KABANATA 8 - EPAL

36K 906 7
                                    

Kabanata 8 - Epal






"Hmm.." ungol ni Joe ng meron siyang nararamdaman na humahalik sa kanya. Dumilat siya at nakita niya na si Drake iyon.

"Bangon na, Hon. Kainin na natin yung luto mo." sabi nito sa kanya kaya naupo siya sa kama at tinignan ang oras.

Alas otso trenta na pala.

"Okay." tugon niya na napahikab pa siya.

Tumayo ito at inalalayan siyang umalis ng kama. Pansin niya na nakasandong itim at jersey short ito..

"Anong oras ka nakauwi?" tanong niya rito.

Inakbayan siya nito habang palabas na sila ng kwarto.

"Mga seven. Tulog na tulog ka ng maabutan ko. 'Yun pala ay nagtungo rito si My para turuan kang magluto." sabi nito na kinahiya niya.

"Ah, oo. Mabuti at tinuruan niya ako. Napakabait pala ng Mom mo." sabi niya rito habang papasok na sila ng kusina. "Maupo ka na. Ako na ang magsasandok ng pagkain." sabi niya rito.

Kaya inalis na nito ang pagkaka-akbay sa kanya at tinungo ang pinaka-dinning area ng pad nito at naupo sa isa sa mga upuan.

Pinusod muna niya buhok niya at kumuha ng mga plato at nilapag sa harap ni Drake at sa tabi ng plato nito ang kanya. Bumalik siya at nagsandok naman ng rice at nilagay sa malaking rice plate. At pagkatapos mailapag ang rice ay yung adobo naman ang sinandok niya at nilapag na rin. Kumuha siya ng tubig at baso nila. Pagkatapos ay tsaka siya naupo sa tabi nito..

Pinagsandok niya si Drake na nangingiti kaya pinagtaasan niya ito ng kilay.

"Bakit ka nangingiti d'yan?" usisa niya.

"Wala. Masyado kasi akong natutuwa sa asawa ko." sabi nito kaya pabirong umirap siya pero napangiti ito.

"Tumigil ka na nga. Kumain na tayo dahil tiyak na gutom ka na." sabi niya rito at nagsandok naman ng para sa kanya. Humalakhak nalang ito bago ito kumuha ng ulam. Napailing siya at nagsalin ng tubig niya.

"So, kamusta ang bonding n'yo ni My?" tanong nito kaya nilunok muna niya ang kinakain.

"Mabuti naman. At nag-enjoy ako dahil marami akong natutunan kay Mom." sabi niya na kinahinto nito sa pagsubo.

"Mom? Nagpatawag siya sa'yo ng Mom?" nakangiti nitong sabi kaya tumango siya.

"Oo. Sabi niya kasi tawagin ko daw siyang Mom." sabi niya.

"She like you. Kaya gusto niya na tawagin mo siyang 'Mom'." wika nito na kinangiti niya.

"Really? Akala ko kasi bad shot na ako dahil nakita niya na hindi ako perfect wife sa'yo." sabi niya at sumubo muli pero napahinto siya ng may mapagtanto siya sa sinabi niya.

"Talaga? Gusto mong maging perfect wife para sa akin?" Tanong nito kaya nag-iinit ang pisngi niya at hindi makatingin na tumango siya. "God! Masaya ako na marinig 'yan." sambit nito at inusog ang upuan palapit sa kanya. "Hon, sit here." sabi nito at nagulat siya na hawakan siya sa braso para patayuin siya. Inupo siya nito sa kandungan nito na patagilid. Niyakap siya nito sa bewang at hinalikan siya sa pisngi saglit.

"Thanks for the effort to be a perfect wife to me, Hon. Actually you don't have to do that. In my eyes, you are perfect." wika nito na kina-touch niya.

Ngumiti siya at hinaplos ng gwapong mukha nito.

"Hayaan muna ako. Gusto ko kasi na mag-work ang pagsasama natin. At sa pagiging asawa mo ay baka makabawi na ako sa kasalanang nagawa ko." sabi niya rito na kinaseryoso nito.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now