Chapter 39: No Exes Baggage

349 8 0
                                    



"Ano yon?" Seryoso kong tanong sa kanya. On the way kami ngayon sa mansion at susunod daw sa mansion ang mga kaibigan namin. Makikitambay daw sila.

"She's just one of those obsessed fans." Sabi niya at tiningnan ko siya.

"Bakit pinupush niyang ex ka niya?" Sabi ko. At hindi ito sumagot. Humigpit ang hawak niya sa manibela.

"I don't even remember her." Sabi niya.

"You have retentive memory so how can you not remember her!" Sigaw ko sakanya.

"She's not even that important! She's not even an ex! Diba sabi ko nga sayo ikaw first girlfriend ko!" Sigaw din niya na kinagulat ko. Parang natakot naman si Blondie kaya hinawakan ko nalang ito ng mahigpit. Sakto namang tumigil ang kotse sa driveway kaya binuksan ko kaagad ang pintuan at lumabas.

Tumakbo ako papasok ng kwarto ko bitbit si Blondie. Binagsak ko ang pintuan ko at nilock ito.

Bakit niya ako kailangan sigawan kung wala lang naman iyon? Sino ba kasi siya? Bakit nagalit pa si Brent?

"Nakakainis tatay mo noh?" Sabi ko kay Blondie. Naligo nalang ako at nagbihis na. Narinig ko namang kumakatok sila Hillary at Angel.

"Vi, buksan mo." Sabi nila kaya binuksan ko naman agad ang pintuan.

Pumasok agad sila at sinara ito.

"She's not an ex. Inexplain nila Zi." Sabi ni Hillary pero umiling ako.

"Kung hindi siya ex bakit naman nagalit pa si Brent sa akin." Sabi ko sakanila at biglang may inabot na cellphone si Angel.

"Basahin mo." Sabi niya at kinuha ko ang cellphone. Isa siyang article sa isang website ng kilalang news tv channel.

Isang volleyball player ng High Tierra University kicked out matapos magkalat ng fake scandals.

Iyan ang nakalagay sa headline at may video sa baba kaya pinlay ko. Babae ito na nakablur ang mukha.

"I'm sorry for all the false news that spread. I am genuinely sorry for Vincent Beau Castro whom I have..." biglang umiyak ang nasa video kaya nagstop na ang video. Halata sa built ng katawan at sa mukha nito na parang siya nga ang volleyball player kanina na nakalaro namin.

It is said that this girl spread false news and edited pictures of her with one of the heirs of Castro going in and out of a hotel. According to sources, she has been kicked out of

Biglang may nagpop out naman na message:

Babe #3
When are we going to meet again? I miss you, x.

"Ay hehe kay Alex kasi yang cellphone." Sabi ni Angel at kinuha ang cellphone. Napailing naman ako at natawa kami nang makita ang message.

"Playboy talaga iyon." Sabi ni Hillary at natawa kami. Napabuntong hininga naman ako.

"Magusap nalang kayo ni Brent. Nasa poolside sila ngayon." Sabi ni Angel kaya tumango lang ako at dumeretso na sa poolside. Nakasunod naman sa amin si Blondie.

Nang makarating kami sa poolside ay tumakbo agad si Blondie papunta kay Brent. Tumalon ito para makaakyat sa pool lounge na inuupuan ni Brent.

Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Niyakap naman agad niya ako kaya napangiti kaagad ako.

"Next time, makinig ka sa akin ha." Bulong nito kaya tumango lang ako.

"I love you!" Sabi niya at kiniss pisngi ko.

"I love you too!" Sabi ko naman sakanya.

"Ay bati na agad kayo? Gusto ko pa namang makita kayong magaway." Pagbibiro ni Kevin kaya binatukan siya ni Hillary.

Hinagisan naman siya ni Brent ng unan.

"Oo nga gusto ko pa naman makita ulit kayo magaway. Namiss ko yun." Sabi naman ni Marty. Natawa naman kami.

"Isa ka pa, Valle eh. Paguntugin ko kayo ni Chiongban eh." Sabi naman ni Brent at nag-X ng arms si Marty as if nakashield ito.

"No please." Sabi niya at nagtawanan kami. Naglabas naman ng pagkain ang maids kaya nagsimula na silang kumain. Si James at Joshua naman parang may nilalaro sa cellphone nila.

"By the way guys!" Sabi ko at bigla namang tumingin sila sa akin.

"Nagregister na kami sa Academia. BM kami ni Brent." Sabi ko at sumilip pa kay Brent na nakahiga at pikit na ngayon.

"Wow! Yay!" Sabi nila pero nagpout naman si Zion at Alex.

"What's with the long faces?" Tanong ni Hillary.

"Sa HTU ko kasi plano since wala namang Tourism Management sa AVU." Sabi ni Zion.

"Ako naman...baka sumunod ako kay Kuya sa US of A." Sabi naman ni Alex.

"Awww...paano na yan mababawasan ng playboy sa AVU." Sabi ni Joshua habang tutok na tutok sa cellphone niya. Natawa naman.

"Who's the playboy?" Sabi naman ni Alex at Zion na sabay. Natawa kami. Eh silang dalawa naman ang notorious playboys ng AVU eh syempre kasama din diyan si Joshua at Marty.

"Ay by the way, nagtext babe number three mo Alex." Sabi ni Hillary na nakangisi pa.

"Babe number three? Seriously, Alex?" Sabi naman ni James.

"What? I can't remember their names eh." Sabi nito nang nakataas pa ang kamay. Bigla naman namin siyang pinagbabato ng mga chichirya at iniilagan niya ito. Natawa naman kami sa kanya.

Tumingin ako kay Brent ngayon at nakaupo na ito at nakikitawa na.

"Diaz baboy mo!" Pangaasar nito kay Alex.

"At least umaabot nga sa texting sa akin eh. Eh itong si Zi." Sabi ni Alex kaya napatingin kami kay Zion.

"Hoy hoy wag niyo ko idamay diyan." Sabi niya at tumayo para kumuha ng drinks.

"At talagang hindi kayo maghihiwalay kahit saan ah." Sabi ni Kevin habang tinuturo kami ni Brent.

"Ito kasing si Brent sunod ng sunod sa akin." Sabi ko.

"Hoy anong ako? Ikaw yon sus kunware ka pa, Beau." Pangaasar naman ni Brent sa akin.

"Talaga naman ah?" Sabi ko at kinagat labi ko para pigilan ang tawa ko. Kiniliti naman ako bigla ni Brent kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa likod nila Joshua para magtago.

"Hoy, Vi! Huwag kayong magulo. Matatalo kami!" Sigaw ni Joshua pero hinawakan ko braso niya para magtago dito. Tumakbo ako sa side ni Hillary nang makalapit sa akin si Brent.

"Hoy mga Beau Beau!" Sigaw nito sa amin pero tinulak siya ni Zion sa upuan niya kaya nalaglag ito at nahawakan ako ni Brent.

"Brent!" Sigaw ko.

"Zion!" Sigaw naman ni Hillary.

At sa isang iglap lang ay lahat na kami naghahabulan except kay Joshua at James na nagcecellphone lang. Nagmumura pa ang mga ito na parang intense ang laro nila. Bigla naman akong nadulas sa poolside at kumapit kay Angel na nakahawak naman kay Hillary kaya nalaglag kami sa pool.

Tumawa naman ang mga boys sa nangyari sa amin.

"Tawa kayo diyan!" Sigaw namin at hinatak sila. Ending lahat kami nasa pool na naghahabulan.

Bigla naman naming tinulak ang tubig papunta kay Joshua at James para mabasa ang mga ito.

"Hoy!"

"Tigilan niyo nga mananalo na kami!"

Pagrereklamo nila pero hindi kami nagpaawat. Bigla namang binagsak nila ang cellphone at nagapir pa.

"Panalo!" Sigaw nila nang bigla din silang tumalon sa pool.

Sana lagi lang kaming ganito kasaya.

Diaries Of Miss PerfectWhere stories live. Discover now