Chapter 2: Hindi Maaari. Hindi Pwede.

1K 14 0
                                    

"Paano mo nalaman background agad nila. Wala ka namang cellphone? Or earpods na suot para sabihan ni Chief Bogo ng information." Tanong sakin ni Angel na takang taka. Napairap lang ako.

"Angel, ano bang bago don. Sa dami kong business meetings na inaattendan dami ko nakikilala." Wika ko habang iniikot tinidor ko sa pasta na nasa plato ko ngayon. Nasa cafeteria A kami ng Academia. Ang cafeteria A ay para sa mga Elite sa university at ang cafeteria B naman ay para sa mga budgetarian na estudyante o sa tinatawag silang Prosaic. Discrimination? Hindi naman. Sadyang mas mura lang benta doon kumpara dito.

"Hi, babe!" Biglang may humalik sa pisngi ko na kinagulat ko naman. Hindi kasi ako mahilig magpahawak sa ibang tao unless family, friends or si...lumingon ako at nanlaki naman mata ko.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Babe, syempre hello dito ako nagaaral." Wika ni Austin.

"College lot ka dapat. Bat nasa high school ka?" Tanong ko sabay irap at kain na ulit ng pagkain ko.

"Baka nakakalimutan mong anak ako ng may-ari nitong university na to." Sabi niya na halatang proud na proud. Inirapan ko lang siya.

"O sya! Kumain ka na diyan." Sabi ko sakanya sabay subo sakanya ng burger na nasa tray niya.

"Babe naman." Inis niyang sabi habang may laman bibig niya.

"Shhh don't talk when your mouth is full." Sabi ko.

"Ehem, maya na kayo maging sweet." Wika ni Hillary na parang nandidiri.

"Uy andyan pala kayo! Hi guys!" Bati bigla ni Austin. This guy. Laging hindi napapansin nasa paligid.

Si Austin Dela Torre. Ang boyfriend ko na may-ari ng buong university na to pati na ang chains nito. Boyfriend my ass!! Pina-investigate ko siya netong summer noong nagbakasyon ako sa Spain at nalaman ko lang naman na he's cheating on me. One week kaya akong nagluksa habang ka-skype si angel at hill. Apparently, Austin's two timing me with Julie na ate ni Jamie. Galing ni tadhana noh.

Bigla nalang binuhusan ni Hillary si Austin ng juice kaya napatigil pagiisip ko ng malalim.

"Austin, alam na naming kabit mo si Ate Julie pero wag mo namang landiin ng patago si Julie sa harap namin at lalo na ni Vi. Pathetic bastard." Sabi ni Hillary na akmang susugurin na si Austin pero biglang may humatak sa kamay niya at kamay ko. Si angel din hinatak ang isang kamay ni Hillary dahil nagpupumiglas pa to.

Hillary, forever eksena queen.

"Hill, hindi mo na sana ginawa yon. Nalaman pa ng elites." Sabi ko kay Hillary na nakacross arms. Naka-indian sit kami ngayon dito sa fields.

"Buti nalang andon ka Josh. Kundi baka napa-prefect of discipline tayo." Wika naman ni Angel habang nagbabasa ng libro. Napatingin naman ako kay Joshua na nakahiga sa damuhan habang may nakatakip na notebook sa mukha.

"Haynako Angel! First day na first day nagrereview ka na diyan." Wika ni Josh na tila nangaasar.

"Ikaw naman, Hill. Nice scene there. Hahahahaha" Dagdag pa ni Josh kaya napatawa na din kami.

"Oo nga, hill. Did you see his face?" Sabi ko habang naiimagine mukha ni Austin na gulat na gulat, inis na inis at ewan halo halong expression.

"He deserved it." Mariin na wika ni Josh kaya napatungo naman kaming tatlo. Isa kasi si Josh sa mga sinabihan ko about the issue.

Biglang may kumalabit sa braso ko kung kaya't napatingala ako.

"Uy, president. Bakit?" Tanong ko at seryoso lang mukha niya.

"Emergency meeting. Excused lahat ng council sa classes." Sabi niya at napangiti naman ako. Syempre nakakatamad kay mag-class lalo na kapag first day.

"Tuwang tuwa si loko." Sabi ni Josh na nagaasar pa.

"Heh! Manigas ka sa klase. Sige na, bye guys!" Nagwave na ako sakanila bago tuluyang umalis at sumama kay President Andrew.

"So our agenda for today is to finalize the schedules for our foundation week." Wika ng IVP namin na si Clara.

"Vi, ikaw nalang magsulat sa board marahil ikaw ang secretary." Wika naman ni Mara ang EVP. Oo mara at clara pangalan ng vice presidents namin at kambal sila. Astig diba? Nakakatawa pa don englishera si Clara meanwhile makatang makata itong si Mara.

Pumunta na ko sa harap ng white board at binuksan na ang marker. Sa totoo lang tamad ako magsulat pero kaya ako nag-secretary kasi hindi kaya ng schedule ko ang maging vice president or president kasi may training ako sa volleyball ng tuesday, thursday at saturday. Tapos dance practice naman ng monday, wednesday at friday. Ngunit suspended lahat ng varsity training ng june to july kasi preparation ito para sa foundation week. Ganyan every year.

"So ayan settled na ang scheduling for the whole week. Ngayon naman pproblemahin nalang natin is yung magcacater sa students' welcome night and yung band na tutugtog." Wika ni President Andrew ng mafinalize namin ang schedules.

"Ay paparating na raw pala ang magiging guest natin sa welcome night." Sabi ng senior year representative. Plano kasi nila kumuha ng local band para tumugtog sa welcome night which is something new kasi usually DJ lang tapos awarding ng special awards.

Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya lumapit doon si President at binuksan ito. Bumungad ang 5 lalaki na pamilyar na sakin ang iba. Sila lang naman ang newbies na kaklase ko.

"Andyan na pala ang Ace of Hearts." Sabi ng senior year representative. Hindi ko naman inexpect na sila pala ang local band na sinasabi ng council. Bandista sila? Kaya pala ganyan ang pormahan nila. Napansin ko namang nakatitig lang sakin yung lalaking blonde, yung mga titig na parang tinutunaw ka habang nakangisi na tila nagsasabing "i know something"

Pinapasok na sila ni President Andrew at pinaupo sa bakanteng upuan sa round table. Nakatayo pa din ako sa harapan ng board na medyo gulat pa din sa titig ni mr yabang.

Alam mo na ba? Ang pinaka-iniiwasan ko sa buong buhay ko. May alam ka na ba, Brent Castro?

Hindi maaari. Hindi pwede.

Diaries Of Miss PerfectOnde histórias criam vida. Descubra agora