Chapter 41: Hell Broke Loose

327 8 0
                                    



Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Mapapansin ang mga bahay na nadadaanan namin. Sa village namin halata mong may kaya ang mga nakatira rito sapagkat wala kang makikitang maliit o ordinaryong bahay. Karamihan ay magaganda at malalaki na halatang minmaintain pa.

"Wala na daw nakatira diyan, Beau!" Sabi ko kay Brent at tinuro ang isang bahay na nasa kanto. Maayos pa ito at malinis.

"Oh? Pero mukhang may nagmmaintain pa. Bakit daw?" Tanong nito. Nagkibit balikat lamang ako.

"Hindi ko din alam eh chinismis lang sakin ni Hillary hehe." Sabi ko at humarap kay Brent. Ginulo naman niya ang buhok ko at nginitian ako.

Papunta kami ngayon sa Academia. Napatingin ako bigla sa side mirror at napansin na kanina pa nakabuntot ang isang black car sa amin.

"Beau? Parang kanina pa yan." Sabi ko kay Brent at tinuro ang salamin.

Napatingin naman siya sa rear view mirror at binilisan pa niya ang takbo ng kotse. Pumasok si Brent sa isang makitid na kalye sa village at sumusunod pa din ang itim na kotse.

Sa isang iglap lang ay lumabas kami sa isang kalye na parang bang squatter's area ang nasa paligid nito. Lumingon ako sa likod at napansin na sobrang lapit na agad ng kotse.

"Damn it!" Sigaw ni Brent ng mapadaan kami sa lubak lubak na kalye. Binilisan pa niya lalo nang papalapit kami sa intersection.

"AHH!" Napatili naman ako nang sumingit ito sa dalawang truck na paparating.

Tumingin ako sa salamin at napansin na wala na ang itim na kotse.

Pagkadating namin sa parking lot ng Academia de Valley University ay nakahinga na ako ng maluwag. Hinawakan ko ang sentido ko nang mbahagyang kumirot ang ulo ko.

"Sino yun?" Tanong ko at umiling lang si Brent.

"Tawagan ko si Chief." Sabi niya at nagdial sa cellphone niya. Ni-loud speaker naman ito ni Brent.

"Mr. Castro." Gulat na sagot ni Chief sa kabilang linya.

"May sumusunod sa amin kanina na black car. Plate number WFI 789." Nagulat naman ako nang maalala niya ang plate number pero agad kong naalala na may retentive memory si Brent kaya madali lang niya iyon matandaan.

Natawa naman si Chief kaya nagtinginan kami ni Brent at napakunot noo namin.

"Bagong kotse iyan na binili ni Lord. Pinapabantayan kasi niya ulit kayo sa mga guards. Naka-heightened alert ngayon lahat ng guards." Sabi niya.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Brent.

"Ahh...ehh...Wala naman dapat kayong ipagaalala. Nakabantay lang ang mga guards niyo pati na rin ang mga Castro ay alerto na." Sabi naman ni Chief.

"Pero ano ba mayroon, Chief?" Tanong ko naman. Bakit parang bigla silang naging alerto.

"Ay sige na po. Tumatawag na si Lord. Paalam ho." Sabi ni Chief at binaba agad ang tawag.

"Ano ba meron?" Tanong ko kay Brent. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Wala naman akong clue. May death threat kayang natanggap si Lolo or what?

Bigla namang tumunog ang bell sa buong parking lot.

"Hala malalate tayo may exams tayo." Sabi ko bigla kay Brent kaya bumaba na kami ng kotse at nagmadali papunta sa classroom.

Pagpasok namin ng classroom ay saktong nagbibigay na ng test papers kaya umupo na agad kami sa designated chairs namin ni Brent at nagsimula na din kaming magexam.

"Hay nako! Ang hirap naman ng exam ni Miss." Pagrereklamo ko habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Quarterly exams, Vi kaya mahirap talaga." Pamimilosopo naman ni Joshua. Idagdag mo na science kaya mahirap talaga.

Umupo na kami sa usual table namin at nagsimula na kumain. Si Angel naman ay nagrereview samantalang nagcecellphone lang si Hillary.

"Hindi ka kakain, Hill?" Tanong ko sa kanya.

"Didiet ako eh." Tipid na sagot ni Hillary. Bigla namang tumawa si Zion.

"Didiet ka pa Hillary. Eh payatot mo na." Pangaasar nito.

"Payatot ka diyan! I call it curvy." Sabi ni Hillary. Oo nga naman, hindi naman payat si Hillary. Sa katunayan maganda naman hubog ng katawan nito pero mas maganda pa nga siguro kung may laman ng onti.

"AHH!" Mabilis kaming napalingon sa narinig naming tili.

"Ano yun?" Nangibabaw ang tanungan ng mga tao sa buong cafeteria kaya tumayo agad ako at lumapit sa kung saan ang commotion.

"Tabi diyan!" Sigaw ko sa mga nakaharang na estudyante.

"V-vi." Nangangatog na sabi ng babae na nakaupo ngayon sa sahig habang umiiyak at bigla niyang niyakap legs ko.

Napatingin ako sa katabi niya at napansin na may shoebox siyang katabi. Bigla itong pinulot ni President Andrew.

"T-tulungan m-mo k-ko." Nangangatog na sambit ng babae.

"Kunin niyo siya. Dalhin niyo sa clinic." Sabi ko at tinuro ang babae. Agad naman siyang kinuha ng ibang estudyante.

"Shit! What the hell is this?" Tili ni Clara at tumalikod bigla. Nilapitan ko si President at tiningnan ang hawak niya. May puting ibong duguan sa loob ng shoebox at may nakalagay na....

"I'm back! - S.C."

Bigla namang nangatog ang kamay ko sa nakita kong tali na nakasabit sa leeg ng ibon kaya nabagsak ko ang box at may luha na tumulo sa mga mata ko.

Diaries Of Miss PerfectWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu