Wakas

48.4K 1.1K 65
                                    

WAKAS

HINDI MALAMAN ni Drake kung ano ang pinagkakabusyhan ng kanyang asawa. Palaging umaalis kaya minsan ay naiiwan si Henry at Harry sa mga Yaya nito. Yes, nagkaanak muli sila at kambal pa. Napakasaya niya dahil tatlo na agad ang anak nila. Mahirap pero nakakaya nila. Mas namayagpag na rin ang business niya. Hindi lang sa bansa, maging sa ibang bansa na rin. Sa dami ng blessing na dumadating sa pamilya nila ay hindi nila nakalimutan na magtungo sa church ng pamilya para magpasalamat. Dati ay hindi siya mahilig magsimba. Pero dahil sa asawa niya na inaya siya kaya kada linggo ay nagsisimba na sila. At 'pag may bad or good man na nangyari ay pumupunta parin sila sa church to wish for a good health and life. At ang blessing na natatanggap nila ay shinishare din nila sa iba. Tumutulong sila sa mga ampunan ng bata, matanda, at syempre sa mga hayop na inaabuso. Katuwang din nila doon ang My niya na matagal na ring ginagawa ang ganung charity.

"Ya, where's your Mam? Alas tres na, ah?" tanong niya sa loyal na kasambahay nila. Kinuha niya si Henry at Harry sa sahig na gumagapang. Ang magkabilang kamay niya ay pareho niyang gamit upang buhatin ang dalawa. Hinalikan niya ang mga ito sa labi at napangiti siya. Isang taon na ang mga ito at gumagapang na tila gusto ng maglakad. Hati sila ni Joe sa namanang mukha ng mga ito. Pero magkaiba ng kulay skin ng mga ito. Si Henry ay moreno at si Harry ay mestiso. Curly ang buhok ni Henry na hindi niya alam kung saan namana, habang si Harry ay straight. Pero sinabi sa kanya ni Joe na baka sa Mama nito nakuha ang pagkakulot ni Henry. Kulot daw ang Mama ni Joe kaya siguro doon namana ni Harry iyon. Naupo siya sa sofa at inupo niya sa kandungan niya ang dalawa.

"Baby, your Mommy is not around. Layas din ang Mommy niyo, ano?" kausap niya sa dalawa na nakatingin sa kanya habang inaabot ang mukha niya.

"I don't go to school anymore!" napabaling siya ng tingin sa pinto ng marinig ang galit na sigaw ni Cj na magfo-four years old na. Naka-school uniform ito dahil gusto nang pumasok din sa school dahil naiingit sa pinsan nito na si Racer.

"Oh, baby ko, bakit ka galit?" tanong niya.

Tumayo siya at lumapit sa kolong-kolong ng kambal. Dahan-dahan niyang hiniga ang mga ito upang hindi mapilay.

Nang maihiga niya ay tumingin na siya kay Cj na naupo sa sofa habang nakahalukipkip at salubong ang kilay. Naupo siya sa tabi nito at inayos ang buhok nitong blonded na magulo.

"Daddy, may nakakainis po kasing boy na kiniss ako sa lips.. God! He's so maniac. Eww!" nandidiri nitong sabi at pinahiran ang labi.

Napahalakhak siya dahil kahit sa batang isip palang ay matalas ng magsalita at hindi niya alam kung saan nanggaling ang ubod na kaartehan nito.

"Dad! Why are you laughing?" inis nitong sabi.

Binuhat niya ito at inupo sa kandungan niya patagilid sa kanya.

"Baby, kung kiniss ka ng batang lalakeng iyon, anong ginawa mo? Sinumbong mo ba sa teacher mo?" sabi niya na nagpipigil ng ngiti dahil tumaas muli ang kilay nito.

"Not yet, Dad. Dahil gusto ko po na kayo muna ang sasabihan ko." sabi nito at humawak sa leeg niya at kiniss siya sa pisngi. "Oh, Daddy, sorry, I forgot po to kiss you kanina." sabi nito dahil hindi ito nakapagpaalam nung pumasok ito sa school.

"It's okay, baby. Pero anong pangalan ng lalakeng kumiss sa'yo?" ngiting pagtatanong niya.

Cj is so sweet girl. Kahit na bata palang ay mataray at maarte na ay napakasweet nito sa taong malapit rito. At bata palang ay kita na niya na habulin ito ng boys paglaki. Kaya 'pag teenager na nito ay maghihigpit siya rito. Ayaw naman niya na sa basta-bastang lalaki nalang ito mapupunta.

"Ayoko pong sabihin ang name niya. I still mad at him." sabi nito at sumandal sa dibdib niya. "Dad, sabi po pala ni Teacher may kid's day daw po kami sa friday." pagpapatuloy nito para ibahin ang usapan. Umalis ito sa pagkakasandal sa kanya at tumingin sa kanya. "Dad, hindi naman po kayo busy sa friday, 'di ba po? Kailangan daw po ng parents. 'Pag hindi kayo nagpunta, I'm so kawawa sa mata ng mga classmate ko. God! I can't take that. I'm Chastity Joey for nothing."

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora