KABANATA 2 - KASAL

36.8K 977 8
                                    

KABANATA 2
KASAL

TULALA SI JOE habang nagsasalita ang isang judge na nasa harapan nila upang ikasal sila ni Drake.

Iniisip niya kung aatras ba siya? Pero tuwing maalala niya ang Papa niya ay mas pinapatibay no'n ang paniniwala niya na wala ng atrasan.

"Miss Ramos, are you okay?" pukaw sa kanya ng matandang judge.

Yeah, kaibigan ni Drake ang judge na nagkakasal sa kanila.

Napabalik siya sa sarili lalo na ng humigpit ang hawak ni Drake sa kanyang baywang.

Ewan ba niya kung bakit ayaw pa siyang bitawan nito?

"A-ah.. Opo, okay lang ako." tugon niya rito. Ngumiti ito at may nilahad na papel sa kanila.

"Kung gano'n ay pirmahan niyo na ito bilang patunay na kasal na kayo." sabi ng judge sa kanila.

Mabilis na pinirmahan iyon ni Drake habang siya ay nakatitig lang sa papel.

"Pumirma ka na, Joe. Tandaan mo na kailangan mo ako." bulong sa kanya ni Drake. Kaya naman ay nahihirapan na pinirmahan niya ang papel na sila ay kasal na, "good." Bulong pa nito at nagulat siya ng ipaling nito ang mukha niya paharap rito. At ang mas nagpagulat sa kanya ay nang sakupin nito ang labi niya sa harap mismo ng mga kaibigan nito.

"Whooo! Nice, Bro!" sigaw ng mga kaibigan nito na naging saksi sa kasal nila. Agad niyang tinulak sa dibdib si Drake nung ayaw nitong bumitaw. Napadila ito sa labi at napangisi habang nakatingin sa kanya. Yumuko na lang siya dahil nahihiya siya sa mga tao na nasa loob ng opisina ng Judge.

"Congratulations, Hijo at Hija. Ipapadala ko na lang sa 'yo ito, Drake, ang kopya ng original copy ng contract ng kasal niyo." sabi ng Judge sa kanila at kay Drake.

"Okay, Mr. Guzman. Salamat sa inyo." sabi ni Drake na kinangiti ng judge at tinapik lang si Drake sa balikat.

Inakay siya ni Drake sa mga kaibigan nitong tatlo na nakaupo. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito dahil mga pang-asar ang ngiti ng mga ito sa kanila.

"Congrats, Bro. Ano, saan ang kainan at honeymoon niyo?" bulgar na tanong ng isang mukhang playboy.

"Sumunod na lang kayo sa pad ko. Magpapahanda ako ng pagkain." sabi ni Drake sa mga ito at bumaling sa kanya, "let's go." aya nito at inakay na siya. At dahil nakapulupot parin ang kamay nito sa baywang niya kaya nahila siya.

"Pwede mo naman na akong bitawan. Wala na tayo sa harap ng mga kaibigan mo." sabi niya rito habang lumalabas sila ng munisipyo. Bumitaw ito at pinamulsa na lang ang kamay sa slacks na suot nito. At napamaang siya nang lagpasan siya nito at nauna na maglakad sa sasakyan nito. Hindi siya makapaniwala at napahinto saglit sa paglalakad sa inasta nito.

What a jerk!

Napailing na lang siya at lumapit sa sasakyan nito. Bumusina ito ng makalapit siya kaya halos mapatalon pa siya sa gulat.

Umirap sya at padabog na nagtungo sa kabilang side para makasakay.

Pagsakay niya at pag-seatbelt niya ay agad na nitong pinasibat ang sasakyan.

"'Yung pera, kailangan ko na ngayon." sabi niya mula sa mahabang katahimikan. Sinilip niya ito at nakita niya na napatiim-bagang ito at nagdilim ang anyo. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa manibela na kinalabas pa ng ugat at muscle nito sa kamay, "Tsaka idaan mo pala ako sa company mo. Kukunin ko ang sasakyan ko para makauwi sa amin. May kailangan pa akong puntahan." pagpapatuloy niya ng mapansin na malapit na sila sa company nito. Pero hindi ito nagsalita at agad na niliko ang sasakyan sa kaliwa na kinataka niya. Napatingin siya rito na seryosong nagmamaneho habang mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now