KABANATA 3 - HURT

34.8K 913 56
                                    

KABANATA 3
HURT

NAPAIYAK SI JOE dahil wala siyang Drake na naabutan sa paggising niya. Bakit ba tuwing gigising siya sa pagtatalik nila ay lagi siyang naiiwan mag-isa sa kama? Ngayon ay mas napag-isip niya na katawan nga lang ang habol nito at hindi siya.

Bumangon siya sa kama at nagtungo ng banyo upang mag-shower dahil medyo naglalagkit siya buhat ng nangyari kagabi. Nanakit ang parte ng hita niya pero hindi na tulad ng dati na sobrang hapdi. Tila nasobrahan lang ata sa pag-angkin si Drake sa kanya kaya hindi parin niya kaya.

Habang nasa ilalim ng tubig ay naisip niya na maglinis na lang ng pad nito, tiyak na hindi naman siya palalabasin nito muli, at baka angkinin na naman siya nito 'pag sinuway niya ito.

Pagkatapos niyang maglinis at magbihis ay tinungo niya ang sala. Pero napahinto siya ng may nag-text sa cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng short niya at tinignan kung sino ang nag-text.

Hon, two days akong mawawala. Kaya 'yung bilin ko, 'wag mong susuwayin. Uuwian na lang kita.

-Drake.

Text na galing kay Drake. Gusto niyang i-text ito kung saan ito pupunta at bakit mawawala ng ganung katagal? Pero bigla ay nakadama siya ng hiya. Pero bakit tila tumalon ang puso niya ng magpaalam ito sa kanya?

Nag-text muli ito kaya agad niyang binasa.

Te amo.

Text muli nito sa ibang lenggwahe na kinakunot ng noo niya.

Ano 'yun? Anong ibig sabihin ng text nito? Minumura ba siya?

Napailing na lang siya at binulsa ang cellphone at tinungo niya ang kusina nito upang kumain.

Hindi siya marunong magluto. Maski itlog ay hindi siya marunong. Kaya parang nagningning ang mga mata niya ng makita niya sa lamesa na may lutong napakasarap na almusal. Ham, egg, hotdog, tapos meron ding tapa na may mayonaise na favorite niya, at take note! May fried rice pa. Pero may letter na iniwan doon kaya binasa nya.

Nagluto na ako, kaya kainin mo ito lahat. At sa lunch and dinner mo ay nasabihan ko na ang restaurant sa baba ng pad ko na dalhan ka ng food. 'Wag kang magpagutom. -Drake.

Hindi niya maintindihan kung anong sumapi sa lalakeng iyon? Bakit biglang bait nito? Parang ito na talaga ang Drake na minahal niya. Ang Drake na lagi siyang dinadalhan ng pagkain noon.

Napangiti siya dahil alam na niya na kahit iba ang trato nito ngayon ay naroon parin sa pagkatao nito ang dating Drake na malaki ang concern sa kanya.

Siguro ay kailangan niya talagang gawin ang lahat para mapatawad siya nito. Siya rin naman ang may kasalanan kung bakit ito galit sa kanya.

Ganado siyang kumain at palihim na napadighay sa kabusugan. Kahit anong dami ng kainin niya ay hindi naman siya tumataba. Siguro ay dahil ang lola niya noon ay petite. Ang sabi-sabi ng Tita niya at Papa niya ay doon daw siya nagmana.

Niligpit niya ang pinagkain at naisip niya na maglinis ng pad nito, para pagdating nito ay malinis ang pad nito.

Nang matapos siya ay sa sala naman ang inumpisahan niyang linisin.. Pinalitan niya ng punda ng mga unan at ang kurtina ay pinalitan niya ng maliwanag na kulay.

Nag-vaccum din siya at nagpunas siya ng table, tv, dvd, at pinalitan niya ng tubig ang flower vase. Nang matapos siya ay pabagsak siyang napaupo sa sofa sa sobrang pagod.

Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now