Kabanata 22 - Business Trip

23K 542 10
                                    

Kabanata 22 - Business Trip

MATAPOS ang ilang araw na pagluluksa sa pagkamatay ng Papa ni Joe ay bumalik na sila sa pad. Kahit paano ay nakakapag-adjust na si Joe.

"Honey, hindi ka ba muna mag-a-almusal? Baka gutumin ka sa board meeting n'yo?" tanong niya kay Drake na nagmamadaling magsuot ng sapatos. Tinanghali kasi ito dahil tila hindi rin nakatulog ng magising ng madaling araw si Cj at ito ang nakabangon. Tulog na tulog siya no'n kaya hindi niya nalaman na nagising ang anak nila.

"Sorry, Hon. Nagmamadali ako. Magpapa-deliver nalang ako ng coffee or anything na makakain." sabi nito at tumayo habang bitbit ang cellphone. Lumapit ito sa kanila ni Cj. Buhat niya kasi si Cj. "I have to go, Hon." paalam nito at humalik sa labi niya at kay Cj.

Agad itong lumakad palabas kaya napabuntong hininga siya dahil tila magiging busy na ito. Naupo siya sa sofa at hiniga si Cj doon.

"Baby, tayo muna ang magkasama ngayon. Papuntang work ang Daddy mo." nakangiti niyang sabi habang hawak ang dalawang maliliit na kamay nito. Tumawa ito kaya hinalikan niya tiyan nito na lalo nitong kinatawa. Napangiti siya dahil mukhang masiyahin paglaki ang anak niya.

Biglang nag-ring ang phone niya kay napatingin siya sa cellphone niya ng may biglang tumawag kaya inabot niya iyon na nasa table. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at nakita niya na si Nestle kaya agad niyang sinagot.

"Hello, Nestle. Napatawag ka?" nakangiti niyang sabi habang nakaalalay kay Cj upang hindi mahulog.

"Naistorbo ba kita? Aayain sana kita rito sa amin. Sabi kasi ni Drake ay wala ka raw kasama d'yan ngayon sa inyo. Tutal ay busy din si Duke sa work niya at ako lang ang narito kasama ni Racer, baka gusto mong pumunta rito? O ipasundo nalang kita?" sabi nito.

"Talaga? Okay sa akin 'yan. Nakakabagok nga kung mag-isa lang kami ng anak ko rito. 'Wag mo na kaming sunduin. May bodyguard naman na naiwan si Drake rito. Magpapa-drive nalang kami papunta d'yan." natutuwang sabi niya.

"Sige, hintayin nalang kita rito sa amin." sabi nito kaya napatango siya kahit hindi nito nakikita.

"Sige, magbibihis lang kami. Tutal ay nakaligo naman na kami." sabi niya rito at nagpaalaman na sa isa't-isa.

Napatingin siya kay Cj na nakatingin sa kanya. Ngumiti siya rito at hinalik-halikan ang kamay nito.

"Maglalakwatsa muna tayo habang wala ang Daddy mo. Gusto mo ba no'n?" sabi niya rito na nangiti.

Binuhat na niya ito at tumayo siya upang magtungo sila sa kwarto nila para makapagbihis na.

BATUHAN naman ng kuro-kuro ang mga board member ni Drake habang pinagdidiskusyunan nila ang tungkol sa naging problema sa mga na-recruit nilang trabahador sa ibang bansa. Ang naipasok nila na kasambahay ay nagnakaw sa isang pinakamayamang pamilya na mataas ang tungkulin sa bansang indonesia.

Napahilot siya sa noo dahil sa naging problema.

"Sir, kailangan tayong magpadala ng representative upang makausap ng maayos ang pamilya ng napatay. Gusto kasi nilang patawan din ng kamatayan si Mrs. Agoncillo." sabi ni Rex.

Napahinga siya ng malalim bago tumayo at napahampas sa table na kinagulat ng mga ito.

"Sino ang nagpadala sa kanya sa indonesia ng wala man lang permiso ko?" galit niyang tanong sa mga ito. Ni hindi nakarating sa kanya na meron palang pinadala doon na hindi ipinapaalam sa kanya.

"Ah Sir, tumawag ako kay Mrs. Ford, your wife. Siya ang nag-approve sa akin at pumapayag daw kayo." sabi ni Lea..

Napakunot-noo siya dahil wala namang sinasabi sa kanya si Joe.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon