Kabanata 21 - Someone

24K 581 2
                                    

Kabanata 21 - Someone





UNTI-UNTING idinilat ni Joe ang kanyang mga mata. Pero napapikit siyang muli dahil sa nakakasilaw na ilaw. Nang dumilat siya ay nilibot niya ang tingin. At napansin niya na narito siya sa dati niyang kwarto sa bahay ng Papa niya. Nang sumagi sa isip niya ang Papa niya ay agad siyang napaupo pero napahawak din sa ulo ng biglang sumakit iyon.

"Hon, finally, nagising ka rin." sabi ni Drake kaya napaangat siya ng tingin sa bagong pasok na si Drake na buhat si Cj.

"Anong nangyari? Si Papa? Kailangan ko siyang puntahan." sabi niya at inalis ang kumot at bumaba ng kama.

"Mahiga ka lang muna, Hon. Hindi ka pa maayos buhat ng mahimatay ka." pigil sa kanya ni Drake na lumapit sa kanya.

"Maayos na ako. Kailangan ko lang mapuntahan si Papa." sabi niyang muli at maglalakad na sana siya ng harangan siya ni Drake.

"Hon, wala na ang Papa mo. Naipadala na rin siya ni Tita sa funeral." sabi nito na may pagkabahala sa mukha nito. Tila tinitimbang ang reaksyon niya.

Natulala siya at nanlambot sa kanyang narinig. Tumulo ang luha niya at napailing.

"Hindi! Hindi pa siya patay! 'Wag mo nga akong biruin." galit niyang sabi at pinilit na makaraan. Binaba nito si Cj sa kama at tsaka siya hinawakan sa balikat.

"Hindi kita binibiro, hon. Wala na ang Papa mo. Pagdating ko rito ay umiiyak si Tita at hindi ko alam ang gagawin. Masakit man pero tuluyan ng nagpaalam ang Papa mo." sabi nito. Lalo siyang napahagulgol kaya niyakap siya nito. Yumakap siya rito at umiyak sa balikat nito.

"Bakit ganun? Bakit agad akong iniwan ni Papa? Sabi niya ay babawi siya? Bakit ganito naman ang ginawa niyang pagbati?" humahagulgol niyang sabi rito na hinaplos nito ang kanyang likod.

"Shh... Alam ko na masakit para sa'yo, Hon. Pero wala na tayong magagawa. Nandito pa naman ako, si Cj, at si Tita. Pati ang pamilya ko ay pamilya mo na rin. Hindi naman kagustuhan ng Papa mo kung kunin na agad ang buhay niya." sabi nito kaya napatigil siya sa paghagulgol at tanging paghikbi nalang ang nagawa niya. Umalis siya ng yakap kay Drake at tumingin rito.

"Gusto kong makita si Papa, please.." pakiusap niya rito.

"'Wag na, hon. Dadating din naman agad sila Tita dito. Dahil dito ibuburol ang 0apa mo. Hintayin nalang natin, okay?" sabi nito habang pinupunasan ang luha niya kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Napatingin sila kay Cj nang tumawa ito habang nakatingin sa gilid ng kama. Nagkatinginan sila ni Drake at lumapit sa anak nila.

"Why are you smiling, baby?" tanong ni Drake rito na akala mo ay sasagutin siya nito. Binuhat ito ni Drake habang siya ay naupo sa tabi nito. Kahit na nalulungkot siya ay bigla siyang napangiti habang nakatingin sa mag-ama niya. Tumingin siya sa paligid at alam niya na nagpakita ang Papa niya kay Cj.

'Pa, kung nasaan ka man ngayon ay sana nasa maayos na po kayo. Sana rin po ay magkita kayo ni Mama para naman maging panatag ang loob ko na magkasama kayo kahit sa kabilang buhay. 'Wag po kayong mag-alala. Magiging matatag po ako gaya ng bilin n'yo. Salamat po sa lahat.' ani ng kanyang isip na sana ay marinig nito.

-

HINAHAPLOS ni Joe ang salamin ng kabao ng Papa niya. Payapa ang mukha ng Papa niya habang nakasuot ng paborito nitong tuxedo na regalo niya noon rito. Kanina pa siya nakatunghay doon habang hindi parin mapigilan ang mapaiyak dahil tanging sa kabaong nalang niya masisilayan ito.

"Hon, narito sila My." pukaw sa kanya ni Drake kaya agad siyang nagpahid ng luha. Humarap siya rito na nakaitim na polo habang nakaboard short. Kilik-kilik nito si Cj na mabuti at hindi umaatungal.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ