Kabanata 14 - She's Sick

27.5K 675 9
                                    

Kabanata 14 - She's Sick



GABI NA ng matapos sa meeting si Drake. Hindi na niya tinawagan si Joe dahil tiyak na nandoon ito sa bahay ng papa nito. Lulan na siya ng sasakyan ng mapatingin siya sa isang cake shop. Kaya naman ay tinabi niya ang sasakyan sa parking lot at bumaba upang bumili ng pasalubong sa Papa at Tiya nito.

"Good Evening, Sir." bati ng guard kaya tumango siya rito. Pinagbuksan siya kaya pumasok na siya. Marami din ang costumer na ibig na kumain sa mismong cake shop. Pumila siya kahit na ayaw niya. Napangiti siya dahil naaalala niya kung paano siya pagsabihan noon ni Joe tungkol sa pagpila.

"Dali! Dito tayo." excited na hatak sa kanya ni Joe kaya napailing siya at nagpahatak papasok sa isang fastfood chain.

"Grabe! Dami palang tao." Sabi nito ng makaupo sila. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Napatulala siya habang nakatingin sa ngiti nito. "Pila ka na. Gusto ko yung chicken with rice and fries."

Hinahangin ang buhok nito at natatamaan ng liwanag ang mukha nito habang nakangiting nakatitig sa kanya.

"Uy! Naririnig mo ba ako?" Pinitik nito ang daliri sa harap niya kaya napabalik siya sa sarili.

"Huh?"

Napailing ito at napanguso tanda na naiinis na ito.

"Hindi mo naman ako pinapakinggan.. Salita ako ng salita, pero 'yun pala nakatulala ka lang." sabi nito at nagdadabog na tumayo. Agad siyang napatayo at hinawakan ang pulso nito para pigilan.

"Wait! Pasensya na may iniisip lang ako. Nagtatampo ka naman agad." sabi niya rito at pinaupo ito. Ginulo niya ang buhok nito at tinungo niya ang counter kahit may nakapila.

Magsasabi pa lang isya ng o-orderin niya ng may humatak sa kanya sa braso kaya napalingon siya.

"Ano ka ba! Kitang may nakapila, tapos sumingit ka pa. Dapat pumila ka rin para hindi magalit sa'yo ang mga naunang pumila." sabi nito at pinila siya sa likod. "Ayan. Dito ka pumila, okay?"

Napailing siya at napangiti dahil sa alaalang iyon.

"Hi, Kuyang Handsome. Gusto mong mauna?" biglang sabi ng mga kinikilig na high school student na mga babae sa kanya. Nasa unahan niya ang mga ito at gusto na paunahin siya.

"I'm okay here.. Thanks for the offer." sabi nalang niya at tumingin sa menu board kung saan nakapaskil ang mga cake.

"Grabe. Ang bango, Bes, at ang yummy." dinig niyang bulong ng mga babae.

"Oo nga, ang gwapo-gwapo pa. Grabe tiyak na mas yummy pa 'pag walang damit." napahagikgik ang mga ito na kinailing niya.

Matapos ang mga ito na bumili ay nagtungo lang ito sa gilid niya tila walang balak na mag-alisan. Hindi na niya pinansin at umorder siya ng chocolate cake.

"830 pesos po lahat, Sir." nakangiting sabi ng cashier na namumula pa ang mukha.

Kinuha niya ang wallet sa coat niya at kumuha ng pera.

"Ay! May girlfriend na pala. Ang ganda, Bes. Wala na tayong pag-asa." dinig niyang bulungan ng mga high school girls na hindi parin umaalis sa gilid niya. Napatingin siya sa wallet niya at nakita niya ang larawan ni Joe na nilagay niya talaga sa wallet niya para mapagmasdan pag namimiss niya ito. Ito yung dati pa niyang nakaw na litrato nito nung kolehiyo sila at magkasintahan palang sila. Napangiti siya at sinara na ang wallet at inabot ang isang libo sa cashier.

"Keep the change." ani niya at kinuha na niya ang box ng chocolate.

"Naku! Thank you po, Sir!" Sabi ng cashier kaya tinaas lang niya ang kamay bilang pagtango. Lumabas na siya na bitbit ang cake. At sakto naman na may isang flower shop sa tabi kaya pagkalagay niya sa front seat nung cake ay tinungo naman niya ang flower shop para bumili ng bulaklak para kay Joe.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now