ng office niya at pumunta ng library. Ano ba yan! Nakakainis naman si lolo.

Kinuha ko ang landline at tinawagan agad ang best friend ko.

"Joshua!" Bati ko sa linya.

"Bakit, Beau?" Tanong nito.

"End of the world na, Owa!" Sigaw ko sakanya at naiiyak.

"Anong nangyari sayo?"

"Ipapakasal ako ni lolo sa hindi ko kilala. Ano na gagawin ko? Paano na to? Ayoko maging parang si mommy at daddy." Umiiyak na ako.

"Tahan na, Beau. Baka naman magbago desisyon ni lolo mo next time."

"Ano ba yan, Owa ehhhh. Pano na dream wedding ko kay Brandon." Natawa naman si Joshua sa kabilang linya.

"Beau, hindi naman gwapo yung Brandon and ang panget pa ng bag niya. Baduy." Sabi niya.

"Che! Gwapo kaya siya. Basta ayoko ikasal sa hindi ko kilala. Sige na, owa! Magmamall daw kami ni mommy mamaya eh." Sabi ko at binaba na ang linya.

Pumunta agad ako sa room ni mommy at nakita siyang nakaupo at tulala lang habang nakatingin sa bintana.

"Manang Pacing!" Sigaw ko at may pumasok agad.

"Manang, ayusan mo nga si mommy. Magmamall pa kami eh." Sabi ko bago lapitan si mommy. Niyakap ko siya.

"Mommy huwag mo na isipin si daddy. Bad siyang tao. Sana mawala na siya." Wika ko at napatingin naman sakin si mommy. Niyakap lang din niya ako at naramdamang umiiyak na naman na siya.

Diaries Of Miss PerfectWhere stories live. Discover now