Kabanata 12 - Not Feeling Well

30.6K 686 17
                                    

Kabanata 12 - Not Feeling Well




NAGISING si Drake dahil sa sikat ng araw. Napakusot siya ng mata at tumingin sa tabi niya. Napangiti siya ng makita na tulog na tulog pa ito. Hinalikan niya ang labi ni Joe at hinawi ang buhok nito upang mas matitigan niya ang mukha nito. Dahan-dahan niyang inalis ang braso sa ulo nito upang hindi magising. Nang maalis niya ay tinaas niya ang kumot dahil nakikita niya ang mayaman nitong dibdib. Mahirap na. Baka imbes na bumangon ay magtagal pa siya sa kama. Hinalik-halikan muna niya ang balikat at leeg nito bago siya bumangon sa kama. Binitbit niya ang pinaghubaran nila at tinungo niya ang damitan nila. Nilagay niya sa marumi kung saan nito nilalagay ang pinagbihisan nila. Kumuha siya ng towel at tinungo ang banyo upang makapag-refresh. Pagkatapos ng seremonya niya sa banyo ay lumabas na siya habang nagpupunas ng buhok. Napailing siya dahil hindi parin ito nagigising.

Sinabit niya ang towel sa sabitan at lumapit siya sa side table upang kunin ang cellphone niya. Kinuhanan niya ito ng larawan ang asawa at napakagat-labi siya dahil para itong dyosa na natutulog kahit magulo ang buhok. Sinet niya sa private ang larawan dahil gusto niya na siya lang ang makakakita.

Nilapag niya muli ang cellphone sa side table at tinungo ang walk-in closet para magbihis. Board short na white at black shirt ang sinuot niya. Sinuot niya ang tsinelas at lumabas na ng walk-in closet. Balak niya na ipagluto ng breakfast ito dahil tila hindi ito makakasabay sa kanila. Maingat niyang sinara ang pinto at lumakad na pababa.

Pero napahinto siya sa isang guest room na alam niyang naging kwarto ni Magnolia. Bukas kasi ang pinto kaya isasara sana niya ng makita niya sa loob si Seige. Napangisi siya dahil tila ginagapang ng loko ang dalaga. Napailing siya at dahan-dahang sinara ang pinto.

Hinayaan nalang niya dahil mukhang desperadong-desperado ang utol niya. Pagbaba niya ay nakita niya si Samuel na may katawagan. Habang nasa tabi nito si Benj na naglalaro ng kotse-kotsehan nito.

"Good morning, Bro. Baby." bati niya kay samuel na tumango bilang tugon. Ginulo niya ang buhok ni Benj na bumusangot ang mukha. Pinisil muna niya ang pisngi nito bago umalis ng living room para magpunta sa kitchen. Sa dinning area ay nandoon ang Dad niya na humihigop ng kape habang may binabasang files. Napaangat ito ng tingin ng marinig siguro ang yapak niya.

"Good morning, Dad." bati niya rito na tumango.

"Good morning too, Son. Where's your wife?" pagtatanong nito at binalik muli ang mata sa files.

"Nasa kama pa. Napagod ng husto." tugon niya na kinangisi nito.

"Good job, Son. Manang-mana ka rin sa akin. Hindi pa ba buntis?" sabi at tanong nito.

"Hindi ko pa alam, Dad. Pero hindi pa naman siya nagsasabi kung may nararamdaman siya." tugon niya at humawak sa upuan.

"Baka naman mahina ka. Tignan mo ang kuya mo. Kaka-honeymoon palang ay may laman na agad sa tiyan ni Nestle. Gusto mo ba ng vitamins ko?"

Napailing siya at napangisi sa sinabi nito.

"Huwag na, Dad. Hindi naman po ako nagmamadali. Kung kelan kami biyayaan ay maghihintay ako. Ang importante naman ay sa akin si Joe." sabi niya rito.

"Sabagay. Pero bilis-bilisan n'yo baka maunahan pa kita." nakangising makahulugang sabi nito.

"Bakit, Dad? May balak pa kayo?"

"Oo naman. Bumigay din naman ang Mom mo at tinago ko na ang pills niya para sure. Mas maganda na marami ang pamilya hanggang hindi pa kami u-ugod-ugod." pilyong sabi nito na kinangisi niya.

"Hanga talaga ako sa determinasyon niyo. Sige, Dad. Magluluto lang ako ng breakfast ni Joe. Baka mamaya pa iyon bumangon."

Tumango ito kaya umalis na siya at tinungo ang kusina. Nakita niya na nagluluto ang Mom niya na katulong ang dalawa na si Deo at Diesel.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon