Chapter 38: The Ex?

348 7 0
                                    



Maaga ako nagising ngayon dahil na din ginising ako ni Blondie. Nakahiga ngayon si Blondie sa tabi ko sa kama habang nanonood ako ng tv. Hindi ako lumalabas ng mansion kasi wala namang tao dito. Si Mommy ay may pinuntahang business meeting sa Cebu. Si Lolo naman ay magbabakasyon daw sa Batanes. Noong una ayaw pumayag ni Mommy kasi kailangan daw magpahinga ni Lolo pero gusto daw ni Lolo magpahinga at nabubulok na daw ang private plane namin sa airport kasi wala daw gumagamit nito. Si Brent naman ay siguro pupuntang mansion nila. Hindi ko din sigurado kasi hindi ko natanong.

May kumatok bigla sa pintuan ko.

"Come in." Bumukas ang pinto at paglingon ko nakita ko si Brent.

"Hindi ka uuwi ngayon?" Tanong ko at inabot ang chichirya na nasa lamp table ko.

"Nope! Wala namang tao doon eh. Nagbakasyon daw si Bettina eh pinuntahan si Ate." Sabi niya at tumango naman ako. Umusog ako ng onti para makaupo siya.

"Ang sikip na ng kama dahil sa aso mo." Pagrereklamo niya at natawa naman ako.

"King size bed kaya ito. Masikip ka diyan." Sabi ko sakanya at humiga nalang siya. Nakapajama pa ito at may dala siyang laptop.

"May assignment ba?" Tanong niya at umiling lang ako.

"Wala naman. May quiz lang though." Sabi ko at inabutan siya ng chichirya. Kumuha naman ito bago buksan ang laptop niya.

"Beau, register na tayo!" Sabi niya at nginitian ko naman siya.

"Sure!" Sabi ko at tumayo na din para kunin ang laptop ko.

"Umagang umaga kumakain ka ng chichirya." Sabi niya pero kumukuha din naman siya kaya inirapan ko lang siya at bumalik na sa kama.

Binuksan na namin ang site ng Academia de Valley University. Nagulat ako sa bumungad sa amin sa homepage. Cover nito ay picture ng Class D noong Mr and Ms Campus kung saan hawak hawak ni Joshua at Marty ang trophy.

Sobrang lapit naming lahat sa isa't isa. Si Hillary at Angel naman ay nakaheart sign lang na pinagdugtong nila samantalang nasa gitna nila si Alex. Si Brent naman ay nakayakap sa akin at nakangiti. Ako naman ay nakatingin sakanya at nakatawa habang hawak hawak ang korona. Lahat naman ng mga kaklase namin ay either nakangiti or nakatawa.

Pagscroll ko next picture naman ay picture ng dance troupe noong student's welcome night kung saan nasa gitna kami ni Hillary.

Next picture naman ay picture namin student council noong inaannounce na kami ang next student body council which is last summer.

Next picture ay mga varsity player. Makikita si Joshua sa gitna ng basketball team samantalang ako naman ang nasa gitna ng volleyball team.

"Ngayon mo lang ba nakita ang mga pictures na yan?" Sabi ni Brent kaya napatigil ako sa pagsscroll.

"Oo eh why?" Tanong ko.

"Last month pa yan pinost eh." Sabi niya at tumango naman ako. Nagulat lang ako na halos lahat ng pictures ay nandoon ako. Except doon sa pictures ng iba't ibang courses sa college department, syempre.

Binuksan na namin ang registration tab at finill upan na ito.

"Business Management din kukunin mo?" Tanong nito sa akin.

"Yup! Ikaw din?" Tanong ko at tumango naman siya. Natuwa naman ako nang malaman na parehas kami ng kukunin na course.

"Mas ginanahan ako mag-BM ah. Ano ba second choice mo?" Sabi niya.

"HRM siguro. Ikaw?" Sagot ko naman at parang umiling siya.

"Marketing." Tipid niyang sagot.

"Well, let's hope na may slots pa." Sabi ko. Medyo late na din kasi at paunahan ng slots sa courses. Kundi, mawwaitlist ka pero kung puno na din waitlist ay mapupunta ka sa second choice ng course mo pero pwede pa din magbago results after ng entrance exams.

Diaries Of Miss PerfectWhere stories live. Discover now