KABANATA 9 - TROUBLE

31.5K 810 90
                                    

KABANATA 9
TROUBLE



"GOOD AFTERNOON, SIR!"

"Hi, Sir!"

Kabila-kabila ang bumabati kay Drake habang naglalakad siya papasok ng opisina. Tanging pagtango lamang ang ginawa niya at nagpatuloy sa paglalakad na may seryosong awra na mababakas sa kanyang mukha.

Pagdating sa office niya ay agad siyang pabagsak na naupo sa swilver chair niya at napahilot ng sentido. Hindi niya nais na pumasok at mas gugustuhin na lamang niya na magkulong sa pad niya kasama si Joe.

Napangiti siya dahil kagabi lang ata siya napagod at napuyat ng husto. Hindi niya kasi tinantanan kagabi ang asawa niya. Masyado siyang nahahalina na maangkin ito ng paulit-ulit. Kahit ubos ang enerhiya niya ay para naman siyang lalong lumalakas 'pag kapiling niya ito at kayakap sa kanyang bisig.

"Malalim ang iniisip natin, Dude." napabaling siya ng tingin sa pintuan ng magsalita si Robi at pumasok kasama ng mga kaibigan nila.

Napabuntong-hininga siya dahil tiyak na manggugulo lang ang mga ito sa kanya.

"Tiyak na iniisip lang n'yan ang gabi-gabi niyang pag-angkin sa asawa niya." ngising wika ni Jeff na kinailing niya dahil tama naman ito.

"Yeah right. Sa hilatsa ng ngiti niya tiyak na nag-i-imagine ng scene nila ng asawa niya." tugon ni Daniel.

"Stop talking about my private life. Why are you all here, assholes?" Pigil niya sa mga ito.

"Wala. Nais ka lang namin dalawin at ayain para maka-night out naman. Simula ng mag-asawa ka ay hindi ka na sumasama." Sabi ni Robi.

"No. Pass ako ngayon. Kayo na lang." tugon niya at pinaglaruan ang ballpeng hawak niya.

"Fuck you, Dude! Hindi na naman? Sandali lang tayo." pamimilit ng mga ito.

Napahinga ng malalim si Drake dahil hindi talaga siya titigilan ng mga ito 'pag hindi siya pumayag, pero kailangan muna niyang magpaalam.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Joe. Nag-ring lang ng ilang sandali bago siya napangiti ng sagutin na nito.

"Hello, Hon." bungad niya.

Napatingin siya sa mga kaibigan niya at nakita niya na mga nakangiting pang-asar ang mga ito at napailing.

"Hi, Honey. Bakit ka napatawag?" Sabi nito kaya lalo siyang napangiti dahil na-miss niya agad marinig ang boses nito.

"Itatanong ko lang kung anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya na dapat ay hindi iyon ang sasabihin niya.

'Damn dude! Paligoy-ligoy pa ang loko.'

'Takot ata itong magpaalam.'

Bulungan ng mga kaibigan niya kaya tumayo siya at lumakad ng konti palayo sa mga ito. Nakatayo siya sa harap ng malaking glass window ng office niya habang hinihintay ang tugon sa kanya ni Joe.

"Ah, narito ako kela Papa. Bumisita na ako." sabi nito kaya napatango siya. Hinayaan na niyang lumabas-labas ito at hindi naman niya maaari na ikulong lang ito sa bahay, pero may pinasunod naman siyang tauhan rito kaya kampante siya na walang mangyayari rito.

"Ganun ba. I-kamusta mo na lang ako, Hon."

"Oo, nauunawaan naman si Papa kung bakit wala ka." sabi nito kaya napatango-tango siya.

'Dude, sabihin mo na.. Baka mapatayan ka ng hindi nagpapaalam.' Sabi ni Robi na natawa.

"Ano 'yun, Drake? May kasama ka ba?" tanong ni Joe.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now