Chapter 3: May Away Ba?

785 18 0
                                    

Sa second day ng classes nagkaroon ng introduction na naman sa mga subjects na baguhan lang ang mga guro.

"This is why I hate first week. Puro introduction." Bulong sakin ni Hill. Mainipin as ever. Napangiti nalang ako at napailing. Tumayo siya na tamad na tamad.

"Mariah Hillary De Vega. 17." Maikling wika ni Hill bago bumagsak ulit sa upuan niya. Napangiti lang ng tipid ang guro na para bang nahiya sa ginawa ni Hillary. Kaya siniko siya ni Angel at napa-oh lang si Hillary na tila inosente. Sunod naman akong tumayo at ngumiti sa nasa harapan.

"I'm Maria Victoria Beau Montenegre po. 17 years old po."  Sabi ko habang hindi humuhupa ang ngiti.

"Oh, Montenegre. I've heard a lot about you." Wika ng guro habang tumutungo. Tumango lamang din ako bilang sagot sa amin guro.

"Well I hope those are nice comments po." Sabi ko bago ako umupo at bahagyang natawa naman siya. Of course, who wouldn't know me. Narinig ko namang may mahinang tumawa sa likod. Hindi ko nalang ito pinansin at pinakinggan nalang ang mga kaklase ko na isa isang nag-iintroduce.

"Brent Castro." Tipid na sagot ng nasa likod ko bago umupo.

"Mr. Castro. I believe that is not your fullname as seen on my class list. Fullname and age please." Sabi ng guro namin kaya napalingon naman ako agad sakanya at napakunot ang noo. Napairap muna si Mr. Yabang bago napangisi.

Please dont say it.....

"Sure, Miss." Ngumisi ito bago tinuloy ang sasabihin. "My fullname is Vincent Beau Castro. 17 years old."

Napalunok naman ako at napatingin ulit sa harapan ng tumingin siya sakin at ngumisi. He knows. He's aware. I'm doomed.

"Vi, magkapangalan kayo galing naman." Bulong sakin ni Angel na nakaforward ang katawan para masilip ako. Tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sakanya bago siya sumandal muli sa upuan niya.

"Talk about fate. Ang kinaiinisan ni Vi ng first day na first day." Sabi ni Hillary habang napangiti at iling. Ako, ito. Gulat pa din ay pilit kinakalimutan ang nasa isip.

"Vi. Vi." Sabi ng nasa harapan ko habang winawagayway ang kamay niya. Nag-zone out pala ako ng slight.

"Vi, kain na tayo gutom na gutom na ko eh." Pagmakakaawa ni Angel. Napatingin ako sa harapan ng classroom at wala nang gurong nakatayo sa podium. Tapos na pala ang klase at hindi ko manlang namalayan na tumunog na ang bell na hudyat ng pagtatapos ng isang class.

"Ano ba nangyare sayo at natulala ka diyan." Tanong naman ni Hillary. Agad akong napailing sakanya.

"Wala. Inaantok ako kasi diba nagdance practice kami kagabi. Kapagod." Pagkukunwari ko. Sana naman bumenta sakanila at maniwala sila.

Nagkibit balikat lang sila. Kinuha ko na bag ko at sinabayan na sila papuntang cafeteria. Napalingon ako sa grupo na nagtatawanan sa isang table. The varsities table.

"Una na kayo, hill at angel. Daan lang ako sa table ng players." Sabi ko at kumaway na sakanila para mauna na sila. Tumango lang sila bago nagtungo na sa bilihan ng pagkain.

Nang medyo malayo na sila ay pumunta agad ako sa table ng mga varsities.

"Uy, Vi!"

"Uy, Cap!"

"Oh vi napadaan ka sa table."

"Dito ka ngayon kakain Vi?"

"Ayie namiss tayo ni Captain."

Sabay sabay nilang bati sakin ng malapit na ko sa table. Binati ko lang din sila bago lumingon kay Joshua na patagong nagcecellphone. Pasaway talaga ang isang to.

Diaries Of Miss PerfectWhere stories live. Discover now